Chapter 5

12.5K 249 0
                                    

Chapter 5 - Wala lang


Dahil wala akong ginagawa ngayon ay pinaikot-ikot ko na lang ang swivel chair ko habang nakaupo ako. Nakakahilo man tong ginagawa ko, well I don't have any choice dahil wala akong nakukuhang trabaho sa araw na to. 


Nakapikit na lang din ako. Gusto ko rin sanang mag-aral pero tinamad din ako eh.


Sunud-sunod na rin ang utos nila kay Donna. Wala kasi rito ang supervisor kaya kay Donna nila inuutos ang files na pinapagawa sa kanila noong nakaraang araw pa.


Napamulat naman ako nang may tumawag sa pangalan ko. Hininto ko ang pag-ikot ng swivel chair ko at hinarap ang impaktang istorbo sakin.


Pinagtaasan ko siya ng kilay at sumagot. "Anong problema mo?" 


"Hihingi sana ako ng favor. Paasikaso naman nitong mga reports." sabi niya.


Tumaas pa lalo ang kilay ko sa sinabi niya. Kung sapakin ko kaya to ngayon?


"Wala ka bang kamay? Trabaho ko ba yan?" tanong ko pero 'di siya sumagot. "Trabaho mo yan. Network engineer ako. Ano sa tingin mo ang alam ko diyan?" pagtataray ko.


"Dali na, Freya! Ang dami ko kasing ginagawa eh." sabi niya pa.


"Anong pakielam ko kung ang dami mong ginagawa? Kung sana hindi ka nakikipagchismisan kay Alice, eh 'di sana hindi ka natatambakan ng gawain." sagot ko at bumaling sa mga nag-uutos kay Donna.


"Kayo? Wala kayong kamay? Madami kayong ginagawa? Puro chismisan nga lang naririnig ko sa inyo." sabi ko hanggang sa tumunog ang cellphone ko.


"Hello?" bungad ko rito.


"Engr. Jimenez, anong ginagawa mo?" tanong ni Theon.


"Wala."


Maya-maya'y natigilan ang mga empleyado sa mga pinag-uutos nila kay Donna at sa akin. Tumahimik na rin sila bigla at mukha silang nakakita ng multo. Tinignan ko ang tinitignan nilang lahat saka ko nakita si Theon na naglalakad papalapit kasama ang secretary niya.


Pinatay ko ang tawag at nilagay sa bulsa ko ang phone. Binigay niya naman sa secretary niya ang phone niya at may kunot sa noo na tumingin siya sa mga empleyado niya at sa empleyadong nasa harap ko saka sumilip sakin saglit.


"Wala ka ngang ginagawa." sabi niya sakin at hinarap na ang babaeng nasa harap ko. "What do you think you're doing?"


Kumurap-kurap ang babae sa harap ko nang tanungin siya ni Theon. Hindi naman siya nakasagot agad kaya tinignan ni Theon ang mga empleyado niya.


"Do you all want to lose your jobs? Quit slacking off and get back to work!" sigaw ni Theon.


Tumahimik ako saka sila nagmamadaling bumalik sa mga desk nila. Inutusan niya ang secretary niya na ibalik ang mga reports na iniutos nila kay Donna saka naman bumaling si Theon sakin.

An Honest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon