CHAPTER 37 ~HIS POV

31.3K 320 37
                                    

CHAPTER 37

-----------------------------------------------------------------

Kevin’s POV

Nawiwirduhan na ako sa sarili ko ngayon. Sa totoo lang kanina pa akong gising pero nag tutulug- tulugan lang ako. Nung magising ako kanina nagulat ako ng makita ko si Jana na nakatingin kung saan napatingin ako sa lugar kung nasaan kami pamilyar ang lugar na ito at kung hindi ako nagkakamali sa greenhouse toh ng school pero pumikit ulit ako ng ibinaling na nya ang tingin sa akin..

Ramdam kong hinaplos nya ang buhok ko..

 

“alam mo kasi Kevin.. yung puso mo parang buhok mo lang e.. dapat hwag mong lagyan ng kung anu- ano para hindi sya tumigas.. tingnan mo ang lambot ng buhok mo.. sana pati rin puso mo lumambot na”

 

Nadinig kong sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.. ano ba kasi pinakain ko sa babaeng ito.. bakit ang bait nya sa tulad ko?

Pagkatapos nyang haplusin ang buhok ko.. naramdaman ko namang lumapat ang daliri nya sa noo ko at para syang gumuhit pamula sa noo hanggang sa tungki ng ilong ko. Hindi ko alam pero hinayaan ko lang sya..

“alam mo ba LD.. napakagwapo mo.. at ang bait mo.. Oo mabait ka kasi ayaw mo ako makitang umiiyak.. hehehe.. alam ko naman kasi kung bakit ka nagkakaganyan Kevin.. I know… and I understand you.. I love you so much Kevin.. happy birthday!”

 

 

Narinig ko ding sabi nya saka ko naramdaman na lumalapit ang mukha nya sa mukha ko at humalik sa labi ko.. pagkatapos napagdesisyunan ko ng imulat ang mata ko.. at sya ang nasa harapan ko na nakayuko pa din sa akin at bigla naman iniwas ang tingin..

Tinanong ko sya kung nasaan ako kahit alam ko na naman kung nasaan ako..

Sa pagtayo ko napahawak ako sa ulo ko.. nahihilo ako siguro dahil na din sa tagal na nakahiga ako..

Nabasa ko yung banner dun

“happy 18th Birthday”

Alam nya? Paano?

Talagang nag- abala sya.

May naka- set na table dun ang sagwa lang sa pakiramdam kasi lalaki ako at ako yung pinagkaabalahan ng ganito? Sa taong katulad ko walang makaiisip ng ganitong bagay para sa kaarawan ko.

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon