HNJ 18

1K 62 46
                                    

Hindi pa pala ito ang last part. Masyado namang tragic kung ganoon ano. So ano na, dalawang taon kong hininto ang pag-update dito sa HNJ at hindi ko din talaga binuksan ang wattpad account ko. Pero sobra akong natuwa dahil nakaka-receive ako ng mga notifs sa gmail account ko na hindi naka-log out sa phone. Isa pa, binobomba na ako nung kaibigan ko na mag-update na daw ako dito. Kaya naisipan ko na na ituloy 'to. Ayon, ang haba na. Pang-isang chapter na ata 'tong note ko.

- - - - -

Pinky

Walong taon. Walong taon na akong nandito sa London. I've met a lot of people. I tried to regained myself. 


"Pinky, do you really want to do this?" tanong ni Ate sa akin habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko. Tumingin naman ako sa kanya ng nakangiti bago isara ang maleta ko.


"It's been eight years, Ate. It's time to come home." sabi ko.


Hindi parin talaga siya sigurado sa gagawin kong pag-uwi sa Pilipinas makalipas ang walong taon. Para sa kanya ay hindi ko pa kayang harapin lahat ng naiwan ko sa Pinas. Pero alam ko sa sarili ko na kaya ko na. Kaya ko nang bumalik. 


Limang taon na din simula lumipat ako dito para dito na ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng high school at college. Masasabi kong mahirap sa umpisa dahil na rin siguro banyagang bansa ito at hindi ko alam kung paano magsisimula. Sige, nahirapan din ako noong una dahil dala dala ko parin si Jin sa sistema ko. Sa mga unang araw ko dito, wala akong ginawa kung hindi ang umiyak dahil sa nangyari sa amin. Ilang buwan kong iniyakan lahat ng masasakit na ala-ala. Lahat ng dinulot na sakit ng pagmamahalan namin. Pero alam ko na hindi pwedeng ganoon nalang ako dahil naaapektuhan ko ang Ate ko. May mga oras na hindi ako pumapasok dahil naalala ko si Jin, at mag-aalala si Ate dahil sa kalagayan ko.


Pero lahat ng iyon ay nasa nakaraan na. Graduate na ako sa aking kurso na Interior Design at malaki na ang kita ko dito sa London. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pag-aaral para makapag-ipon para kay Mama at Papa at para narin sa pag-uwi ko. Biglaan din ang plano kong pagbalik pero walong taon na rin naman ang nagdaan at sigurado akong wala ng sakit sa puso ko. 


"Nag-aalala lang ako sa'yo. Lalo na, nakita ko kung paano ka nahirapan na mag-adjust dito sa London." dagdag niya.


Tumikhim ako at nginitian siya ulit. "Kaya ko na, Ate. It's time to go back."


Naka-set ang flight ko sa susunod na araw. Atat na atat na akong umuwi. Miss na miss ko na ang parents ko. 


"O sige na, magpahinga ka na. Kailangan mo ng lakas, lalo na subsob ka sa trabaho nitong nakaraan."


Hinalikan ni Ate ang pisngi ko at lumabas na siya ng kwarto ko. Nilagay ko ang maleta sa tabi ng kama ko kasama ng passport ko. Kinusot ko ang mata ko at naisipang tawagan sila Mama. Hindi ko parin nababanggit ang pag-uwi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inoff nalang ang phone ko dahil gusto ko silang sopresahin. Hindi ko din pinasabi sakanila kay Ate na uuwi ako. 


Mabilis lang lumipas ang isang araw at heto na ako, nasa Heathrow airport na para sa flight ko. Binaba ko ang mga bagahe ko galing sa kotse ni Ate at niyakap niya agad ako ng mahigpit.


"Mamimiss ko kaingayan mo sa bahay." sabi niya habang naluluha. Niyakap ko siya ulit.


Hotdog Ni JinWhere stories live. Discover now