Usapang Tanga

110 4 0
                                    

Usapang Tanga

Alam mo yung pareho kayong may mahal?

Mahal mo siya.

May mahal siyang iba.

Cliché pero totoo.

Marami satin ngayon kuntento na sa pagiging kaibigan kapag wala talagang pag-asa. Kuntento na sa pagiging tissue kapag umiiyak. Kuntento na sa pagpapahiram ng balikat kapag may problema. Kuntento na sa pag-salo kapag nag-away na sila nung syota/jowa niya. Kuntento kang masulyapan yung ngiti niya. Kuntento ng nakikitang masaya yung mahal mo kahit sa piling ng iba.

"Okay lang kahit di ako yung nagpapasaya sa kanya. Basta masaya siya, yun yung mahalaga..."

Tanga nga ba kung maituturing kung nagmahal ka lang naman? Diba hindi naman? Pero yung katangahan kasi talaga dito e yung pagmamahal mo sa kanya na halos wala ka ng natira sa sarili mo. Puro siya na lang yung iniisip mo.

Kamusta siya? Okay lang kaya siya? Masaya kaya siya? Ano kaya ginagawa niya ngayon? May problema kaya siya? Bakit malungkot siya? Puro siya, siya, at siya. E pano yung sarili mo? Paano si ako?

Kamusta kaya ako? Okay lang ba ako sa set-up na ganito? Masaya ba ko sa ginagawa ko? Tama pa ba yung pagmamahal na binibigay ko? Pag nagkaproblema kaya ako mag-aalala din siya sakin? Kapag malungkot ba ko dadamayan din niya ko? Malungkot ba ko? Magiging kuntento na lang ba ako sa ganito? Ang mga sagot? Hindi. Masakit. Nakakamatay.

"Love is about loving someone without expecting anything in return."

No expectations? Check! Pero di mapipigilan na isang araw maiisip mo, "Ano kaya magiging kapalit ko sa pagmamahal na to?" Tao tayo, natural lang satin humingi ng kapalit kapag may bagay tayong binibigay. Sa love ito ang mahirap, hindi naman kasi pwede na kung binigyan mo siya ng pagmamahal, dapat mamahalin ka na din. Di lahat ng bagay nasusuklian.

Masakit pero totoo.

Wag mo hintaying isampal pa sayo yung katotohanan na hanggang diyan ka lang. Na hindi na pwede dahil hindi ka niya mahal. Hanggat kaya mo pa, idistansya mo na ang sarili mo. Ilayo muna yung sarili mo mula sa sakit na sisira sayo. (hashtag hugot hahaha) For short, wag magpakatanga. Hindi porket libre yan lulubus lubusin mo na. Magtira ka sa sarili mo.

"You can't love someone if you can't even love yourself."

Di masamang unahin ang sarili mo paminsan minsan. Depende naman yan sa sitwasyon e. Kung feeling mo masyado ka ng nagbibigay, uso pahinga, pero hindi ko naman sinasabi na tumigil ka na. Kailangan lang talaga minsan i-pause ang pinapanood mo kapag naiihi ka na. Dibuuuh?

"Masarap magmahal, pero masaklap magpakatanga."

So ayun lang, be wise! Reduce heartbreaks and heartaches. XOXO, El ❤

Ge.Where stories live. Discover now