Chapter 36

7.6K 130 0
                                    

Chapter 36 - Bagay na bagay


I was briskly walking back to my table with my forehead creased in annoyance. Abot langit ang kanina ko pang pagpipigil ng inis. I just want to freaking throw something hard towards that spoiled woman! Gusto ko yung dudugo yung noo niya dahil ganoon ako kainis sa kanya!


"Woah, Freya! Chill!" Bungad ni Donna na nakasandal sa desk niya nang makita niya kong papalapit.


"I can't fucking chill." Mariing sagot ko.


Inis na pinasadahan ko ang buhok ko na umabot na sa baywang ko. Halos maalis na rin mula sa pagkakapatong sa balikat ko ang boyfriend blazer ko sa sobrang paggalaw ko sa inis. I can't fucking contain my annoyance!


"Huy! Freya, ano ba? Kumalma ka nga sandali!" Ani Donna, catching my arm.


Pinaharap niya ko sa kanya nang mahuli niya ko. Hindi ako nagsalita. My lips formed into a thin line, stopping myself from bursting out my frustrations.


Nagtaas ito ng kilay nang hindi ako sumagot.


"Tara! Sumama ka sa akin. Magpapalamig ako!" Sabi ko at hinila sa kamay si Donna para umalis siya sa desk niya.


Akmang aalis na ko nang nagmamadaling naglakad si Mara sa amin ni Donna. Both of her hands were raised in front of her chest, stopping me from walking further. Shit! Halos sampung minuto na ang lumipas pero hindi pa ko umaakyat sa opisina ni Theon.


"Your boss is looking for me, is he?" Tanong ko rito, kunot ang noo.


Tumango si Mara. "Kanina pa, Engineer Jimenez. Mainit na ang ulo niya kaya please 'wag mo sabayan." Sabi nito sakin.


Umirap ako sa kawalan kaya't natawa si Donna sa tabi ko. She gave me a pat on my shoulder bago siya lumapit sa tenga ko para bumulong.


"Mamaya na tayo magpalamig. Umakyat ka muna at kausapin ang fiancé mong mainit na ang ulo." Sabi ni Donna saka siya tumawa ulit.


I let go of Donna's hand saka ko pinauna si Mara maglakad. She did walked kaya't nagpaalam ako kay Donna at sumunod na kay Mara patungo sa elevator.


Bored na bored na sumandal ako sa pader ng elevator at humalukipkip. Iniisip ko pa rin kung paano ko papatunayan sa babaeng iyon na kaya kong gawin ang gusto nilang mangyari. I'm no miracle worker, but I have to freaking be one using my smarts and skills! Lintik na babae! Alam kong mas demanding siya ngayon kesa sa ama niya. Doon ako sigurado!


Nang tumunog ang elevator sanhi na nakarating na kami sa floor ng opisina ni Theon ay lumabas na kami ni Mara. She was walking fast pero ako'y nanatiling pinapakalma ang sarili habang naglalakad. Baka kasi sa sobrang inis ko ay kay Theon ko ito mabunton.


She opened the door for me at nang makapasok ako ay siya na rin ang nagsara nito. Bumungad sakin ang fiancé kong nakatayo sa tabi ng swivel chair niya. The sleeves of his business shirt is once again rolled up to his sleeves and his coat is resting on the back support of his swivel chair.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon