Twenty Eighth Beat: Sana.

1.9K 18 3
                                    

Twenty Seventh  Beat:

[Sana.]

 

Kyle’s POV

 

[[a/n: refer to chapter twenty four of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]

Hindi ko makalimutang halos buong araw kaming magkasama. Nakakatuwa. Hindi lang kami magkasama, nahawakan ko pa ang kamay niya. At ang best part ng araw na ‘to? Nahalikan ko s’ya sa noo. Nahalikan ko s’ya. Ang babaeng mahal ko, na… na… hindi naman nga pala pwedeng maging akin. Naku naman. Ang ganda na ng ala-ala e. Nagkalokohan na naman -.-

“Try mo na. Dali, ang simple simple lang naman ng gagawin e.” may narinig akong mga nag-uusap sa labas. Sinubukan kong pasimpleng lumabas para tingnan kung anong ginagawa nila, malay mo kung ano na ‘di ba?

“Ano ba kasing gagawin ko?” tanong ‘nung lalaking kausap nung parang makulit na babae. Naalala ko tuloy si Xei. Ganyan din kasi siya minsan. Makulit, pero, sobrang nakaka-in love.

“Pag-appearin mo ‘yung dalawang kamay mo. Oh dali na.” paga-appearin ‘yung dalawang kamay? Para saan? Napa-kunot noo ako sa pinag-uusapan nung dalawang nilalang sa labas ng gate namin. Napansin kong ginawa ng lalaki ‘yung sinasabi ng babaeng gawin niya.

“Oh tapos?” tanong nung lalaki, oo nga naman. Oh tapos?

“Ops. ‘wag mong tatanggalin muna.” Utos uli nun babae.

“Oh, bakit na naman ba?” irita na ata ‘yung lalaki sa sobrang kakulitan nung babae. Napapangiti ako ng nakikita ko. Ang kulit nilang dalawa.

“Titingnan kais nating kung magkadugtong ‘yung curves ng mga kamay mo. Ito naman, ‘di mo pa ba napapanood sa tv ‘yun? Puro ka naman kasi aral e.”

“Oh eh ano naman? Ayan, magkadikit. And so?” patuloy lang akong nakikinig sa kanilang dalawa.

“Ay! Ang galing! Sabi kasi, ‘pag nangyari daw ‘yung ganyan, ibig sabihin, nahanap mo na ‘yung soulmate mo. So, nahanap mo na nga siya!” ganun pala ‘yun? Bago ‘yun ah? “oh eto naman…”

“Ano na naman?” ang dami ko atang matutunan sa dalawang batang ‘to ah?

“Appear tayo.”

“Bakit? Ano na namang trip mo neto?” nakaka-curious na trip na naman ng dalawang batang ito.

548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon