Kabanata 63

1.2M 29.5K 7.4K
                                    

Kabanata 63

Desisyon

Kinaumagahan ay nagulat ako nang napag desisyunan na pumunta daw muna kami ng Tinago. Ngayon ay para maligo, hindi para interviewhin ang Tito ni Hector. Iyon daw ang huli naming gagawin bago sila bumalik ng Maynila mamayang hapon.

Syempre, pumayag ang lahat. Ngunit di ako sigurado kung pumayag nga ba si Clark at si Janine dahil pareho silang napipilitan lang. Naging malupit ako kay Janine noon pero iba pala yung pakiramdam na sina Desiree at Tara na ang naging malupit sa kanya.

"Iksi ng shorts mo. Sige, push mo yan." Maarteng utas ni Tara sa kanya.

Nakasimangot si Janine at agad nag palit ng damit. Umismid ako kay Tara dahil sa nangyari ngunit ipinagkibit balikat niya lang ito.

"Hayaan mo siya. Number one rule yun sa friendship natin na walang traydoran. Pero nagtraydor siya. Kulang pa yan." Aniya.

Umiling na lang ako at pinagmasdan ang mga lalaki na naligo sa Tinago falls. Gusto ko ring maligo. Lalo na nang nakita ko si Tara at Desiree na nagmamadaling tumakbo at tumalon sa falls. Nagtawanan ang mga boys. Hmm, nagustuhan nga nila iyon, e. Syempre, nakabikini ba naman yung dalawa.

Naramdaman ko ang kamay ni Hector sa baywang ko. Naka shorts at racerback ako habang pinapanood ko ang mga kaibigan kong lumalangoy sa falls.

"Bawal mag tanggal ng damit." Bulong ni Hector sabay kurot ng marahan sa pisngi ko.

Umismid ako. "Ano? Ganito ako maliligo?"

Tumikhim siya. "Ayaw ko talaga ng nakikita ng ibang tao ang balat mo."

"Hector, I have your mark all over me. Kahit sa noo ko may Hector Dela Merced na nakalagay. Lahat ng tao dito, pati mga hayop, alam na sa iyon ako. No one would dare..."

Umiling siya. "Malaki ang mundo, Chesca. And I don't own the whole of it. Hindi ko pag aari ang isipan ng ibang tao kaya hindi ko mapipigilan ang pagnanasa nila sayo."

Umiling ako at ngumisi. "You are crazy. Wala ka bang tiwala sa akin?"

Napatingin siya sa akin.

"Hindi ako maaagaw ng iba, Hector. Kahit na ilan pa ang magkagusto sakin, ikaw parin yung pipiliin ko."

Natahimik siya at tinitigan ako from head to foot. Tinanggal niya ang kanyang tshirt at halos mapaungol ako sa pag iwas ko ng tingin. Palaging toned ang muscles niya. Bigla niyang hinaplos ang pisngi ko at hinarap sa kanya. Kaya naman kitang kita ko ulit ang katawan niyang nakabalandra sa harap ko.

"Why are you looking away?" Kumunot ang noo niya. "Hindi mo naman ito first time."

Yeah, right! Hindi nga. Pero tuwing nakikita ko ang katawan niya ay lagi akong kinikilabutan. That burning abs and that straight, tight, and hot adonis belt. I cannot.

"Oh?" Winala ko ang usapan. "Kung ayaw mong mag two piece ako, edi ba't ka naghuhubad?"

Walang pasubaling hinubad ko ang racerback ko. Hindi ko na hinubad ang shorts dahil kitang kita ko na ang pag iigting ng panga niya. Tumawa na lang ako sa reaksyon niya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon