1

5K 66 12
                                    

Chapter 1

Janelle's POV

"Hi I'm Ronnel, Ellie's boyfriend."

Tinignan ko lang ang kamay niyang naka-extend. Hindi ko tatanggapin yan. Ilang beses na bang nabahiran ng mga lalaki ni Ellie ang kamay ko.

Tumango lang ako. Hindi ko sasayangin ang oras ko para tanungin siya tungkol sa kanilang dalawa ng kaibigan ko.

Nahiya naman siya sa pagtanggi ko sa naka-alok niyang kamay.

"Ah.." Pagsisimula niya.

Tinitigan ko lang ito. "Napakilala mo na ang sarili mo pwede ka nang umalis at huwag nang bumalik ulit sa buhay ni Ellie. As for today you and Ellie were over."

Hinila ko na si Ellie at pumasok sa cafeteria.

Tinext kasi ako nang babae na ito na magkita kami sa field, at alam ko na kung bakit kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras para makapag-ayos ng sarili para lang harapin ang mga lalaki niya.

"Ang galing mo talaga, Janelle. Savior talaga kita."

Pumunta ito sa pwesto ko at niyakap ako.

"Oo na lagi naman di ba? Saan mo na naman nakilala 'yun? Sino nga ba ulit 'yun?"

"Sa bar, hindi ko naman alam na nag-aaral din pala ang mokong na iyon dito, tsaka nakalimutan ko na ang pangalan niya. Ilang oras lang naman kami mag-on, kaya hindi ko na kailangang ma-bother kung sino man siya."

Hindi na nagbago. Sa mukha at ugali niyang masungit ay nagagawa niya pang mag-boyfriend. Pero ayos lang naman iyon as long as hindi niya pa naibibigay ang kinaiingatan naming tatlo nila Becca.

"Hays. Kelan ka kaya magbabago.. Oops. Wag ka ng magtangkang sagutin naririndi na ako sa sagot mo."

Tumawa naman ito at nilagay ang braso sa mesa. "Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa."

"Ewan sayo, teka nga nakita mo ba si Becca?"

Sa kanilang dalawa ni Becca at Ellie, kay Becca na ako kahit ganoon ang babae na iyon. Mabait na, maunawain pa.

"Malay ko alam mo naman na kasama ko si who-ever-he-is. Di ba sabay kayong lumabas?"

Magkakak-klase kaming tatlo sa maraming subject. Culinary Arts ang kinukuha namin. Si Ellie talaga ang best friend ko simula nang elementary pa ako, pero sa hindi ko malamang dahilan ay nag-tatagal kami sa ugali naming dalawa. Pero wag ka mahal ko ang isang 'to.

Nahampas ko naman ang noo ko. "Oo nga pala naiwan ko, nang i-rescue kita. Wait tatawagan ko."

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Becca. Nakailang ring ito bago sumagot.

"Hello." Mahinhin niyang sabi. Ito lang ang ayaw ko sa kanya kung ano ang kinataray ni Ellie siya naman ang pagkamahinhin nito.

Ako lang ata ang matino sa kanila.

"Na saan ka? Sorry nakalimutan kita, si Ellie kasi."

"Ok lang, hmm. Ano narito ako sa ano. Sa garden. Ano. Kasama ko kasi si Denzel."

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Huwag lang talaga ako malingat sa babaeng ito ay may kikidnap na sa kanya. Lampa pa naman.

"Di ba sinabi ko nang huwag kang sasama sa lalaking 'yan. Akala ko ba hindi mo na gusto 'yan. Pero ano na?"

"Gusto niya lang daw akong kausapin."

Second Chance at LoveWhere stories live. Discover now