Chapter 1 - The Abduction of Life and Hope [2]

106 38 31
                                    

   Ang tingin na 'yon makikita mong may mga naitatagong sikreto't bagay na tanging siya lang ang nakakaalam. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Morthea. 

 'Anong ginagawa n'ya?' bulong ng isa sa likuran ko.

'Baliw na ang pinuno natin,' sagot ng isa. 

'Tama, kailangan na siyang palitan!' sagot pa ng isa. 

   Agad na kumilos ang kanang braso ni Morthea at pinalipad ang matulis na bakal na galing sa matulis na pater ng metal spear. Sinbilis ng liwanag ang lipad at isa sa pangkat theta ang tinamaan, isang lalaekng di-pamilyar ang mukha, lumuhod, at bumagsak sa kaniyang kinatatayuan... ng walang kamalay-malay. Ganon lang kadaling bawain ang buhay ng isang tao't wala ng sinasanto. Tumingin ng masama ang lahat ng narito kay Morthea, mga matang nagliliyab sa galit pero di isa sa kanila ang nagtangkang ibuga ang apoy ng galit na gustong kumawala sa loob ng kanilang mga damdamin. Kahit itago nila ang masidhing damdamin, naarramdaman ko ito at gumuglo sa 'king isipan; parang piping hindi makapagsalita, madaming mga bulungan at husgahan hanggang sa hindi ko na kaya pang pakinggan at maintindihan pa ang paartang laban sa kaniya.

"Mga hangal! Paano niyong nagawang buhayin ang isang espeiyang galing sa tribong Valroy! Pagmasdan mabuti ang kaniyang palad, nakatatak ang simbolo ng Valroyannes! Ng makita kong bumunot siya ng espada, naramdaman kong hindi siya nararapat dito! 'mahina' kung nila'y tayo'y tawagin, hindi na ako makakapayag pang mabigo muli sa larangan ng pangalan ni Zagourecleaclues!" sigaw ni Morthea.

Nagulat ang lahat. Tama si Morthea, kabilang nga sa Valroyannes ang napaslang. Isang kahanga-hangang abilidad ang meron siya, sana'y taglayin namin ang lakas at kapangyarihan na meron s'ya. Nakakatakot ang kaniyang kakayahan.

"Suriin ang iba pang mga kasamahan, gamutin ang nabubuhya at iwanan ang patay. Pagkatapos... tayo'y maglaklakbay patungo sa silangang syudad ng Eaelride! Dun magpapahinga ang aking mandirigma at mga Konde," Sabi ni Morthea.

"Baka naman yata'y padalos-dalos ang inyong desisyon pinuno. Ang Eaelride ay ang sentro ng digmaan sa pagitan ng tribong Juleiwa at tribong Agocried. Tiayk ang isa sa tribong ito ang ating makakasalamuha, maaring ito ang susunod na digmaan natin at hindi maganda ang kalagyaan natin ngayon, kulang na ang sandatahang lakas natin, matatalo tayo, kamahalan," batid ni Odheis.

"Kung gano'y sa hilagang Eaelride tayo tutungo. Tinitiyak kong tapos na ang digmaan ng mga Agocriedians. Isa p'at ang tribong Agocried ay kasapi ng mga Valroyannes sa silangan at babalik sila sa kampo ni Bougrley. Kaya kung sa silangang tayo maglalakbay hindi natin sila makakasalubong. Nagsisimula na ang kanilang pagbalik, Odheis. Wala ng itim na usok na nangagaling sa hilaga siguor'y nagpapahinga narin sila ngayon,"

"Paano ang tribong Juleiwa?" Tanong ni Odheis.

"Anong paano, Odheis?"

"Paano kung magkita kayo ni pinunong Neharious?"

"Neharious... ?" biglang napaisip si Motrhea.

   Sa sandaling narinig niya ang panglang nabangit, tila may naalala siya galing sa kaniyang masalimuot na nakaraan. Ngumiti ng kaunti na tanging sya lang ang nakakaalam.

"Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan niya. Kamusta na kaya ang dating kaibigan? Sa tingin mo Odheis?"

"Siguro po pinuno. Bali-balitang pumapangatlo sa pinakamalalakas at lumalaking kolonalyismo ang mga

   Juleiwans at dahil 'yon kay pinunong Neharious, kamhalaan", sabi ni Odheis sa kaniyang malinaw na pag-uulat.

"Tama, Ang mga Juleiwans ay dati nating kaalyansa sa mga labanang tulad nito kaya mas lumalaki ang tsansang pagkapanalo sa mga digmaang pinapasok natin Odheis, poer mas pinili niyang walang panigan at bumuo ng sariling kolonya. Sariling pamumunuan. Sariling kayaman, kagustuhan at kapangyarihan. 'Yon ang nais niya simula't unang nagkakilala kami sa isangd 'i ko makakalimutang dwelo, isa siya sa mga malalakas na kabataan noon--pero 'di na ngayon. Kasalanan nya na 'yon. Kaya kung magkita man kami, walang gulong mangyayari, takot siyang malagasan ng kawal. Kaya Odheis, ihanda na ang mga karwahe, ihanda ang mga kabayo't kagamitang pangdigma ngayon din. Tutungo tayo sa silangang Eaelride"

The Outside: The ResurrectionWhere stories live. Discover now