Chapter 1 - The Abduction of Life and Hope [3]

138 41 36
                                    

Ang tono ng kaniyang pananalita ay seryoso at kapani-paniwala ang kaniyang mga sinasabi. Hindi lang naman s'ya ang nakakaramdam ng ganito, lahat naman kaming naririto ay may ideya kung anong nangyayari. Lumingon ako't nakita ko siyang nakatayo habang nakatapak ang kaniyang talampakan sa braso ng mga yumaong mandirigma.

"Huwag mong tapakan ang mga 'yan. Wala ng buhay iyang tinatapakan mo", sambit kong hindi nagpapakita ng anumang emosyon at tumalikod ako ng parang walang kausap--Arlsen.

"Isa s'yang Valroyannes, Ostalgia," sabi nya.

"Isa syang Valroyannes pero hindi ibig sabihin nun kahit patay na itratrato na nating parang isang hayop, Arlsen,"

kalmado kong sinabi ng hindi humahaarp sa kaniya.

"Masyado ka ngang mahina, tulad ng ibang babae. Isang kang babaeng mya mababaw na puso,"

Nang narinig ko ang mga salitang iyon, bawat letra nadinig ng aking tainga, pumasok sa 'king utak, nanglaki ang aking mga mata dahil sa inis at galit na dumadaloy ngayon sa dugo ko. Sa pagkakataong ito, hindi ko na papalgpasin si Arlsen. Parang ang tingin niya sa kababaihan ay mababang uri, tapos na ang mga panahon 'yon, 'sing lakas na ng kababaihan ang mga kalalakihan kung minsan ng'ya higit pa na mas malakas kaysa sa kanila. Hindi na 'kong nagatubuling lapitan sya't hawakan ng mahigpit ang kaniyang suot na baluti't dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya. Hindi siya nagpatinag at nagpadala lang sa aking emosoyn.

"Hindi ako basta babae lamang, Arlsen. Hindi nasusukat ang lakas sa laki ng katawan at balbas sa mukha. Karamihan sa inyo'y duwag at mahihina. Tumingin ka sa paligid mo, mas madaming kababaihan ang nanatiling lumalaban sa kaysa sa mga lalakeng sumabak sa digmaang ito," pagbabanta ko.

"Dahil sila'y hindi sumabak sa digmaan. Ang mga kababaihan ng Asatrtians ay pinalaki upang maging alipin at mag-aral ng medesina hindi makipaglaban at makipagsabayan sa makamandag na lakasan ng mga sandata. Hindi ko rin alam kung bakit pilit kanilang pinapasabak sa digmaan, Ostalgia," Sabi nya habang tumitig sya ng matalim sa aking malalim na mala-asul na mga matang kasing kulay ng dagat. Habang hawak parin ang kaniyang baluti at isa lang ang nasabi ko...

"Dahil kailangan n'yo ako," malamig kong pagkasabi sa kaniya.

Tumitig muli sya ng ilang segundo, para bang pilit na pinoproseso ang mga sinabi ko sa kaniya. Tinitigan ko lang siya ng ilang segundo't tsaka ko binitawan ang kaniyang baluti at pinakawalan ang brasong may bahid ng dugo. Masyado syang nagmamalaki at masyado niya kaming minamaliit. Umaastang paarng hangal. Hindi na siya muling nagsalita, umalis siya na parang walang nangyari, lumabas pasok lang sa kaniyang utak ang mga sinasabi ko. Masyado na akong nag-aaksaya ng oras kailangan ko ng ipagpatuloy kung ano man ang ginagawa ko. Sa susunod na makita ko sya hindi lang galos ang aabutin nya.

Sa bawat pagtapak at paghakbang, isang daang mga patya ang aking nalalagpasan at wala pa sa kalingkingan ko ang aking nakakaligtaan at nasusuri sa iba na maaring nabubuhya at gumagapos pa ng paghinga. Inuna ko ang isang lalakeng mayroong balbas at peklat sa gilid ng kaniyang leeg, ngunit hindi na nito humihinga, ang isa pa'y tumitibok pa ang kaniyang puso ngunit huli ng siya'y sagipin. Halos lagpas tatlongput-walong mga biktima ang nasuri ko ng ni isa ay wala pa akong nakikitang nakaligtas sa digmaand 'i tulad ng huli naming pagsasagupaan, hindi bababa sa sampu ang naililigtas at ngyaon ay buhay pa tulad nila, Afdes, Queco, Nhiyro, at Pelacio na patuloy dinadanak ang dugo hanggat kailangang may isakripisyong buhay kung kinakailangan. Sa huling minuto ng paghahanap, mas lalong dumidilim ang kalangitan kyasa sa huling tingin ko kanina. Namantashan at nabahidan ng itim na usok at nagbabalak na ibuhos ang lakas sa kalupaan. Naging agaw pansin ang isang batang nasa edad labing-isa hanggang labing-limang taon, nakabihis ng itim na baluti, may kakinisan ang balat, at siya'y kasapi ng mamayanang Valroyannes; dahil sa simbolong nakalagay sa kaniyang palad--ang uwak at apoy na sinisimbolo ng tribong Valroy. Isa siya sa mga batang sa murang edad tinuruan ng humawak ng kanyon, karit, espada't maso, at sa pagtataka ko, wala siyang galos at anumang sugat sa katawan ngunit may bakas ng dugo sa kaniyang ulo at mga kamay. May posibilidad na buhay pa siya. Sana nga. Tinignan ko ang daloy ng kaniyang pulso, may nararamdaman akong pagtibok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Outside: The ResurrectionWhere stories live. Discover now