Chapter 23

102K 1.5K 98
                                    

"Genesis.."

Naramdaman kong may humahaplos ng mukha ko at nakita ko si Raegan na nakangiti sakin. Nakabihis na sya for work. Napangiti ako sa magandang greeting.

"Goodmorning." Bati ni Raegan.

"Goodmorning." Bati ko din. I will never get used to this.

"Breakfast is ready downstairs. Unless you want to have breakfast in bed?"

"Sa baba nalang, thank you."

Bumangon na ako.

"Ang ganda mo talaga." Narinig kong napasinghap si Raegan sakin.

Napakunot ang noo ko, "Aga aga magsisinungaling ka."

"It's a personal opinion. Kung ayaw mo, eh di wag." Kindat ni Raegan sakin. Sanay na sya sa mga ganito ko.

"Psh."

Nauna na si Raegan sa ibaba habang ako'y dumiretso sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

Habang nagtotoothbrush ako hindi ko maiwasang magisip. Naalala ko pa last month nung umamin si Raegan at nung tinanong nya ako kung pwede manligaw.
Eto na kami ngayon, parang walang nagbago, ganun pa rin, pero alam ko na na may feelings sya para sakin.
Sweet pa rin sya, every weekend magdadate kami sa kung saan, hinahatid nya ako sa school at susunduin nya ako kung may free time sya. Sabi nya liligawan nya ako pero walang nagbago sa pakikitungo nya sakin. So meaning to say noong una palang nililigawan nya na ako?

Pero hindi yun aang pinoproblema ko, sa isang buwan na nanliligaw kasi sya ay isang buwan na rin akong nagigising ng madaling araw sa kakasigaw nya. Hindi parin nawawala yung mga nightmares nya. At pabalik-balik din ang headaches nya.

Nung minsang bumisita kami kay mama sinabihan ko syang kausapin na si mama pero wala parin. Nagtetherapy na sya pero gabi gabi parin akong nagigising.

Bumaba na ako at naupo sa dining table kung saan nakahanda na ang breakfast namin.

"So, what's the plan?" Tanong ko sakanya.

"Uhh. School first." Kindat ni Raegan, hanep na yan, naramdaman kong umakyat sa mukha ko lahat ng dugo ko, "And then I have work to do. Naconfirm ko na with Alexa na lalabas kayo."

"Shopping nanaman ba? Ang dami ko nang damit eh."

"Eh wala naman kayong ibang pwedeng gawin. Bawal ka magbar or clubs." Paliwanag ni Raegan, "Ano bang gusto mong gawin?"

"Ewan."

"Baka magmovies nalang kayo." Kibit balikat ni Raegan at nilagyan ng coffee yung mug ko.

"Ano bang bago ngayon?" Tanong ko naman habang sinasalinan ko ng orange juice yung baso nya.

"I should check rotten tomatoes later." Paalala ni Raegan sa sarili nya habang nilalagyan ng pancakes yung plato ko.

"Ako nalang, ang taas ng standards mo sa movies eh," Sabi ko naman habang nilalagyan ng bacon yung plate nya.

"Arf!"

Tiningnan lang namin si Azula. Anong prroblema ng asong to?

Nagdasal na ako at nagsimula na kaming kumain.

"Bukas may game ka." Paalala ko.

"At may driving lessons ka after my game." Paalala naman ni Raegan sakin.

Napangiti lang ako. Ayoko kasi ng palagi nya akong pinagdadrive o pinapasabay sakin yung driver nila. Eh ayaw din naman nyang magcommute ako kapag may iba akong lakad so napagkasunduan nalang namin na magaral ako magdrive. Nakasabit lang sa tabi ng pintuan palabas yung mga susi ng kotse nya, pwedeng pwede ko daw gamitin kahit ano once I get my driver's license.

"And then after my lessons may appointment ka kay mama."

Palagi ko na syang sinasamahan sa clinic para makabisita na din ako kay mama. Nakakamiss din kasi eh.

"And then date tayo?" Tanong ulit ni Raegan.

Napangiti ako. Ano ba tong nangyayari samin. Sobrang komportable na kami sa isa't isa, "But first, today."

"Yeah, right. Today." Pagsang ayon nya, "You know, I really thank La Salle at wala kaming classes every Friday."

"Kasi nakakafocus ka sa airlines mo? Teka, wala ka bang training?"

"Well, nakakalusot ako kay coach kasi wala pa akong talo. Saka nagtetrain naman ako twice a week kasama sila, ayos na daw yun. And you know Leila Garcia? She congratulated me for handling the business well kahit na once a week lang akong nasa office." Sabi ni Raegan habang ngumunguya ng pancakes.

"Well that's good for you."

"Nga pala, si Marian ba, kamusta na?"

"Ganun pa din. Bakit?"

"I haven't seen her since 3 weeks ago." Kibit balikat ulit ni Raegan, "Kamusta class mo sakanya?"

"Feel na feel kong makaka uno ako sakanya." Ngiti ko.

Napakunot noo naman si Raegan, "Uno lang?"

Natawa ako, "Pinakamataas na samin yun!"

Natawa din si Raegan nang marealize yung pagkakamali nya, "Sorry, iba pala grading system samin."

"4.0 ang highest nyo diba? Ang katumbas nun samin ay 1.0." Paliwanag ko.

"At ang failing namin na 0.0 ay 5.0 sainyo." Sabi ni Raegan.

"Ang passing namin ay 3, sainyo 1?"

"Yep." Ngumiti si Raegan.

Tinapos na namin ang pagkain at umakyat na ako para maligo. Si Raegan naman binuksan yung laptop nya at nagcheck ng emails at may ilang tawag na ginawa. Ganito na ang routine namin every morning.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok napapaisip ako kung sasagutin ko na sya. I mean, gusto ko rin naman sya eh. Bakit hindi? And we're perfectly comfortable with each other.

"Genesis?"

Napatingin ako sa pintuan, "Bakit?"

"Di ka pa ba tapos? Baka malate ka na nyan." Paalala sakin ni Raegan.

"Tapos na din." Natapos ko na yung pagpapatuyo ng buhok. Onting suklay pa bago ko kinuha yung gamit ko at sinundan si Raegan sa ibaba.

"Bye Azula. Behave ka ahh." Sabi ni Raegan sa pinakamamahal nyang alaga.

"Bye Azula."

"Arf!" Pinanuod lang kami ni Azula with those big black eyes. Grabe ang cute talaga, parang gusto ko syang yakapin pero baka kumalat nanaman yung balahibo nya sa uniform ko.

Di kami dumaan ng parking level at dumiretso sa ground level. Sinundan ko lang si Raegan kasi baka nasa labas na yung silver Ford pick-up na madalas nyang ginagamit. Ihahatid nya ako sa school gamit yung kotse every Friday kasi after nun diretso na sya sa office.

"Yung Mini Cooper mo nga pala, di mo na ginagamit." Sabi ko. Dream car ko yun eh, syempre mamimiss ko din.

"Nasa Taguig, bakit gusto mo ba yun?" Tanong ni Raegan.

"Medyo. Dream car ko yung ganun eh."

"I'll get you one on your birthday."

Tiningnan ko lang si Raegan, "Wag mong sabihin yan. Baka umasa ako. Oh my gosh.."

Nginitian lang ako ni Raegan. Lumapit sya sa nakaparadang dilaw na Lamborghini at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Eto ba yun?" Tanong ko, "Yung kotse ni Reiniel?"

"I'm quite surprised you still remember I told you that." Natatawa si Raegan, "Tara na?"

Nahihiya ako. Ano ba to. Ang gara ng kotse nya eh! Tapos ang dami pang nakatingin samin.

"Ano ba Genesis, sumakay ka na kung ayaw mong malate."

So, sumakay na ako, "Thanks." At sinara na ni Raegan yung pintuan.

She swiftly walked to the other side at sumakay nadin. Tinted yung glasses kaya somehow I felt comfortable kasi hindi ako nakikita ng mga tao sa labas.

"Ang ganda, Raegan." Manghang mangha ako sa white leather furnishing ng loob. Malambot at comportable ang upuan ko.

Nagkibit balikat lang si Raegan at sinuot yung Raybans nya. Ano ba 'to ang astig nya tuloy masyado tingnan. Para akong matutunaw sa upuan ko.

"Damn." Napamura si Raegan nang umandar na kami, "I should really use this more." Ngiting ngiti sya.

"Madali bang gamitin?" Tanong ko.

"Sobra. Gods, I feel like I want to floor this thing."

"Oy, wag! Nasa Taft tayo! Anjan lang yung St. Scho!" Paalala ko.

Tumawa si Raegan, "Syempre di ko gagawin yun! Baka mabunggo tayo, ayokong masaktan ka."

Napangiti naman ako, "Korni mo uy!"

"Kilig ka naman!"

"Dami mong alam!"

Nakarating na din kaagad kami ng St. Scho. Agad na bumaba si Raegan at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you."

Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao dahil ano pa ba, minsan ka lang makakakita ng ganitong kotse sa Manila! At tingnan nyo pa yung kasama ko! Parang model!
Naconscious tuloy ako. Feeling ko mukha nanaman akong katulong sa tabi nitong si Raegan.

"Don't mind them, maganda ka kasi." Sabi ni Raegan na ibinaba ang shades para lang kindatan ako.

"Psh. Dami mong alam!" Tinawanan ko nalang sya.

"I'll see you tonight okay? Susunduin ka ni Alexa sa condo."

"Yes mam." Ngiti ko.

"Magiingat kayo."

"Ikaw din."

"Sa office lang naman ako eh." Ngiti ni Raegan, "I'll be fine."

"Sa mall lang naman kami eh." Bawi ko, "We'll be fine."

"Sige, sabi mo eh. I trust you and Alexa naman."

"Babye na." Paalam ko.

"Bye." Lumapit si Raegan at hinalikan ako sa noo katulad ng nakagawian namin.

Pinigilan kong kiligin sa tapat nya pero naramdaman kong namula ako.
Natawa naman si Raegan sakin, "Ang cute mo talaga magblush."

"Eh cute naman talaga ako eh!" Bawi ko sakanya.

"Yes, of course I know that." At humalik ulit sya sa noo ko.

"Umalis ka na nga! Nakakaquota ka na eh!"

Natawa si Raegan at bumalik sa tabi ng yellow Lamborghini nya. Pumasok na ako ng gate kasi alam kong hindi sya aalis hanga't hindi ako nawawala sa paningin nya.

"Blooming si ate!" Bungad sakin ni Rhea.

"Hey Rhea." Ngiti ko sakanya, "Kanina ka pa jan?"

"Yeah. Nagtago ako dito sa loob ng gate after kong makita kung sino yung nakasakay sa yellow na magandang kotse." Kindat ni Rhea sakin.

"Kotse lang yun." Singhal naman ni Katrina na nasa tabi ko pala.  Bigla bigla nalang sumusulpot.

"Inggit ka lang, may kotse si Raegan!" Singhal naman sakanya ni Rhea, "Ikaw ba, meron?"

"Wala."

"Kitams?"

"Tama na yan!" Awat ko sakanila, "Tara na nga Rhea!"

Sumunod naman si Rhea sa tabi ko at umalis na kami.

"Gene!" Habol naman ni Katrina, "Hatid na kita sa classroom nyo."

"Hindi naman sya pilay para ihatid mo pa." Sagot ni Rhea para sakin.

"Eh bakit ikaw? Di naman kayo magkaklase sumasabay ka? Di ka naman pilay?" Bawi ni Katrina.

"Aba't--!"

"Tama na!" Awat ko ulit, "Ano bang problema nyong dalawa?"

Tumaas ang kilay ni Rhea, "Etong bansot mong manliligaw!"

"Makabansot ka naman! Nakaheels ka lang!" Bawi ulit ni Katrina.

"Katrina--"

"Call me Kenneth, Gene." Paalala ni Katrina.

"Katrina, pwede ba, tigilan mo na ako. Maganda simula ng araw ko, wag mo namang sirain." Tinuloy ko.

Sumimangot naman si Katrina, "Pero Gene.."

"Nagsalita na ang mahal na prinsesa, chupi ka na!" Sabi ni Rhea.

Pinandilatan ko naman ng mata si Rhea.

"Sabi ko nga, maganda yung umaga nya." Bulong ni Rhea.

"Dahil ba sakanya?" Sabi ni Katrina, "Si Luces ba?"

"Katrina, ano bang problemaa mo sakanya?" Naiinis na ako, "Ilang beses ko ba uulitin? Kaibigan ko lang sya. At kaibigan lang din ang tingin ko sayo. Wala kang pagasa sakin, kaya please lang, SUMUKO KA NA!"

Umalis na ako at dali dali namang sumunod si Rhea, "Taray mo ahh."

"Eh kasi naman ang aga aga! Saka malelate na ako kay mam Perez!" Nagmamadali na ako.

"Sige na, sabi mo eh." Ngiti ni Rhea.

Naghiwalay kami sa stairs at patakbo na akong pumunta sa classroom ko. Sakto lang naman ang dating ko kasi nakasabay ko si Mam Perez. Nginitian nya ako kaya naramdaman kong maganda ang araw ko ngayon.




--------------------------------------------------------




"Gene!" Bati ni Alexa nang pagbuksan ko sya ng pintuan sa condo, "Kanina mo pa ako hinihintay?"

"Hindi naman. Kakapalit ko lang ng damit." Ngiti ko sakanya, "Pasok ka."

"Salamat. Hi Azula." Binati ni Alexa si Azula na tahimik na nakadapa sa tabi ng couch.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Well, sinuggest ni Amazona na magmovies nalang tayo." Umupo si Alexa sa couch, "Teka lang, bakit ganyan suot mo?"

"Anong problema sa suot ko?" Tiningnan ko yung suot ko, blue tshirt, jeans at Converse shoes.

"Magdress ka!" Tumayo si Alexa at umakyat ng stairs. Sinundan ko lang sya.

Dumiretso si Alexa sa kwarto ko at sa closet ko. Tiningnan nya yung mga damit ko at saka pumili ng blue dress.

"Eto suotin mo." Binigay nya sakin yung dress at saka naman tiningnan yung boxes ko ng sapatos at sandals.

"Bakit kailangan ko pang magdress?" Reklamo ko, "Ikaw nga naka skirt lang oh! Magmomovies lang tayo!"

"Basta.." Inabot sakin ni Alexa yung sandals ko na color blue din, "Ayan, magbihis ka na, dun lang ako sa baba."

"Alexaaaaa..." Angal ko.

"Magbihis ka!" At sinara na ni Alexa yung pintuan ko.

"Bahala na nga," Tutal wala na din naman na akong magagawa, nagpalit na ako ng damit.

Habang tinitingnan ko yung sarili ko sa salamin napapaisip ako, magugustuhan kaya to ni Raegan?

Wait, ano nga bang nagustuhan sakin ni Raegan? Eh ang simple simple ko? Di naman ako kasing ganda nila sa Familia. Jusko, mga dyosa sila eh. Mortal lang ako. Di rin naman ako kasing yaman nila. Nung minsan nga bumili ako ng dalanghita tapos tinawag ni Raegan na 'hilaw na orange'. Oh diba? Rich kid.
Anong meron sakin na nagustuhan ako ng isang gazillionaire, tennis varsity, athlete model?

Bumaba na ako, hindi makakatulong sakin ang pagooverthink.

"Oh my gods of Olympus! Ang ganda mo Gene!" Papuri sakin ni Alexa.

"Sige, sabi mo eh." Ngiti ko nalang. Eh kung itatabi mo ako sayo mukha parin akong katulong.

"Tara na!" Hinila na ako ni Alexa papalabas. Halata ang excitement sa mukha nya.

"Bakit ba sobrang excited ka?" Tanong ko nang makarating na kami sa parking. Sumakay kami sa kotse nya.

"Wala lang, ang cute mo kasi eh." Tuwang tuwa si Alexa sakin, "No wonder nagustuhan ka ni Amazona."

"Eh ano nga bang nagustuhan sakin ni Raegan?" Tanong ko.

"Oy, wag kang sumimangot jan!" Baling sakin ni Alexa, "Maraming posibleng dahilan kung bakit nagustuhan ka ni Amazona, bakit di mo sya tanungin?"

Wala akong maisagot sakanya.

"Gene, maganda ka, matalino, mabait. You're always there for her ever since nakilala mo sya diba?" Paliwanag ni Alexa, "Eh kung baliko din ako tulad ni Amazona baka nagustuhan din kita eh."

"LUH!"

Tumawa lang si Alexa, "No need to be insecure or whatever. Gusto ka ni Raegan, that's for sure."

Nakarating na kami sa Mall of Asia. Dumiretso kami sa movies. Si Alexa na pumili ng movie kasi hindi ko alam kung anong gustong panuorin. Habang bumibili sya ng tickets, bumili naman ako ng popcorn.

"Gene?"

Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Rhea?" Nagulat ako. May kasama syang lalaki.

"Gene, si Percy." Pakilala ni Rhea sa lalaking sobrang gwapo. Marunong talaga sya pumili, pero syempre napaisip ako kung inagaw din ba nya to sa iba.

"Hi." Nakipagshake hands sakin si Percy.

Gwapo sya, matipuno at medyo hawig nya si Jericho Rosales.

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Rhea.

"Si Alexa...yung nakaaway mo dati." Mahina yung boses ko para di marinig ng date nya.

"Ahh..ganun ba? Eh di iiwas nalang kami ahh." Ngiti ni Rhea, "Unless di na mainit ulo nya at pwede na akong magsorry sakanya?"

"Di pa ako sure eh. Di ka na namin napagusapan ever since nung nangyari last month."

"Oh eh di sige, una na kami. Bye Gene!" Paalam ni Rhea.

"Bye Rhea, Percy!" Paalam ko.

"Bye!"

Saka namang biglang dating ni Alexa, "Gene!"

"Nakabili na akong popcorn." Pinakita ko sakanya yung binili ko.

"Akala ko nawala ka! Di ka nagsasabi!" Worried si Alexa.

"Kalma ka lang. Bumili lang ako eh."

"Next time kasi magsasabi ka. Sino yung kausap mo?"

"Wala, kakilala ko." Ngiti ko.

"Parang familiar yung lalaki eh, tara na?"

"Tara."







------------------------------------------------------------




"Ang korni nung proposal nya!" Sambit ni Alexa pagkalabas namin ng sinehan.

"Eh korni naman talaga sya!" Natawa akong sumangayon. Pagusapan daw ba ang movie na kakapanuod lang namin?

Napatingin si Alexa sa cellphone nya, "Wait lang Gene ahh, may tumatawag."

"CR lang ako."

Dumiretso akong CR habang sinasagot ni Alexa yung tawag.

Malamig kasi sa loob ng sinehan tapos andami ko pang nainom na milk tea. Kaya ayun, ihing ihi ako.

Paglabas ko ng CR andun si Alexa, nakatalikod sakin. Lumapit ako.

"Ready na?...Bakit dun?...Ang korni mo!....Sige na...Promise mo yan ah!...Styx?...Okay, sige...Send me the info...Bye...Sure Sure." Binaba na ni Alexa yung call at nginitian ako.

"Sino yun?" Tanong ko.

"Wala yun. Familia business." Kindat ni Alexa, "Tara na? May pupuntahan pa tayo eh."

"San naman?" Tanong ko nang hilahin na ako ni Alexa.

"Secret na muna, basta magugustuhan mo yun."

So lumabas na kami ng mall at dumiretso ng parking. Good mood si Alexa kaya kung ano ano napagusapan namin. Di ko na nga napansin kung saan kami papunta eh, basta pagtigil ng kotse narealize kong nasa tapat kami ng isang pamilyar na gate.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

Ngumiti lang si Alexa at bumukas na yung gate, revealing a thousand rose petals scattered all over the driveway.

"Woah. All out sila Jenny dito ahh." Manghang mangha si Alexa. Pinark nya yung kotse sa tapat ng pintuan.

"Alexa?" Tanong ko. Di ko alam kung anong gagawin.

"Lumabas ka na at hanapin mo na sya." Sabi ni Alexa.

"Di ka kasama?"

"Ano ka ba, nautusan lang ako nun!" Tawa ni Alexa, "Bilis na, hanapin mo na sya." Binuksan ni Alexa yung pintuan ko, "Good luck."

Nanginginig akong lumabas ng kotse nya at pinanuod syang humarurot paalis, yung mga rose petals nagsisiliparan.

Napatingin ako sa mansyon na pinagdalhan sakin ni Alexa.

Ang mansyon ng mga Luces.

Anong gagawin ko dito? San ko sya hahanapin?

And just when I felt so lost, dumating si Azula. May ribbon sya sa leeg kapalit nung red dog collar nya.

"Hi Azula."

"Arf!" Hinayaan ako ni Azula na hawakan sya sa ulo bago sya tumalikod sakin at pumasok sa loob ng mansyon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya sinundan ko sya.

"Arf!" Tahol ulit ni Azula.

May mga flowers na nakakalat sa loob ng mansyon, yung dinadaanan ni Azula may mga rose petals. May dinampot si Azula at binigay sakin ang isang red rose na may mahabang stem. May mga thorns pa ito kaya maingat ako sa paghawak. May naka-attach na note.

The rose is lovely,
forget the thorns.

Napangiti ako.  Sinundan ko si Azula sa kwarto ni Raegan kung saan may narinig akong mahinang tugtog ng piano at violin.

Umakyat si Azula ng stairs at lumabas ng terrace kaya sumunod ako.

Napangiti ako sa ganda ng Global City Skyline na nasisikatan ng papalubog nang araw. Pero napatitig ako sa garden nila Raegan. Sa kabilang side ng pool ay nakaset up ang isang table for two.

"Hi."

Napatingin ako sa kanan ko, si Raegan, naka silver coat jacket, blue longsleeves, black slacks at Converse shoes. Kakagaling lang nya ng office, eto yung suot nya kaninang umaga eh.

"Hi."

Ngumiti si Raegan, "Ang ganda mo ngayon." Kinuha nya yung isang boquet ng white roses sa tabi at binigay sakin.

"Thank you."

Oh my gosh. KINIKILIG AKO. ANO BA TO.

"Tara?" Inoffer ni Raegan yung kamay nya at kahit damang dama ko nang matutunaw na ako sa kilig ay tinanggap ko yun.

Inalalayan ako ni Raegan pababa ng stairs.

"Tanda ko pa nung nagswimming tayo dito." Sabi ni Raegan, ngiting ngiti sya na nakatingin sa swimming pool nila na may libo libo ding flower petals na lumulutang. Mayroon ding mangilan ngilang kandila na lumulutang. Basta ang ganda tingnan.

"Anong meron Raegan?" Inosente kong tanong.

"Wala naman." Ngiti ni Raegan, "Just wanted to surprise you."

She drew the chair for me at di ko maiwasang matuwa sa pagka-gentleman nya. Ang swerte ko naman masyado sakanya.

"Champagne?" Inoffer ni Raegan yung isang bote.

"Yes please."

Natutuwang nilagyan ni Raegan yung dalawang glass at inabot sakin yung isa.

"Thanks. Bakit ngiting ngiti ka?" Tanong ko.

"Because I'm happy?"

"Happy?"

"Because you're here....Because I met you..." Tuloy pa ni Raegan, "Do I really have to be specific? Can't we just enjoy tonight?"

We clicked our glasses, "Sige, sabi mo eh."

Natahimik kami as we both took a sip from the champagne. Sobrang sarap nya.

