Landi: 1

9.3K 152 23
                                    

Akane Marie Sachiko

"@MarianGraceee Mylabs! What time?"@Akane_Sachiko

"@Akane_Sachiko Di ko alam eh. Tanong mo na lang si @MikeeAnnS" @MarianGraceee

"@MarianGraceee @MikeeAnnS Okieees! Text us na lang! Mag out na ko eh. :) See yaaaah! :*"@Akane_Sachiko

Yeah! Makikita ko na naman sila bukas hihihi!Eggzoited!

Konichiwa! Ako nga pala si Akane Marie Sachiko. Isa akong Japinay. Isa akong normal student. Hindi ako si Ms Oh-So-Nerd sa school and hindi mo rin masasabing Oh-So-Miss Popular kasi hindi naman talaga. I want my life to be so simple. I have two best of friends. Mabait naman ako and sabi nila friendly daw. Pero parang 'di naman. Nahihiya kasi akong kumausap or mag-initiate ng first move para maging friends tayo kasi nga I'm SHY!

Anyway, my parents have their business in Japan. Kinukuha nga nila ako para du'n na mag-aral pero wala, eh. Ayoko sa ibang bansa, gusto ko sa Pinas na lang muna at tapusin ko muna 'yung studies ko dito. 1st year college student nga pala ako sa A.S. University dito sa Pinas. Hindi iyon isang private institution or private university. Hindi rin iyon International Univeristy pero open naman sa mga foreign students. Ito ay isang State University and dito rin nag-aaral 'yung dalawa kong best friend,'yun nga lang, magkakaiba kami ng course. Si Marian is Nursing Student. Si Mikee naman ay BS Travel Management and ako ay Journalism student.

Nandito ako ngayon sa building namin at nakiki-wi-fi. Bukas kasi may lakad kami nila Yaniyan kaya ni-tweet ko sila ayun naman pala nakiki-wi-fi din ata siya. Haha! Centralized kasi ang buong university ng wi-fi kaya ayun twitter-twitter din pag may time!

May love life din ako kung love life nga ba matatawag 'yun. Hahaha! Kasi nasa ibang bansa 'yung boyfriend ko, eh.

Stalk ako nang stalk nang biglang-"Woooosh!"

Ay, ano 'yun?

Eh? Baka pusang gala lang 'yun?

"Whaaaaaaaaaa!"

Napasigaw ako kasi pagtingin ko sa laptop ko may scary face! Mameeeeeee! Heeeelp meee!

Ay? Teka. Hindi pala mumu. Ikaw talaga, Akane, weird mo. Mukha pala ni Mikee 'yun.

"Waeyo?"sabi ko sakanya kasi bigla-biglang sumusulpot sa harap ko.

Tapos ay bigla niya kong sinampal nang pabiro.

"Para saan naman 'yun?" tanong ko ulit.

"Una, Ginawa mo kong multo. 'Tong mukang 'to? Nakakatakot? Second, kailan ka pa natutong mag-korean? Pa-waeyo-waeyo ka pa diyan," sabi niya habang naka-straight face.

"Nagulat lang ako bigla ka kasing dumating, eh. Ah, 'yun ba? Natutununan ko 'yun sa classmate kong KPOP lover," sabi ko tapos itinuloy ko na 'yung pag-stalk sa twitter ng crush ko.

"Ano na naman 'yan? Sino yan?" tanong ni Mikee sabay tingin du'n sa laptop.

"Ah, si Miggy 'to," sabi ko sakanya

"E? 'Di ba ka-department ni Marian 'yang si Miggy?" Ay kilala nga pala niya'to. Ang fail ko naman

"Yizz," simpleng sagot ko tapos in-exit na 'yung twitter profile ni Miggy.

When Landi Meets Hinhin (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon