17 - Meteor Shower

1.1K 31 6
                                    

» His Point of View «

Ang aga-aga may sumisira na sa araw ko. Anong ginagawa ng lalakeng 'to sa harap ng klase namin.

"Good morning. I'm Daniel Sevilla, transferee student from National Science High School. Nice meeting you guys."

Nagtaas ng kamay si Davenant, may balak atang magtanong. Sige tol itanong mo kung nagjo-joke lang s'ya tapos palayasin na yan.

"Bakit ka nagtransfer dito? " ang ganda ng tanong n'ya ah. Interesting.

Umiling-iling lang s'ya sa harap na nakangiti, bubuntalin ko 'to eh, noong isang araw lang ang lakas ng loob n'yang harapin ako na wala namang matinong sasabihin tapos ngayon dito na s'ya mag-aaral?

"Dahil may misyon ako at ang misyon ko ay pataubin si Blaire Caryle!" lakas-tama talaga nito. Ang tindi ng fighting spirit. Nagpalakpakan tuloy ang mga classmates ko. Ano s'ya kandidato sa pagka-senador?

Tumabi pa s'ya sa'kin, feeling-close talaga 'tong mokong na 'to.

"Pa'no ka nakapagtransfer dito! Sa pagkakaalam ko hindi tumatanggap ang Oxbridge ng mga abnormal," bara ko para ma-offend.

"Si Simile nga nakalusot," napakamot ako sa ulo, seryoso! Magiging classmate ko ba talaga s'ya! For real? "Buti na lang may nag-drop out kaya nakahanap ako ng kwarto sa dorm kundi ba-byahe pa ko araw-araw. Binu-bully daw kasi ng first year kaya ayun."

"Nagpapa-kwento ba 'ko? Shut up."

"Ang sungit naman. Bale, anong club ang sinalihan mo?"

"At bakit?" nakaka-irita na talaga 'tong katabi ko. Susungalngalin ko na 'to, malapit na.

"Dahil hindi lang sa academic kita tatalunin kundi sa lahat ng bagay bwahahahaha."

Bahala s'ya sa agenda n'ya sa buhay. Pakielam ko ba. Pero seryoso talaga 'to eh, tinatapatan performance ko sa klase.

After all those boring lectures nagkayayaan na kami nina Dave at Junjie kumain sa canteen kaso may bumubuntot. Umakbay pa sa'kin.

"Saan ang lakad natin? Tamang-tama, apat na tayo. Pwede na tayong boy group. Boy group ng mga pogi," inalis ko yung kamay n'ya sa balikat ko. Lakas talaga ng pananalig nito. I-belong ba daw ang sarili?

"Kasing popular ka din ni Blaire sa dati mong school?" maka-usisa naman 'tong si Dave parang close na sila.

"Hindi ka nagkakamali, malakas kaya ang charismatic appeal ko sa mga babae. Itong makakasalubong nating chicks mahihimatay 'to kapag binati ko," napatingin kami dun sa chicks na sinasabi n'ya. "Hi babes," sabi ng mokong.

"Tseee," inisnab lang s'ya. Feeling kasi masyado eh. "nasobrahan ata ako ng charm, teka. Mabawasan nga muna. Ayokong nabibigla ang mga kababaihan dito."

"Saan mo ba gustong talunin si Blaire? Sa academics o sa puso ng mga babae?" tanong ni Junjie.

"Sa lahat."

***

» Her Point of View «

Paglabas namin ni Rhea nang room nakipagsiksikan ako doon sa mga tumpukan ng mga istudyante sa tapat ng bulletin. Another announcement. Sana may kinalaman sa laman-tyan.

"Music festival. Open to all levels. Any theme or genre are accepted. Group, duo or soloist are welcome, sing, dance or both. Song writers are also invited to participate," basa ni Rhea habang ako nakatutok dun sa cash prizes.. Ten thousand for the grand winner? Kailangan ko ng pera!

After nun pumunta na kami sa canteen ni Rhea.

Matapos ang mahabang pila ay may tumawag sa pangalan ko. Sa sobrang lakas pinagtinginan tuloy s'ya. Anong ginagawa n'ya dito? Bakit nakasuot na s'ya ng school uniform ng school ko! At ang pinaka-big question e bakit magkakasama silang apat?

Our Fancy Romance | #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon