Chapter 1

296 8 2
                                    

Paunawa:

Ang mga unang chapters ng story na ito ay sadyang kokonti lamang. Hahaha! Sana po mapagtiyagaan niyo kung matipid ang mga una kong updates. Pero sa mga upcoming chapters ay humahaba. So, sana po ay pagtiyagaan niyong basahin. Vote lang po and comment ha? Maraming salamat! I love you all. :)))  

------------------------------------------------

Eto nanaman ako, staring outside the window. Inaantay ko lang na umalis si lolo para makagala ako. Sabado naman kasi ee, kung tutuusin dapat authomatic na talaga ang paglalakwatsa ko. Pero si lolo kase, di ako basta basta pinapayagang umalis bigla. Dapat daw, antayin ko munang mag 8 a.m. ang arte noh? Pero di na ako umaangal kase lahat namn ng gusto ko naibibigay at lahat ng ginagawa ko ay may bendisyon niya.

Bendisyon? Mejo wrong ata yun aa. Hahahaha 

Anyways, maya-maya din umalis na siya. Inaantay ko siyang makalayo then bigla siyang tumalikod at tumingin sa may bintana ko…

“Hoy Akira, kung aalis ka nanaman, siguraduhin mong tapos na lahat ng gawaing bahay at uuwi ka ng maaga. Pag ako, nauna ng uwi sayo, lagot ka sakin!”

“Opo lo! Wag ka mag alala. Punta ka na. Baka ma-late ka pa sa lakad mo! Ba-bye!” Dali ko namang sabi ahahaha!

As you can see, magka-vibes kami ni lolo. At syempre, lolo’s girl ako. Namatay mama ko nung pinanganak ako. Yung papa ko naman, sa far away place na nagtratrabaho, (actually, sa London) XD Kaya eto, naiwan ako kay lolo. But I’m doing well naman ee. Di na dapat ako bantayn na parang bata! Xp

*kring!...kring!...*

Naku lagot. Tumatawag na siya. Kaya dali-dali akong tumakbo at nag abang ng taxi para pumunta ng mall….

“Ay sht! Yung cellphone ko naiwan! Tumatawag pa naman siya! Manong balik tayo, naiwan ko phone ko pleassee!”

O ayan, nakita niyo na? Sadyang makalilimutin ako. Daig pa ako ng lolo ko hahaha!

Ay oo pala, yung tumawag? Yun yung bestfriend ko. Si Andrea Delos Reyes. Makulit, maingay, at sobrang loka-loka! Minsan na ngang nakaladkad yun sa mental ng kuya niya ee. Kaya yun, tumino siya kahit papano. PERO, sa harapan lang ng kuya niya.

“Akira!!!! Ang tagal mo! Inorasan kita oh! 48 years ba dre??!” sabi ni deya. Yan pala ang palayaw niya.

“Grabe ka namna! 15 minutes lang yun oh. I’m still forgivable. Atsaka maaga pa, 9 a.m ang gig nila kaya wag  kang praning!”

“Ay oo nga noh? Hm. Tara na. Puntahan na natin ang honeybunch ko!”

Ay, onga pala, nasa mall na kami. Magpe-perform kase yung boyfriend ni deya. Si Rick Minerva. May banda sila, BEATS ang name. Ewan ko kung bakit dahil di naman kame close ng boyfriend ni deya.

“Ricky! Baby andito na kami ni Kiya! ”

Sabay niyakap ni Rick si Deya at binigyan ng flowers. Ang sweet!  Aaminin ko, naiinggit ako. Ganyan din kase ginagawa sakin ni babylove dati…..

“Hi Kiya! Nice meeting you! ^^” bati sakin ni rick

“ay sht epal! Hah? Ay rick!ikaw pala. Sorry ha? Hello. Nice meeting you too!”

Pinilit kong ngumiti na lang kay rick pero deep inside, naiinis ako… >.<

“Hoy nako saavedra, naaalala mo nanaman si Marion? Balikan mo na kase! Para pareho naman tayong happy bestfriend. ok??” yan, nagsalita ang magaling kong bestfriend.

“Pwede ba best, tapos na kami ng mokong na yun ok? Masaya na siya sa girlfriend niya ngayon at masaya akong single. Kalimutan na natin siya!” sabay ngiti ko naman.

Haynako, napaka sinungaling ko talaga kahit kelan Miss na miss ko na talaga si babylove pero di na pwede maging kami. Nakakaasar!

Ayt. Oo pala. Nakalimutan ko kayo. Sorry ahaha! Si Babylove ko? Siya si Marion Lopez. Ang first love ko na hindi mamatay-matay sa puso ko. Sana mawala na siya! Sana di na siya dumating pa! Sana di na lang naging kami! Sana… sana…. Sana!!!

“Aaaaaaaahhhhhhh!!!!” Shet! Bigla akong napasigaw, Ang dami pa namang tao. Nakakahiya

‘__’

“Huy! Anong problema mo? Para kang nakakita ng multo aa?” sabi ni deya. Juskopo. Buti na lang at dumating siya. Nag iisip nanaman ako ng kung ano. Nakakaasar. Parang gusto ko na tuloy umuwi.

“Mojp nahihilo ako best ee. May tubig ba diyan?”

“Ha? Tubig daw! Baby penge naman diyan ng water oh please?” dali-daling naghanap si deya ng tubig para sakin

“Baby oh. Maupo na lang kayo ni Akira dun sa mga bakanteng chairs sa harapan. Magpe-perform na kami ee.”Sabay sabi naman ni rick. Buti na lang at mabait ang boyfriend niya. Hay, kakainggit talaga. Gusto ko na tuloy magka bf ulet.

Maya-maya, nag start ng tumugtug ang BEATS.. Ang galing nila aa.

Cause one day when the sky is falling

I’ll be standing right next to you

Right next to you”

Bigla akong naiyak nung tinugtog nila yun. I remembered him again.

Bumalik nanaman sa akin lahat-lahat ng nangyari samin. Yung mga memories hanggang sa di ko napansin, humahagulgol ako sa iyak at pinagtitinginan ako ng lahat ng tao.

Feel ko tuloy hindi na si Deya ang may topak. Ako na! Dali-dali kong pinunasan ang luha ko then pumunta ako sa CR.

Ilang minutes din ako dun na umiiyak hanggang sa di ko na nakayanan. Umuwi na ako. Hindi na ako nakapagpaalam kay Deya kaya tinext ko na lang siya..

To: Deya Betplen

Best uwi na ako ha? Alam mo naman na siguro kung bakit. Ingat ka and regards kina Rick for me. Thanks! J

She didn’t reply na. Alam kong naintindihan niya ako. Pagkadating sa bahay, dumeretso na ako sa kwarto at umiyak ng umiyak I was tired. Hanggang sa di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Ang Dakilang EX (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon