Ch. 27: Indirect date

191 3 0
                                    

Masayang nagda-drive si Anthony kahit wala naman talagang specific place kung saan sila pupunta ni Jeryll.

The weather was perfect today. Hindi mainit pero hindi naman makulimlim. And there is also no traffic. Maraming tao pero peaceful pa rin ang paligid. Maganda ang araw but there's only one reason kung bakit siya masaya ngayon.

Jeryll is with him.

Pumayag si Jeryll na mag-spend ng day kasama siya. It's like an "indirect" date para kay Anthony. And that is the one reason for him to smile and be happy.

"So, saan mo gustong pumunta Je?"

Jeryll has been too silent all the time during this ride. At kahit na sobrang saya pa ni Anthony kasi pumayag siya sa inalok niyang "indirect" date, it really bothered him that Jeryll is not her usual bubbly self.

"Huh?" She answered. His question pulled her back to reality.

"I said, where do you want to go?"

"Ahh..uhm..ikaw. Ikaw nang bahala," Jeryll replied flatly.

Anthony forced a smile, "Sinabi mo 'yan ah. Sige, akong bahala."

Akong bahala mapasaya ka ngayong araw kahit na ano pang dahilan ng kalungkutan mo.

I just wanna make you smile.

"Ano nga palang ginagawa mo sa bus stop? May pupuntahan ka ba?"

Jeryll looked at him.

"Ah..eh..w-wala lang. Gusto ko lang mag..uhm...maglakwatsa," she lied.

Hindi lang naman kasi ako sinipot ng magaling kong fake na boyfriend.

"Ganun ba? Sana tinawagan mo ako. Bored na rin ako sa bahay eh. Buti na lang nagkita tayo," he said, smiling.

Jeryll can't help but be thankful. At least, she got a friend whom she can spend the day with.

Kakalimutan ko na muna ang Mr. Ice na yun. Mag-e-enjoy na muna ako.

As usual, Anthony saved her day again.

"Buti na lang talaga at nakita kita," she looked at him, smiling.

***

"Bakit mo naman ako dinala dito?" tanong ni Jeryll.

Hindi naman niya alam na nung sinabi ni Anthony na magla-lunch sila, dadalhin pala siya nito sa isang mamahaling restaurant.

"Eh di kasi magla-lunch tayo. Gutom na ako. Don't worry, it's my treat," sagot niya sabay hila kay Jeryll papasok.

I'm Busted Loving the Prince (A Story About Us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon