6

715 8 2
                                    


Lumabas na ako ng bahay ng marinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Floyd. Naka-sandal siya sa kanyang sasakyan. Looking good under the sun.

"Wala ka ng nalimutan?" Bungad niyang tanong sa akin, habang inaalalayan ako sa kabilang pinto ng kanyang sasakyan.

Tumigil ako at kinalikot ang dala kong bag. Naririto naman ang I.D ko, cellphone, wallet at mga susi.

"Oo wala na, tara na. Baka ma-late ka rin sa opisina mo."

Pinigilan niya ako sa braso ng akmang bubuksan ko na ang pinto ng kanyang sasakyan. Kunot-noo ko siyang tinignan na puno ng pagtataka.

"You missed kissing me." He playfully said.

Ngumiti ako at dinampian siya ng halik. Dalawang mabilis na halik ang ginawad ko.

"Ayon na 'yon? Ilang araw tayong hindi nagkita at ganoon na lang ang isasalubong mo sa akin?"

Umirap ako sa kawalan at lumapit ng maigi sa kanya. Inayos ko ang kanyang tie at muling dinampian ang kanyang labi. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin.

"Nasa tapat pa tayo ng bahay. Anong gusto mo ipadampot tayo nila Papa."

"You're my fiancee there's nothing wrong with that, so what if Tito's see us? Magpapakasal naman na tayo."

"Male-late na tayo, ano ka ba. Mamaya, promise." Wika ko. Kinindatan ko siya bago kinalas ang yakap niya sa akin. Iiling-iling naman siyang pinagbuksan ako ng pinto.

First day ko ngayon sa aking trabaho. Usapan na namin ni Floyd na tuwing umuga at uwian ay ihahati't sundo niya ako. Tulad nga ng sinabi ni Floyd ay ilang araw kami na hindi nagkita dahil na rin nagsisimula na siyang mag-trabaho sa tito niya. Gabi na ang lagi niyang uwi, maraming kailangang habulin ang department nila.

At isa pa hindi na siya sa subdivision namin nakatira, binilhan na nila Tita si Floyd ng condo. Isang beses pa lang ako nakakarating doon.

"Ang mga paalala ko sayo Janelle, huwag na huwag mong kakalimutan. Kung nasa loob ka lang ng kusina doon lang, kapag kinakailangan doon ka lang lalabas."

"Oo na, tinatak ko na 'yan sa isip ko."

"I am serious here, Janelle. Don't you dare talk to the stranger especially if he is he."

Pinigilan ko ang pagtaas ng mata sa kakulitan niya. Kahit naman hindi kami nagkikita ay nag-uusap naman kami sa cellphone, at 'yan ang lagi niyang pinapaalala.

"Promise." Humarap ako sa kanya at tinaas ang aking kanang kamay at binigyan siya ng inosenteng tingin.

"Huwag mo akong bigyan ng ganyang tingin. Ititigil ko 'tong sasakyan at hahalikan kita sa gitna ng traffic."

"Oo na, oo na. Eto naman parang 'di mabiro."

Tatawa-tawa siyang kinuha ang kaliwang kamay ko at hinalikan. Hindi na rin niya binitawan hanggang makarating kami sa Hotel.

Pumasok kami sa basement, lalong humigpit ang kapit niya. Pinalo ko ang braso niya.

"Ano ba Floyd nasasaktan ako. Ano ba ang nangyayari sa'yo."

"Paano kung..." Humarap siya sa akin habang naka-kunot ang noo.

Huminga ako ng malalim. "Hindi mangyayari 'yon. Engaged na ako sa'yo. I love you, always remember that."

"I know, I'm sorry for being paranoid. Ayaw kitang mawala." Humalik muli siya sa paladko at minasahe.

"Magta-trabaho lang ako hindi ako mangingibang-bansa. Hindi ako mawawala sayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Second Chance at LoveWhere stories live. Discover now