I thought

47 0 0
                                    

I thought

"Micaaa yung crush mo!!! Omg!" Sabi ni Angeli, friend ko. As you can see, yup medyo loud siya.

"Shh! Wag kang maingay Geli." I said.

It's the first day of second semester and tinitignan namin yung new blocks namin. Sadly, hindi na kami blockmates ni Geli. Pero! Yung crush ko waaaaah. Classmate ko na yung crush ko!

"Eh paano ba yan besty? Naiiyak na ako. Di na tayo blockmates!" Sabi ni Geli.

"Wag kang OA bes! Kita nalang tayo later, byee!" Sabi ko then pumunta na ako sa room ko.

Room 107B?

Ayuuuun!! Omygush! Ano'ng gagawin ko pag nakita ko si crush sa loob. Okay! Act normal Mica. Normal lang ha!

Pagpasok ko, hinanap ko agad siya.

Pero wala siya.

Hays bat ganun? Baka nagpalipat ng block? Ano ba yaaaan!

So pinuntahan ko nalang yung kakilala ko sa block namin then umupo ako sa tabi nya, si Mark.

***

After one week.

Hindi ko pa rin nakikita yung crush ko sa loob ng room namin. Siguro nga nagpalipat na yon ng block hays.

Anyway, malelate na naman ako sa first class ko! Kung sino pa yung malapit ang bahay, siya pa talaga yung laging late. Pagpasok ko ng room, wala pa yung prof. Buti nalang!

"Oy Mica! Si Theo nga pala. Theo, si Mica." Sabi ni Mark habang tumataas taas pa ang kilay.

Oh my gush!!

For real?! Nandito na siya. Pumasok na siya. Kaklase ko nga siya talaga. Si crush!!

Ngumiti lang ako then nag-iwas na ng tingin. Omg!! Bakit ganon? Bakit di ako nag-hi? Opportunity na nga yun eh! Itong si Mark naman masyadong halata porke alam nyang crush ko si Theo. Friends pa naman sila!

Sana, sana, sana maging close kami ngayong magkaklase na kami!

I can't wait.

***

Di pa rin kami close.

Yup halos three weeks na pero di pa rin kami nag-uusap!

Pero okay lang. Bat naman ako kakausapin nun diba? Ang mahalaga, natitignan ko na siya ng mas malapitan ngayon. Halos magkalapit lang din upuan namin kasi common friend nga namin si Mark. So nakikita ko na rin ngayon yung humorous and talkative side nya. Hays! Mas tinatamaan yata ako dito eh.

"Mark!" Sabi ko ng pabulong.

On going kasi yung class pero makulit ako eh.

"Bakit?" Sabi ni Mark na halatang inaantok na sa prof naming parang nagmimisa.

"Bakit absent si Theo?" Sabi ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now