Nineteenth Beat: Ang Manggagahasa XD

3.4K 15 6
                                    

Sa mga mambabasa ng istoryang ito.

Isang malaking SORRY.

Ang tagal na po diba? Pampam kasi author nito e. Tamad.

I love you, readers :D

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Nineteenth  Beat:

[Ang Manggagahasa XD]

Kyle’s POV

[[a/n: refer to chapter fifteen of 548 HEARTBEATS by PeachXVision]]

“O, Kyle…”

Narinig niya ako. Tumayo agad siya. Mukha atang gulat si Xei a.

“Bat ka umiiyak?”

Umupo ako sa tabi niya. Ang sarap pala sa pakiramdam ng katabi siya ulit. Nung una kaming nagkita, ako ang nakita niyang umiiyak. Ngayon naman, siya ang umiiyak. Bakit kaya?

“Ah… hindi… ano kasi—”

“Caught in the act ka.”

“Wala yun.”

“Okay lang naman na sabihin mo sa kin eh. Walang problema.”

“Wala talaga.”

Ayaw niyang sabihin saken kung anong meron -.- pano ko ba naman siya matutulungan o mapapasaya man lang kung  ayaw niyang sabihin saken ang kahit ano? Kung bakit siya umiiyak. Lagi naman akong nandito para sa kanya e. Bakit kaya di niya napapansin yun?

“Dali na.”

Hala? Napa-upo siya. Nanghihina kaya siya? Baka naman may sakit siya? Ano kayang meron?

“Kasi… kasi parang… ewan.”

“Anong ewan?”

“Kasi… wala. Kasi wala.”

“Anong wala?!”

“Tingin mo, bakit ganon? Kung kailan… na sayo na ang isang bagay… biglang… may hihingi sayo. Hay!

Wala yun… isipin mo na lang wala akong sinabi.”

“Pwede namang hindi mo ibigay ah?!”

Bakit biglang pumasok sa isip ko na baka ako yung tinutukoy niya? Baka ako yung sinasabi niya? Pwede mo ‘kong angkinin, Xei. Kasi ako lagi lang sa’yo. Wag mo ‘kong ibigay kahit kanino. Sa’yo ko lang gusto. Sa’yo lang.

“Eh pano kung malapit sayo yung taong bibigyan mo?”

“Teka teka, sino ba yan?”

“Wala.”

Tumayo na siya. Please wag kang umalis. Hinila ko siya pabalik sa tabi ko. Wag ka munang aalis. Na-out balance siya at napahawak sa dibdib ko. Sana hindi niya maramdaman yung malakas na kabog ng dibdib ko. Sana ang maramdaman niya mula dun ay ang sigaw ng puso ko. Sigaw ng puso ko na para sa kanya.

“Xei.”

“Ano yon?”

“Sino yung sinasabi mo?”

“Ah… wala yun… di mo siya kilala.”

Hindi ko daw kilala. Sabi na nga ba e. Hindi na naman ako. Umasa ka na naman saw ala, Kyle.

“Sige na. Magtatampo ako pag di mo sinabi.” Kahit malaman ko na lang kung sino. I’m torn into pieces.

“Eh! ayoko.”

548 HeartBeats: What His Heart Beats (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon