One

18 0 0
                                    


Chapter One


Nandito ako ngayon sa harap ng isa apartment sa bohol. Naisipan kong dito na lang magsimula tutal tahimik dito at talaga walang nakakakilala sakin. Kailangan ko talaga magpakatatag lalo na at hindi lang ako ang kumakain ngayon, dalawa na kami at kailangan masustansya yung mga pagkain namin para healthy si baby.


Kakatok na sana ako sa pintuan ng magbukas ung gate, at isang babae ang lumabas. Napatingin sya sakin, "Ano po kailangan nila?" napatitig lamang ako sakanya. "Gusto ko sana magrent ng apartment." Sagot ko naman sakanya, kaya naman may tinawag sya sa loob ng bahay at umalis na siya. Nakasuot sya ng nurse uniform, malamang ko ay nagtratrabaho sya sa hospital o baka naman nagaaral at graduating na sya. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang may kaidarang babae. Pagkakita ko naman sakanya ay bigla kong naalala ang mama ko. "Iha, nangangailangan ka ba ng matitiran?" tumango naman sakanya. Pinatuloy nya ako sa kanyang bahay at pinamiryenda na din.


"Gusto ko po kasi magumpisa dito sa Bohol, nabuntis po kasi ako pero di naman po ako pinagutan ng lalaki" napayuko naman ako habang sinasabi yun. "Ganon ba iha? Ano bang natapos mong kurso?" sinabi ko naman sakanya na isa na ako licence na guro. Mabuti at mabait ang aleng nagpaparenta dahil hindi na nya ako siningil sa advance deposit ng rent. Hinatid nya ako sa apartment na malapit sakanila para daw kung may kailanganin daw ako mabilis lang daw matawag sila dahil nga nagdadalang tao na ako. May mga gamit na din daw itong binigay nya dahil ung umalis dito ay iniwanan na lang ang gamit niya dahil nag-abroad na daw.


"Iha, ano nga pala ulit ang pangalan mo?" tanong ng matanda sakin. Ngumiti naman ako sakanya at sinabing "Ako po si Stephanie, 23 years old po. Isa na po akong ulila." Nawala naman ang ngiti sa muka ng matanda. Niyakap nya ako, "wag mo masyadong isipin ang lalaking nakabuntis sayo. Ang isipin mo isang blessing ang batang ito. Wag kang mahiyang tawagin akong Nanay Maria, ituturing kitang isa sa mga anak ko." Sabi nya habang hinahagod nya ang akin likod. Nagpasalamat naman ako sakanya at nahiya ako dahil nanay na ang tinatawag ko sakanya.


Hindi rin nagtagal ay umalis na din si Nanay Maria para daw makapagayos ako at makapagpahinga na din. Sinabihan din ako ni Nanay na may paaralan daw ng elementarya dito malapit, baka pwede daw ako magapply doon. Siguro maya maya ay magaapply na din ako, napagod ako sa byahe at magpapahinga muna ako. Medyo nagayos na din ako sa bahay yung mga dapat pumanasan at palitan tulad ng bedsheet. Medyo malaki din ang apartment para sakin dahil may tatlong kwarto ito, dalawang cr, may living area, at kusina pa. 2 story ang bahay, yung dalawang kwarto ay nasa taas at isang cr at ang isang kwarto naman ay nasa ibaba at may isang cr din. Hindi rin nagtagal ay di ko napansin na nakatulog na pala ako.


Nagising ako ng may nagdodoorbell, napatingin ako sa cellphone ko at mag-4pm na pala. Pumunta ako sa nagdodoorbell, si Nanay Maria pala at may kasama syang dalawang bata. Nagmano naman ako kay Nanay at pinatuloy ko sila. "ito ang mga apo ko, sabi ko sakanila na samahan ka na sa paaralan nila." Panimula ni nanay sakin.


"naku nakakahiya po nanay, imbes na nagaaral po sila sa bahay maiistorbo ko pa po sila."


"Bukas na lang na lang po nanay, sasabay na lang po ako sakanila bukas sa pagpasok po nila sa school nila." Dagdag ko pa sa sinasabi ko sakanila. Kaya naman pumayag naman si nanay sa sinabi ko, "kapag nahihirapan kayo sa homework nyo, doorbell lang kayo sakin tulungan ko kayo". Nakita ko naman ang tuwa sa mga mata nila. Sana ganyan din kasigla at kabait ang anak ko paglaki. Umalis din naman sila nanay at sabi kailangan ko magpahinga dahil nga sa buntis ako.


Tinignan ko ang facebook ko, buti pumayag sila nanay na magconnect ako sa wifi nila, magdadagdag na lang ako ng bayad. Nakita ko ang picture nya, may kahalitan at kayakap na babae. Naluha ako sa nakita ko. Sobrang sakit bakit ganon? Wala naman akong ginawang masama pero ang sakit sakit. Nagstatus ako,


"Sana masaya ka na, sana masaya ka na dahil wala na ako... wala na ako sa buhay mo. Di na ako manggugulo." In few more minutes, ang daming nag-sad likes sa status ko. And all of them are looking for me. Mas lalo ko pa naisip yung friend niya na close ko, para na din kaming bestfriend. Should I let him know kung nasan ako. I should diba? Kasi bestfriends naman kami, pero paano kung sabihin nya kung kanino? Pero I trust him because he is my bestfriend. What should I do?

Paano Kita MamahalinWhere stories live. Discover now