"Like it?" Ngiti ni Raegan.

"Super."

"They said that champagne is the stars in the sky, bottled up for consumption by us mere mortals."

"I doubt that you're just a mere mortal. You're more of a goddess."

"Really now?" Napataas ang kilay ni Raegan.

"Oo naman."

"I beg to differ, mas mukha kang dyosa ngayon eh." Tumayo si Raegan at inoffer yung kamay nya, "Would you like to dance?"

Napangiti ako, "Sure."

Sa grass space in between ng table at ng pool kami pumwesto. Nilagay ni Raegan yung right hand nya sa tagiliran ko at hawak hawak nya naman ang left hand ko. Pinatong ko nalang ang left hand ko sa balikat nya. Para akong bumalik ng High School at nagjJS Prom.

"Natatawa ka?" Tanong ni Raegan, kumikilos na sya kasabay ng tugtog ng piano at violin at dinadala nya ako. Infairness, to be the acting guy between us, magaling sya magdala. No wait, magaling sya sumayaw!

"Para kasing JS Prom." I giggled.

"Pft."

Naalala ko nung unang beses nya ako dinala dito sa mansyon nila at nakita ko yung sandamukal na trophy nya sa kwarto. Sabi nya nanalo sya ng Prom Queen tapos tinapon lang nya yung korona nya.

"Tell me about your prom experience." Sabi ko, "Bakit badtrip ka masyado sa pagiging Prom Queen?"

"Kasi pinagtripan lang ako nila Joanna at Vicky, sila yung High School bestfriends ko."

"Oh eh pano ka nila pinagtripan??"

"Ginawa nilang Prom King si Katarina."

Bigla naman akong nanlumo sa narinig ko, "So si Katarina ang lalaki sainyo?"

"Ha? No! Kaya nga ako badtrip kasi ako ang umaaktong lalaki para samin tapos biglang baliktad?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin dun. Natahimik nalang ako.

"Genesis, past ko na si Katarina. Kahit anong gawin ko di ko na mababago yun.  Pero wag mo nalang isipin yun, think about the present. Think about us."

Napatingin ako sa mga brown nyang mata. Nakareflect dun ang sandamukal na liwanag ng mga kandila.

"Us?"

"You and me." Ngiti ni Raegan.

"Pero..."

"Di mo pa ako sinasagot?" Natawa si Raegan, "Eh ano ngayon? I don't need the assurance of your answer, Genesis. Nararamdaman ko naman eh."

"Nararamdaman?"

"Let's just say that some people say na sila na just so they'd know na sakanya yung partner nya. Gusto nila ng assurance na hindi lalandi yung isa." Paliwanag ni Raegan, "Di ko kailangan nun. Kasama naman kita sa isang bahay, alam ko kung sinong mga nakakasama mo, alam ko sa sarili ko na wala akong ibang gusto bukod sayo at alam kong wala ka pang ibang gusto at the moment."

Tiningnan ko lang mabuti si Raegan. Ang lapit ng mukha naming sa isa't isa.

"Di ko kailangan ng label, Genesis. Saka bago ka palang sa ganitong konsepto, alam kong natatakot ka pa. Kaya ko naman maghintay eh."

Ano? Anong ginawa ko to deserve this kind of attention? This kind of care and protection from this almost perfect goddess?

"Wag ka lang aalis sa tabi ko, Genesis. Yun lang."

Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib ni Raegan. Matangkad sya at 2 inches lang ang heels ko kaya saktong sakto lang ako dun. Narinig ko ang dumadagungdong na tibok ng puso nya. Kinakabahan sya?

Napangiti ako, "I'm not going anywhere."

Sumayaw lang kami for a few more minutes, silent, savoring the moment. After nun naupo na din kami at kumain. Ang dami naming napagusapan, na kahit sa iisang bahay na kami nakatira, hindi parin kami nauubusan ng paguusapan.

"So, san mo gusto matulog?" Tanong ni Raegan, "Dito na ba tayo o dun na tayo umuwi sa condo?"

"Diba may game ka pa bukas? Dun nalang tayo sa condo.."

"May equipment din naman ako dito eh."

"Dito nalang?"

"Tinatamad kasi akong magdrive." Kindat ni Raegan.

"Wala naman akong hihigaan dito eh."

"Dun sa kama ko. Pwede naman tayong magtabi ah!"

"Ayoko nga! Baka reypin mo ko!"

Natawa si Raegan, "Genesis, kelan kita pinagsamantalahan?"

"Baka mamaya ang first time."

Sumimangot si Raegan. Sinerve na ni manang Yolly (pakilala ni Raegan) ang dessert.

"Chocolate cake." Inihain ni Manang Yolly ang maliit na cake na tamang tama lang ang size para pagsaluhan ng dalawang tao, "Your favorite." Dagdag nya kay Raegan.

Natawa si Raegan, "Thank you manang."

Nginitian din ako ni Manang bago umalis.

"Favorite mo?" Tanong ko.

"Yeah."

"Come to think of it, andami na nating napagusapan pero di natin alam ang favorites ng isa't isa."

"Eh di sige, 21 favorites?"

"Ano yun?" Natawa ako sa pauso ni Raegan.

"Parang 21 questions pero puro favorites lang dapat."

"Game?"

"Game. Ako muna?"

"Go."

"Favorite cake mo?" Tanong ni Raegan.

"Velvet cake?"

"Bakit di ka sure?"

"Hep hep, ako na magtatanong." Tawa ko kay Raegan, "Favorite ice cream flavor?"

"Chocolate mint."

"Meron nun?"

"Hep, ako na eh.." Bawi ni Raegan, "Favorite number?"

"8, ikaw?"

"13. Anong favorite color mo?"

"Green. Ikaw?"

"Blue. Favorite movie?"

"Titanic." Sagot ko, natatawa ako samin, "Ikaw?"

"The Illusionist. Teka lang, binabalik mo mga questions ko eh." Reklamo ni Raegan.

"Gusto ko din malaman sagot mo eh. Sige, favorite song?"

"Canon in d major." Sagot ni Raegan, napataas yung kilay ko, "Okay, fine. Stereo Hearts, Gym Class Heroes. Favorite actress?"

"Natalie Portman. Favorite actor?"

"Hugh Jackman...Ay wait, Tom Cruise..Okay, Daniel Radcliffe, final na yun. Favorite band?" Sagot ni Raegan.

Tinawanan ko muna yung moment of indecisiveness nya, "Parokya ni Edgar. Favorite animal mo?"

"Eagle. Favorite..." Naubusan na ata ng question si Raegan, "Teka nakailan na tayo?"

"Ewan ko."

"Bahala na, anong favorite book mo?"

Natigilan ako, "Wait lang. Ang hirap eh!"

Tumawa si Raegan, "Mahirap ba yun? Madali lang yan eh!"

"Harry Potter?"

"Alin dun? Be specific, book series yang sagot mo eh."

"Prisoner of Azkaban. Favorite..." Nagisip ako saglit, "Vegetable?"

"Seryoso? Gulay talaga? Err brocolli siguro. Favorite flower mo?"

"Eto." Tinuro ko yung flower arrangement sa gitna ng table na kanina ko pa inaadmire.

"White peonies?"

"Yun ba tawag dito?"

Natawa si Raegan, "Favorite flower pero di mo alam yung name?"

"Eh sa hindi ko alam eh. Ngayon lang kaya ako nakakita nyan!" Reklamo ko, "Kanina siguro ang isasagot ko sayo white rose pero mas maganda to eh, eto na favorite ko."

Ngumiti si Raegan, "Okay then."

Naubos na namin yung chocolate cake. We stayed there for awhile, looking at the place.

"Thank you Genesis." Sabi ni Raegan bigla.

"For?"

"I dunno, everything?"

"Well then, thank you din."

"For?"

"Everything din." Ngiti ko, inubos ko na yung pangalawang glass ko ng champagne.

After a minute of silence, nagsalita ako.

"Raegan, why me?"

"Ha?"

"Bakit ako? Andami namang iba jan. I'm sure madaming magaganda at gwapo sa La Salle, bakit ako yung nagustuhan mo?"

Tumayo si Raegan at inoffer yung kamay sakin, "Sayaw ulit tayo."

Tinanggap ko naman yung alok nya. Dinala ulit ako ni Raegan sa gitna ng garden nila. Pinatong nya yung kamay ko sa parehong balikat nya at yung kamay nya nama'y humawak sa bewang ko.

Sumabay kami sa daloy ng tugtog ng piano at violin.

"Gusto mo bang malaman talaga?" Tahimik na tanong ni Raegan.

"Oo..."

"Bakit pa? Hindi pa ba sapat yung pinapakita ko?" Malungkot yung sabi ni Raegan. Napatingin tuloy ako sa mga mata nya.

"Hindi naman sa ganun...Para kasing...Parang di ko deserve?"

Tumigil si Raegan, "Pano mo naman nasabi yan?"

"Kasi....kasi....."

Hindi ko matuloy kasi hindi ko naman talaga alam ang sasabihin. Tumingin ako sa baba, sa paahan namin.

"Raegan, ang ganda mo kasi eh. Ang yaman mo. Ang talino mo. Ang galing galing mo. Perfect ka na eh..Ano lang ba ako sayo diba?"

Inangat ni Raegan yung mukha ko, ngumiti sya, "Sinong nagsabing hindi ka maganda? Hindi ka matalino? Na hindi ka din magaling? Pera? Genesis naman eh, wala yun. At alam mo kung gaano ako kaimperfect. Nakita mo na akong umiyak, sumigaw sa gabi."

Para akong matutunaw sa mga tingin nya. Kitang kita ang sincerity sa mukha nya.

"I don't need you to be perfect, Genesis. I want you the way you are. That's why I fell for you."

Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Unti unting syang lumalapit.

Di mawala yung tingin ko sa mata nya.

Closer.

Ngayon ko lang napansin na may ilan ilan syang freckles sa pisngi. Just below her eyes.

Closer.

Yung labi nyang mapupula. Malambot kaya?

Closer.

Naduduling na ako kaya pumikit na ako.

.

.

.

Lumapat ang labi ni Raegan sakin. Malambot iyon tulad ng hinala ko.

1


2


3


4


5


6


7


8


Naghiwalay ang mga labi namin pero nakadikit parin ang noo ni Raegan sakin.

"I love you, Genesis."

Napangiti ako. First kiss ko yun. And hindi yun ang inaasahan ko, akala ko katulad ng mga nasa movies na gumagalaw pa yung bibig na kulang nalang lamunin nila yung isa't isa.

Yung halik namin ni Raegan? Simple lang eh. Nagdikit lang yung mga labi namin. Pero alam nyo yun? Sobrang sweet...Sobrang...oh my gosh. ano ba to. hindi ko alam...first time ko yun eh..

"You don't need to say something back." Ngiti ni Raegan, "And I'm sorry kung di ko na mapigilan."

Hinampas ko nga sya, "Panira ka ng moment."

Natawa si Raegan, "You like?"

Sasagot ba ako? Eh sa nagustuhan ko naman talaga!

"I love it when you smile." Bulong ni Raegan.

Sa sobrang lapit namin amoy na amoy ko yung vanilla mint scent nya. Naconscious tuloy ako, for sure ang baho ng hininga ko.

Tumawa si Raegan, "Bakit kumunot noo mo? May problema ba?"

"W-wala."

Hinalikan ako sa noo ni Raegan, "This spot is soft when you frown."

"Tama na! Quota ka na eh!" Lumayo ako sakanya at tumalikod.

Niyakap naman ako ni Raegan from the back, "Last na 'to, promise."

Nilabas nya yung phone nya at tinapat saming dalawa, "Smile ka ahh."

"1..2...3!!"

Nagulat si Raegan sa ginawa ko kasi nung pinindot nya yung capture, sakto namang hinalikan ko sya sa pisngi.

Chineck ni Raegan yung phone nya at natawa ako sa gulat na expression nya.

"Bagong wallpaper!" Tawa ni Raegan, may mga pinindot pindot sya tapos pinakita nya sakin na ginawa nga nyang wallpaper.

"Wag mo ipopost yan ah!"

"Bakit? DP sana to oh!" Reklamo naman ni Raegan.

"Wag!"

"Twitter?"

"No."

"Instagram?

"No."

"Eh bakit ayaw mo?" Parang bata nang nagmamaktol si Raegan.

"Di pa ako nakakamove on dun sa ginawa ng mga fans mo."

Sa interview kasi ni Dyan Castillejo kay Raegan tinanong nya si Raegan tungkol sa lovelife. Open naman si lokarit na bisexual sya kaya pinakita yung picture namin na nakatalikod na naglalakad along Taft. Yung picture na pinakita sakin ni Cedric dati na magkaholding hands kami.
After ng interview na yun, natrace ako ng mga fans nya, kumalat din kasi yung picture ko na nanunuod ng game ni Raegan. Ayun, tinadtad nila yung Facebook ko at Twitter ko.

"Ay, sige, sorry." Lumayo na si Raegan, "Pero wallpaper ko nalang ahh."

"Sige na." Ngiti ko, "Sa phone lang ahh!"

"Eh pano kung gusto ko pati sa mga computer ko?"

"Cellphone lang."

"Genesis?"

"Hmm?"

"Thank you." At hinalikan ni Raegan yung ulo ko.






----------------------------------------------------------






"Raegan?"

"Hmm?"

Nakahiga kami sa kama nya dito sa mansyon nila. Hindi ako makatulog kasi naninibago nanaman ako. Nasa magkabilang dulo kami ng kama.

"Anong meaning nung rose?"

"The rose is lovely, forget the thorns." Inaantok na recite ni Raegan.

"Ano ngang meaning nun?"

"Na hindi lahat ng magaganda ay perpekto." Lumapit si Raegan at hinawakan yung kamay ko, "Parang ako. Madaming thorns."

"Pero maganda parin." Lumapit ako sakanya.

Pinaunan ako ni Raegan sa braso nya. Di pa ako sanay hanggang ngayon na may katabi pero lumapit parin ako. Niyakap ko sya.

Bumungtong hininga si Raegan, "Goodnight na."

"Good night."



Split GeniusWhere stories live. Discover now