Kabanata 55

1.2M 32.5K 18.7K
                                    

Babala: MEDYO SPG

------------------------------------

Kabanata 55

Shoot

"Hector, anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ng seryosong pag aaral naming dalawa.

Humikab siya at binitwan ang ballpen. "Sa mansyon sila tutuloy."

Kinagat ko ang labi ko. "Pero hindi pwede..." Sabi ko.

"Bakit di pwede?"

"Hindi nila alam na may something tayo."

Kumunot ang noo niya, "Ano naman ngayon kung malaman nila?"

"Ugh! At... At ayaw ko sa grupo natin. Tsaka... ayaw kong bumalik ng Alegria."

Matama niya akong tinitigan. "Bitter ka parin ba kay Clark?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Di ah!"

Hindi ko makumbinsi si Hector na kumbinsihin niya ang prof namin na mag bago ng grupo o gumawa na lang ng ibang project. Kahit anong sabihin ko, palagi niyang isinisingit na bitter pa ako kay Clark kaya ayaw ko siyang makasama.

Pansamantala kong binalewala ang isyung iyon dahil sa gagawin ko bukas. Hindi ko sinabi kay Hector na may gagawin ako. Ni hindi ko alam kung alam ba niyang may shoot ako ngayon. Napagod kami sa kaka study kagabi kaya hindi siya maagang pumunta sa apartment. Maaga naman akong tumulak para sa shoot.

"Kira!" Sambit ko pagkadating ko sa studio alas otso ng umaga.

"Ohh, Chesca! Nandito ka na pala!" Sabay beso sakin.

Pansin ko agad na marami ng tao. May iilang models ng nagsisimula sa pag sho-shoot. Napatingin ako sa mga babae at lalaking nasa tapat ng camera at nisho-shoot ng iba't-ibang photographers.

Mukha ring may ibang malalaking tao doon. May mukhang Donya na binabantayan lahat ng ginagawa ng photographers at models.

"Sila yung sa brochure." Paliwanag ni Kira.

Hindi sila nakahubad tulad ng sinabi niya sakin. May top naman sila na sinosoot. At napansin kong baguhan ang mga models na nakuha dahil naaasiwa pa sila sa isa't-isa.

"Thank God, talaga." Aniya sabay hila sa akin sa isa pang room.

Nakalatag na doon ang damit na sosootin ko. Nakita ko rin ang naka readyng make ups ng make up artist.

"Shall I tone up my body, Kir?" Tanong ko. "First time ko atang gumawa ng shoot na naka bra."

"Wa'g na. I've seen you doon sa dagat diba? Unless you gained? I doubt it." Pinasadahan niya ako ng tingin. "Let me see?"

Kaya ayun at tinulungan niya ako sa fitting room. Sinoot ko muna yung jeans at perfect ang fit nito sakin. Lagpas ankle pa at medyo sexy tingnan sa hips.

"See?" Tumawa siya. "Mag bra ka na rin tsaka mag robe ka na lang para di na mahirapan mamaya pagkatapos mag make up."

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon