CLOSER TO LOVE ♥ 6

41 0 0
                                    

CLOSER TO LOVE ♥ 6

Naghihintay na sa tabi ng kotse si Luke nang lumabas ang dalagita mula sa front door. Napakunot-noo siya. White blouse na may front bow, dark blue skirt na above the knee at pink boots? Nag-aaral ito sa isang exclusive international school. Ang cute nito sa school uniform nito. Pero ganon na ba ang mga usong uniform ngayon?

 Ipinagbukas niya ito ng pintuan sa backseat at pumasok na ito. Siya naman ay sumakay na sa driver's seat. Habang nasa biyahe sila ay hindi niya maiwasang mapatingin dito sa rearview mirror. Nagbabasa ito ng libro. Mala- anghel talaga ang mukha nito. Walang bahid ng make-up. Napakakinis at mamula-mula ang mga pisngi at mapupulang mga labi. Umangat ang tingin nito at pasimpleng tumingin siya sa harap ng steering wheel.

"Mr. Sandoval?"

"Yes?"

"Kapag nasa car ako puwedeng patugtugin mo yung CD ni Taylor Swift? She's my favorite artist."

"Okay." Kinuha niya ang tinukoy nitong CD at isinaksak yun sa stereo. Maya-maya lang ay sinasabayan na nito ang tugtog.

"Ah Shine?" untag niya rito. May gusto siyang itanong dito kanina pa.

"Yes?" umangat ang tingin nito at nagtama ang kanilang mga mata..

"Yan naba ang usong uniform ngayon with matching some boots?"

 "Mr. Sandoval, these are Doc Martens boots, not just some boots. And yes, you're so old you don't know what's the "in" 'thang"  these days." mataray na sagot nito at nagpatuloy sa pagbabasa.

Nagtanong lang siya, nilait pa siya nito. Ganon na ba siya talaga katanda sa paningin nito? Hinayaan na niyang magbasa ito.

Pagdating sa car park ng school, akmang bababa na siya ng pigilan siya nito.

"Did you brought a gun, Mr. Sandoval?"

Gulat na napatingin siya rito. Nakalagay ang 9mm Glock19  niya sa loob ng waistband niya. Hindi niya alam na napansin nito iyon. "Nakita mo?"

"No, that is why I'm asking you."

"Oo may dala ako."

" I didn't see it."

"It's in my waistband. And you shouldn't really see it or anyone else to avoid any cause for alarm. Let's go." Bumaba na ito at ipanagbukas ng pinto ang dalagita.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon