CHAPTER 11: Walkout Queen

2.9K 40 5
                                    

CHAPTER 11: Walkout Queen

SOPHIA’S POV:

Hmmmmmm.

Ang bango.

Ang sarap pa sanang matulog pero umaga na. Babangon na nga ko.

Pakaupo ko, stretching muna.

Nakakaantok pa talaga. Higa na muna nga ako ulit at pikit ang mata.

Hmmmmmm.

Iba ang amoy ngayon ng bed ko. Ang bango pero parang pamilyar.

Pamilyar?

Pamilyar nga.

Parang si… (0.0)

Napabangon ako bigla.

Teka. Anong ginagawa ko dito?

Bumukas ang pinto ng banyo.

Bigla naman akong nataranta at humiga ulit.

Oo na. Ako na ang ewan.

Bakit ba ko nagtutulog tulugan?

Nakakahiya eh. Panu ba ko napunta dito? Pinuntahan ko ba siya kagabi?

Isip. Isip. Alalahanin.

Aaaaaaaah.

Pinuntahan ko nga siya kagabi pero para gamutin ang sugat niya kasi nabugbog siya dahil sakin. At sa kasamaang palad, nakatulog ako sa sofa niya. Pero sa kabutihan niya, dito ako sa kama niya nakatulog.

Teka…

Tabi ba kaming natulog?

Gulp!

Tanungin ko kaya. Okay.

“Aray! Ano ba? Ang sakit ha.” Ako.

Batuhin ba naman ako ng unan.

(o.o)

“Sabi na nga ba. Gising ka na. Kung anu ano ang expressions ng mukha mo.” Siya. Habang kumukuha ng damit sa closet.

“Ha? Ano eh. Bakit ba ko nandito sa kama mo? Tsaka…ano…” Ako.

“Ano?” Siya. May hawak na dalawang damit, namimili.

“Ahmmmm…” Ako

Panu ko ba itatanong ng walang malisya?

“Ano nga?” Siya. Nakapili na ng damit.

“San ka ba natulog kagabi?” Ako.Mahina kong tanong.

(0.o) siya

Then

“Hahahaha” siya

Anong problema nito?

“Hahahaha” Siya. Tawa pa din ng tawa.

“Hoy nga. San nga?” Ako. Tumayo na ko. Siya naman, inabot sakin yung damit na napili niya at pumasok ng banyo.

Okay. Maliligo na siya. (-.-)

Tabi ba talaga kaming natulog?

Waaaaaaaaah.

If ever, ano naman? Mag-asawa naman kami.

Pero masama pa din eh. Nakakahiya.

Bahala na nga.

Pahiga muna ulit sa kama. Ang bango eh. Tsaka aabangan ko siyang lumabas.

(-,-)

Tagal ha. Baka nagbabad pa sa bathtub.

Ayown. Lumabas na siya.

THEIR MARRIAGEWhere stories live. Discover now