Chapter 6

67.8K 1.2K 40
                                    

"Baliw ang nanay mo hindi ba, kaya malamang baliw ka din!"

"Hindi ako baliw!"- malakas na sigaw ng batang babae. Luhaan ang mga mata nito, at kapansin pansin ang putok nitong labi at ang nangingitim na ilalim ng mata nito.

"Huwag mong itanggi, ika nga like mother like daughter."- tumatawang sabi ng batang babae. At matapos noon ay mabilis nitong hinagip ang buhok ng umiiyak na babae.

"Tama na Alley.. "- pakiusap ng batang babae, ngunit mas hinigpitan lang ng batang nag ngangalang Alley ang pagkakahawak sa buhok. "N-Nasasaktan ako."

"Talaga? Patingin nga ng itsura ng nasasaktan."- nagbiro pang sabi ni Alley, malakas namang tumawa ang mga kasamahan nito.

Nang bitawan ni Alley ang buhok ng batang babae ay agad itong sumubsob sa sementong kaninang kinauupuan.

"Hindi ako magsasawa. Hindi ako magsasawang gawing impyerno ang buhay mo."- iyon ang huling salitang binitawan ni Alley, bago nito iwanan ang batang babae.

Walang nagawa ang batang babae kundi ang umiyak at maawa sa sarili. Andoon lagi ang tanong kung bakit. Bakit ginagawa ng mga ito ang bagay na iyon sa kanya.

Wala siyang maalalang kasalanan niya sa mga ito.

Kaya bakit?

__

Paines Point Of View

"Girl tiktok tayoooo!"- malakas na bungad sakin ni France nang makapasok ako sa cafeteria.

"Charang skiri, charang skiri, skiri skiri pam pam pam sumama ka sakin."- malakas na kanta ko, agad naman na sumayaw si Frances na ikanatawa ng lahat na nasa loob ng cafeteria. Natatawa akong nagtungo sa pwesto namin at naupo.

"Akin ba 'to?"- tanong ko sa pagkaing nasa ibabaw ng lamesa.

"Yep, ikinuha ka namin."- sagot ni Colleen sa' kin. Agad naman akong nagpasalamat.

"So kamusta ang work guys?"-tanong ko sa mga ito habang nilalantakan na ang pagkain.

"Okay naman. Happy!"- masayang sabi ni Frances. Hindi ko naman napigilang matawa, talagang masayahin at manloko itong si Frances.

Nakilala ko sina Frances nitong mga nakaraang araw. Hindi ko nga alam kung sinadya na magkakilala kami e. Ibat-iba kasi kami ng department na apat ngunit mag kakakonekta kami. Si Frances ay mula sa IT department, si Karen ay sa accounting dept at si Colleen naman ay sa HR department, kung saan silang tatlo ay pare-parehas na mga assistant head. Sila ang madalas kong kausap, lalo na kung may mga bagay si boss na pinagagawa sakin, sa kanila ako dume-deretsyo kaagad lalo na kung busy ang head of departments nila.

"Eh ikaw Paine, kamusta naman ang work mo?"- tanong ni Karen, ang pinaka mahinhin sa kanila. Tila hindi ito makabasag pinggan, noong una ko nga itong nakita akala ko santo ito. Ang ganda nya rin kasi!

"Okay naman, sobrang busy syempre!"- magiliw kong sabi. Napa aww naman ako nang malakas akong hampasin ni France.

"Napaka swerte mo talaga girl! Isipin mo ba naman araw-araw mong nakikita si Sir Chrome!"- bakas na bakas kay baklang Frances ang pagka gusto nito kay boss. And yes guys, bakla si Frances o Francisko sa totoong pangalan. "Apaka pugi!"- pahabol pa nito. Naiiling naman ako habang kumakain.

Halos mag dadalawang linggo na ko dito sa Cloudrevel, at kahit naman mahirap ang trabaho ay masasabi kong masaya ang pag stay ko. Kahit na ba may amo akong pinaglihi ata sa sama ng loob.

Aaminin ko na nakakapagod ang trabaho bilang sekretarya, hindi biro dahil araw-araw dapat nahihigitan ko ang expectation ko sa sarili sa trabaho. Kailangan ko din maging flexible, hindi pwedeng lalata-lata ako, lalo na't kung nasaan si boss ay nandoon din dapat ako.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Where stories live. Discover now