Chapter 16

101 2 0
                                    

Magkapatid sila. 

Magkapatud ang ex boyfriend ko at ang boyfriend ko. I was so dumbfounded. Kaya pala tila may koneksyon ang dalawa. Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina. 

*flashback*

"Akira, babe. magkakilala ba kayo ni Marion?" biglang tanong ni Jus. 

"Oo, magkakilala kami ni Akira Jus. Ex niya ako. At andito ako para bawiin siya"

Nagulat ako sa nalaman ko. Nagulat din si Justin sa narinig niya mula kay Marion. Umiiyak ako. Nakatitig lang ako sa dalawa dahil hindi ko alam ang dapat ko gawin. Masaya naman na kami ni Justin ee. Tapos ngayon bumabalik si Marion. Gusto ko na lang magpakamatay dahil napaka gulo ng sitwasyon. 

"Woah! Marion, akin na si Akira ngayon. Ako ang mahal niya. Tapos na kayo. Umalis ka na. Please"

"Hinde! Kiya, sumama ka sa'kin. babylove, pagusapan natin to"

"E gago ka pala ee!"

Biglang sinugod ni Justin si Marion! Nagsusuntukan ang dalawa sa harapan ko. Nataranta na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napasigaw ako.

"Tama na!!!!!!"

Bigla akong pinagtinginan ng dalawa. Humahagulgol ako sa iyak pagka tingin nilang dalawa. Dumating si Rick at mga kasama niya. Agad nila kaming pinuntahan at pinaglayo nila ang magkapatid. 

"ano ba?! Bitawan niyo ako!" agad na sigaw ni Marion. 

Nakatitig si Marion sa'kin. Parang puno ng galit at hinanakit yung mga mata niya. Umalis siya sa pagkakahawak nina Jake sakanya. Lalapitan niya sana ako ng biglang tinulak siya ni Justin. Muntik na ule silang magsuntukan pero pumagitna ako. Lahat ng mga mata nila ay nakabaling sa akin. 

"Ayoko ng gulo. Please tumigil kayo. Pagod na pagod na ako. Maawa naman kayo sakin oh."

Pagkasabi ko nito ay napaupo ako. Iyak na ako ng iyak nun dahil nasasaktan ako. Mahal ko si Justin, pero may nararamdaman parin ako kahit papano para kay Marion. Anim na buwan na din naman ang lumipas nung nagbreak kami, pero sariwa ang sakit dahil sobra yung binigay kong pagmamahal sa kanya. 

Ngayong nakahanap na ako ng bago, at nagmahal na ule ako, saka naman siya babalik para sabihing babawiin niya ako. Ba't ganun? Napaka unfair ng tadhana. Ayaw ba niya akong sumaya? Sana hindi na siya bumalik dahil kuntento na ako kay Justin. 

"Akira! Best!" 

Biglang dumating si Deya at tinulungan niya akong makatayo. Sabi niya ay iuuwi na daw niya ako at nag nodd ako. 

Bigla kong tinignan ule ang dalawa, pero naka poker face ako. Kinausap ni Rick ang dalawa, at naglakad na ako palayo. 

*end of flashback*

Kaya eto ako ngayon, stuck sa bahay at nagiisip. Tinawag ako ni lolo para maghapunan pero wala akong gana. At ayoko rin muna pumasok bukas. Ok lang naman siguro na mag isip muna ako diba? Nasa state of shock parin ako, dahil affected ako sa pagbabalik ng dakilang ex ko. Niyanig nanaman niya ang kaguguho lang na mundo ko. Kaya kailangan ko tong ayusin bago pa niya tuluyang sirain ule. 

Tunog ng tunog ang phone ko. Sandamakmak na messages at tawag mula kina Justin, Marion at Andrea. Ayoko munang basahin, ayoko munang may makausap. In the right time, haharapin ko lahat ng to. Magiipon muna ako ng lakas ng loob para harapin ang past at ipaglaban ang present ko. Yung ang alam kong solusyon sa gulong to.

----------------------------------------------------

Nagising na ako, ang sakit sakit ng ulo ko at punong puno ng muta ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Hala. ang pangit ko na. Nagmadali na lang akong pumasok ng banyo para ayusin ko sarili ko. Hindi porket puno ako ng problema e dapat na akong magmukang losyang. 

Ang Dakilang EX (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon