Landi: 43

1.7K 34 17
                                    

Dedicated to Ched Callueng. Thank you dun sa comment mo be! :) Appreciate ko naman yun :)))

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa niyo ng WLMH. Malapit na tong matapos Hahaha Dejoke lang.

xxxxxxxxxx

AKANE's POV

"GOOD MORNING PRETTY!" Sigaw ng dalawang nambulahaw sa mapayapa kong tulog.

"Ugh." react ko at nagtakip ng unan at tinalikuran ko sila.

"Akane, Tara na magshopping tayo dali naaa." Yugyog nila sa katawan ko.

Ayoko pang bumangon. Anong oras na ko nakatulog eh.

"Mamaya na balik na lang kayo." sabi ko sakanila.

"Yan tayo eh. wala ka ng oras para samin. ganyan ka naman eh." Narinig kong nag-e-emote na boses ni Mikee.

Problema ng mga 'to?

bumangon ako para harapin sila.

"Problema nyo? Aga-aga nyo mambulahaw." Sabi ko pa habang kinukusot ang mga mata kong nasisilaw sa sinag ng araw na tumatagos sa kwarto ko.

Yea! It feels good to be home again.

yes after two months nakauwi na ko sa minamahal kong bahay.

Si Lola naman ay bumalik na sa California kaya wala na namang tao sa Anscetral house namin kasi naglipat bahay na rin sila Tito Dex.

its been two weeks mula nung nabasag ko yung frame ni Bading. Naalala ko pa akala ko iniwan niya ko, kumuha lang pala siya ng pagkain upang pakainin ako kasi ayaw niyang mahirapan ako. Ang sweet talaga ni bading sakin.

"Ukelele di mo ba kami namiss? Lagi na lang si Miguel yung kasama mo. Parang wala ka ng ibang kilala kundi si Miguel at di na kami nag-e-exist sayo." Mangiyakngiyak na sabi ni Marian.

"Marian ganyan na ata pag single kayilangan humanap ng bagong boylet." Sabi ni Mikee.

Hinampas ko nga sila ng unan kaya ang naging scenario namin ay nauwi sa pillow fight!

"HAHAHAHA. Tama na. Maliligo na ko at magmall na tayo. Buset ginulo niyo yung kwarto ko." Sabi ko at nagmadaling tumakbo sa banyo kasi hahabulin pa nila ako eh.

pagpasok ko sa banyo ay nakita ko yung binigay na kwintas sakin ni Miggy. Andito ko pala to nahubad ang careless ko talaga tsk.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko yung dalawang bruha kong kaibigan na nakaupo sa harap ng PC ko. tinignan ko yung binabasa nila. Nakita kong nagbabasa sila ng story sa wattpad. umiiyak yung dalawa mga mukang tanga.

binatukan ko nga.

"Ano ba yang binabasa niyo at naiyak kayong dalawa jan?" Tanong ko sakanila.

"Eh kasi nakakaiyak yung When Landi Meets Hinhin ni Ms. StraberryBlends eh basahin mo din kaya kawawa yung babae." Sabi ni Marian habang nagpupunas ng luha.

Ay whatever.

"Ah ang OA niyo. Tsupi labas na kayo at magbibihis na ko." pagtataboy ko sakanila.

dumiretso ako sa walk-in closet ko at naghanap ng damit na isususot.

Nakita ko yung isang pulang strapless dress at kinuha ko ito para isuot tinernohan ko ito ng isang flatshoes na kulay puti.

sinuot ko rin yung necklace na bigay ni Bading.

Pinatuyo ko rin yung buhok ko sa blower bago tuluyang lumabas.

pagbaba ko sa salas ay nakita ko yung bored na look ni Marian at si Mikee na walang tigil sa kakatext.

When Landi Meets Hinhin (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon