CHAPTER 29: NGITI

667 15 3
                                    


"Good morning" Joshua

"Good morning" Mahina kong bati sabay stretching at latag ng dalawa kong kamay sa taas ng ulo. Nakatingin ako sa ceiling at saka ko napansin na nasa kama niya na pala ako nakahiga. Siya naman ay palakad lakad sa kwarto habang kung ano ano ang ginagawa.

"Hows your sleep?" Siya.

"Good. Nakatulog akong mabuti kahit hindi dapat." Totoo yun. Kahit abot langit ang pag-aalala ko at guilt para kay Kenneth, nagawa ko pa ding makatulog ng maayos, hindi man lamang ako nagising ng binuhat ako ni Joshua. Ano bang nangyayari sakin.

Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at humiga sa tabi ko habang nakasandal ang ulo sa kamay niya at nakaharap sakin. Ang bango niya. Bagong ligo.

"Hey. Will you stop thinking those things." Sabay mahinang massage sa ulo ko at napapapikit ako. "Her mom called."

"Kamusta daw?"

"Well he's fine and we can now visit."

"Uhmmm, okay."

This is it. Natatakot ako pero kailangan ko tong harapin.

. . . . . . .

Tahimik lang na nagmamaneho si Joshua habang lagi akong linilingon.

"Alam mo, mababangga tayo sa ginagawa mong yan."

"Ha? Sorry." Siya.

"Focus ka lang sa pagmamaneho mo."

"Yes boss!" Napangiti ako ng konti sa effort niyang pagaanin ang loob ko.

Pagdating namin sa ospital ay nadatnan namin ang mommy niya sa tapat ng kwarto ni Kenneth habang kausap ang doctor na saktong paalis na din.

"Hi tita. Good morning po. Kamusta po si Kenneth?" Sabay beso ko sakanya.

"Angela hija. Thank you sa pagbisita mo. Matutuwa nito ang anak ko. Sabi ng doctor, okay naman daw si Ken, mabuti ay walang napuruhan sa kanya. Though, kailangan niyang magundergo ng physical therapy para makalakad siya ng mabuti. Pero hindi naman siya ganoon napilay so there's nothing to worry about."

"Thank God tita. Uhmm, gising po ba siya ngayon? Pwede ko na po ba siya makausap?"

"Yes sure. Pero sana ay kayo na lang muna ang mag-usap." Sinulyapan niya si Joshua at si Joshua naman ay tumango lang saakin.

Nagthank you ako sakanya at pumasok ng kwarto.

. . . . . .

Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko lang na nakatingin si Kenneth sa bintana ng kwarto.

"Hi." Mahina kong bati. Napatingin at nagulat siyang makita ako.

"Hi." Bati din niya. Tinuro niya ang upuan malapit sakanya. Lumapit ako pero hindi ako umupo.

"How are you feeling?"

"Definitely better now."

"Tha..thank you..."

Ngumiti siya sakin. "It was a blessing for me I guess, nagkaroon tayo ng chance ngayon na mag-usap."

THEIR MARRIAGEWhere stories live. Discover now