CLOSER TO LOVE ♥ 2

64 0 2
                                    

CLOSER TO LOVE ♥ 2

Nasa tapat na siya ng library. Kumatok siya sandali at pinihit ang doorknob at tuluyang pumasok habang pakanta-kanta na nakapikit pa ang mga mata at sinabayan pa ng paggalaw ng ulo. Alam naman niya na may mahabang sofa sa loob at kahit nakapikit makakaupo siya dun.

♫ ♫ ♫ That you were Romeo, you were throwing pebbles

            And my daddy said stay away from Ju-u-liet

           And I was crying on the staircase

           Begging you please don't go-o-ooooh, and I said

          Romeo take me somewhere we can be alone

         I'll be waiting all there's left to do is run

         You'll be the prince and I'll be the princess

         It's a love story baby just say yes-s-s! ! ! ♫ ♫ ♫

 Nakaupo na siya sa sofa at dumilat upang batiin ang daddy niya, napansin niya na medyo naka dim light ang loob ng library. Hinanap ng mga mata niya ang daddy niya, bagkus nakita niya ang isang napakalaking lalaki na nakatayo sa tabi ng bintana at matamang tinitignan siya. Naka-suot ito ng dark maong pants, black shirt at black leather jacket. Lumakad ito palapit sa kinaroroonan niya. Hindi ba ganito rin ang mga suot ng mga..........................MAGANANAKAW?!

Namutla siya sa realisasyong naisip niya! Paano may nakapasok na magnanakaw dito sa mansiyon nila?!

Oh my god! Oh my god! Don't panic Shine!!!

"Waaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh! HELP ME! HELP ME PLEASE! May magnanakaw! Magnanakaw!" ubod ng lakas na tili niya habang patakbong tinungo ang pintuan ng library. Eksakto naman na bumukas iyon at iniluwa ang daddy niya!

"Hey! Mali ka ng..."anang lalaki na natigil sa pagsasalita ng pumasok ang daddy niya.

"Daddddddyyyyy! May nakapasok na magnanakaw!" niyakap niya ito at napaiyak sa dibdib nito.

"Ha? Sinong magnanakaw, baby?" nagtatakang tanong ng daddy niya habang iniharap siya rito at pinunas ang  kanyang mga luha.

Napatingin siya sa mamang malaki ang katawan, na nakalapit na sa kanila at tinuro ito. "Siya daddy!"

Tumawa ng marahan ang daddy niya. "Shine, mukha ba siyang magnanakaw?" amused na tanong nito.

"Yes dad. He scared the hell out of me!" natakot siya talaga dito.

"Watch your words, baby. Bakit ano bang ginawa niya sa iyo?"

Ano nga bang ginawa ng lalaki sa kanya? "Uhm, nothing really..."

"Anak, hindi siya magnanakaw. Siya pa nga ang nanghuhuli sa mga magnanakaw." Bumaling ito sa estrangherong lalaki. "Pasensiya kana sa anak ko, Luke. Napagkamalan ka pang magnanakaw." Natawa pa ito ng bahagya at bumaling ulit sa kanya. "Say sorry to him, hindi siya magnanakaw anak. Kakilala ko siya at bisita natin."

 Tumingin siya rito na medyo nahihiya. " I'm sorry po. I thought you are one of them. Because your clothes are the same with the goons I watch in movies...And you are so big and scary, you can't blame me..."

"It's all right."maikling sagot nito.

"Anak naman, sobra na yata yang mga pinapanood mo. Anyway let's take a seat at may mahalaga tayong pag-uusapan."

Umupo na ang daddy niya sa harap ng desk nito. Pareho silang naupo ng lalaki sa magkabilang upuan kaharap ng daddy niya.

"Dad I really missed you! Where are my pasalubongs?" excited na tanong niya.

CLOSER TO LOVEWhere stories live. Discover now