Chapter 10

63.8K 1.1K 12
                                    

Paine's Point of View

Not Edited

"Eat"

Nangangatal ang mga kamay na kinuha ko ang kutsara at tinidor. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aking bawat galaw. Pinilit kong lunukin ang mga pagkaing nasa aking harapan, kahit na ba ilang na ilang na siya. Sa pagtitig ko pa lang sa mga pagkain nasa hapag ay tila nawawalan na siya nang gana. Tila rin babaliktad ang aking sikmura dahil doon. Ganito ba talaga kapag marami ang nainom na alak?

Hindi niya rin maipaliwanag ang sakit nang ulo na nararamdaman, para siyang lumulutang ngayon.

"A-Ano Sir hindi ka po ba kakain?" - tanong niya habang maingat na sumasandok. Kaonti lang ang kanyang kinuha, dahil hindi niya alam kung malulunok niya ang mga iyon.

"You just eat, don't mind me." - nais niyang mapapikit dahil sa mga sagot nito. May balak ata itong panuorin ang kanyang pagkain.

Sa huli ay pinilit na lang niyang hindi ito pansinin at kumain. Halos hindi na niya nagawang nguyain ang kinakain, dahil talagang wala pa sa wisyo ang kanyang bibig para kumain.

Ilang saglit lang ay napilit naman niyang tapusin ang pagkain na kinuha.

"Kumain ka pa." sabi ni boss, ngunit wala sa sariling napailing ako. Sa tingin ko kasi ay kapag pinilit ko pang kumain, at isusuka ko lamang ulit iyon.

"Busog na ko boss"

"No eat more"

"No boss"

"No----"

"Baka masuka na ko boss kapag kumain pa ko." - napahilot na lang siya ng kanyang sintido, sa itsura ni boss ay makikipag diskusyon pa ata ito sa akin. Pero hindi na niya talaga kayang kumain pa, kaya iniiwas ko na lang ang mata ay tumingin sa pinaggan na nasa harapan.

Narinig niya itong tumikmim kaya naman napabaling siya rito. Pero hindi naman ito nagsalita.

"Boss?" - agaw pansin niya rito, muli hindi na naman ito nagsalita at tinitigan lang ako.

"Bakit po pala dito nyo ako dinala sa bahay nyo ata?" - hindi na niya napigilang tanungin. Curious kasi talaga ako.

"You passed out last night. Hindi din kita makausap ng ayos, don't have a choice but to bring you here." - blangko ang mukhang sabi nito.

"Yung mga kaibigan ko boss--"

"I don't see them." - putol kaagad na sabi nito.

"Ahh" - ayon na lang ang nasabi ko. Mukhang ayaw kasi ni Boss ng tinatanong siya.

"Mag ayos kana ng sarili mo, ihahatid na kita sa inyo." - iyon lang at niligpit na ang aking pinagkainan. Hindi naman ako nakapag salita at napakamot na lang sa ulo.

Nagtungo na lang ako sa kwartong kaninang ginamit at kinuha ang mga gamit na dala-dala. Mamaya-maya nga lang ay lulan na ako sa mamahaling kotse ni Boss among tunay. Tahimik lang kaming dalawa at walang may balak magsalita. Kung may magsasalita man sa amin ay tungkol yun sa daan pauwi sa aking bahay. Ilang minuto din ang naging byahe namin bago nakarating sa building ng aking condominium.

"Dito na lang ako boss sa tabi." - magalang kong sabi. Maingat namang ipinarada ni Boss ang sasakyan nito, at pasimpleng tinanaw ang building na nasa harap.

"Dito ka nakatira?" - tanong pa nito habang nakatanaw pa rin sa labas. Ngumuti naman ako at tumango.

"Yes boss." - ayon lang at sinukbit na sa balikat ang aking bag.

"Boss maraming salamat sa paghatid at kagabi din po. Pasensya na po sa abala." mabait ko talagang turan dito, ngunit tumango lang ito bilang sagot at hindi nagsalita. Kimi ko lang itong nginitian at binuksan na ang pinto ng kotse, ngunit bago pa man tuluyang makalabas ay nagsalita si Boss.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Where stories live. Discover now