Chapter 02: What do you mean?

20.9K 444 27
                                    

Racelle's PoV

NAG-AALALA ang apat na tinapunan ako ng tingin. Masama ang tinging nilingon ni Mike ang tinungo ng kaibigan nang bigla itong maglaho sa paningin naming lahat.

"Tahan na, baby Race," pang-aalo ni Mike, tinatapik-tapik ang braso ko. "Nagseselos lang iyon kaya hayaan mo na."

Nandilat ang mga mata kong kagagaling sa pag-iyak. Tama ba ang narinig ko? Nagseselos siya? Imposible! Umiling ako at sumimangot sabay tulak sa kaniya nang marahan.

"Ang sabihin n'yo galit na naman iyon sa 'kin dahil ako na naman ang nakita," garalgal ang boses kong sambit habang nagpupunas ng ilong gamit ang manggas ng aking bestida.

"Kitian is like Justin, they're both moody. Huwag ka ng magtaka kung bakit gan'on siya," William statement.

Tiningnan ko lang siya. Mas lalo akong sumimangot dahil walang kabuluhan ang mga sinasabi nila. Napakaimposible iyong sinasabi nila. Isang panaginip na hindi mangyayari. May galit sa akin, tapos biglang may lihim palang pagtingin? Sobrang nakakatawa!

Nakita ko kung paano itulak ni Justin ang katabing nagsalita nang madawit siya sa sinabi nito. "Hindi ako gan'on kay Kitian. I'm more considerate than him," he defended himself and smiled.

Ngumiwi si William sa kaniyang tabi, tila hindi sang-ayon sa sinabi nito. "What's with that face?"

"He couldn't believe what you'd said and that's my judgement based on his expression," sabat ni Tristan.

Umamba ng suntok si Justin sa lalaking katabi, pero nakalolokong ngumuso humihiling itong halikan siya. Naririnding inilayo nito ang ulo ni William, ngunit muli niyang inilapit ang mukha. Lumapat ang labi ni William sa matabang pisngi ni Jusin dahilan para maitulak niya ito nang marahas. Hindi ko naman napigilan ang sariling matawa nang mahina sa inasal ng dalawa.

"Move away, dude!"

Hinila niya bigla ang nakatayong si Jerome habang nakatutok sa cellphone, itinabi sa nakalabi pa ring si William. Hindi paawat ang paghikbi ko kahit napapangiti ako. Umatras ako nang makita ang mukha ni Mike sa harap ko, sinusuri ng bilog niyang mga mata nang may pag-aalala.

Tinakpan ko ang bibig nang bigla akong suminok dahilan para matawa si Mike at mahawaan niyang tumawa si Tristan nang mahina.

"Bebe William, bumili ka nga ng tubig para sa prinsesa natin," utos ni Mike.

"Si Justin na lang." Itinuro niya ang katabi.

"Bakit ako?"

"Gusto mo pa bang tumangkad o hindi?" mapang-uyam na tanong ni Mike.

Narinig ko muli ang pagtawa ng katabi ko, maging ang paghalakhak nang tatlo samantalang itinikom ni Justin ang bibig bilang pagpipigil ng inis.

Nilingon ko ang katabi nang pisilin niya nang magaan ang aking balikat. "Huwag mo ng pansinin si Kitian at ako na ang humihingi ng paumanhin sa hindi magandang asal niya kanina."

Bakit niya kailangang humingi ng paumanhin kung hindi naman siya ang may pagkakamali? I nodded as a response, and somehow, I still understand his best friend's attitude. I'm used to it, even most of the times I seek his reasons if why he is mad at me.

Hindi ko kung may nagawa ba akong ayaw niya na hindi ko alam o baka nakaaway ko ito noong bata ako, o baka nakaaway ko ito sa past life ko? Palaging kumukulo ang dugo tuwing nagkru-krus ang landas namin. Bahagya akong nagulat nang lumapat ang kamay ni Mike sa aking balikat, umakbay.

Umukit ang nakalolokong ngisi niya. "May alam ka kasi na hindi mo alam."

Nagsalubong ang kilay ko sa pagkakuryuso. Gusto kong malaman kung ano man iyon. "What do you mean?" nagugulumihanang tanong.

The Campus Heartthrob Kings And Me (Book 1 of Kings Trilogy)Where stories live. Discover now