HNJ 15

1.6K 75 12
                                    

HNJ 15

PINKY'S POV

Ano nanaman 'to Jin? Anong kahayupan nanaman 'to? Feeling ko nagtatumbling lahat ng laman-loob ko sa nakita ko. Hindi kayang tanggapin ng mga mata ko ang nakikita ko sa screen.

Ayaw ko man na mag-conclude sa picture na 'to, hindi ko mapigilan. Parang naubusan ako ng lakas sa lahat ng bagay. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha galing sa mata ko. Ang sakit, Jin. Palagi nalang ba tayong ganito?

In-off ko yung cellphone ko at sumandal sa headboard ng kama.

"Kaya mo 'to, Pinky! Si Jin lang 'yan, okay?! Kayang-kaya mo 'ya--"

Hindi ko na kaya e. Sobrang sakit na. Nag-unahan na sa pag-agos ang mga luha ko kahit na anong pigil ko sakanila. Mismong ako, hindi inaakala na may lalabas na hikbi sa bibig ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit at hindi ko na kayang pigilan yung sarili ko sa pag-iyak. Ano pa bang kulang, Jin?

♠♥♣♦

JIN'S POV

"Bakit ka ba nandito, Violet?" tanong ko kay Violet ng lapitan niya ako. Pagpasok palang namin dito sa bar ng Tropang Budots, nakita ko na agad siya sa may bar counter.

"Ha? Nauna kaya ako sainyo. Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Bakit kayo, ka, nandito? Sinusundan mo ba ako Jin?"

Ngumiti siya sa akin na halatang inaakit ako pero walang epekto sa akin 'yun. Kung siguro si Pinky siya, kanina ko pa siya sinunggaban diyan.

"Ang kapal talaga ng mukha mo." tanging sagot ko sakanya. All this time ba naman, akala niya talaga may gusto ako sakanya?

"Jin naman. Bakit mo ba ako pinapahirapan? Diba sabi mo pakakasalan mo 'ko?"

Naiiyak na siyang tumingin sa'kin. Napapikit ako sa narinig ako. Sira ulo ata 'tong babaeng 'to.

"Violet naman. Elementary pa tayo nu'n! Isa pa, ang tatanda na natin para diyan sa mga bagay na 'yan!" medyo tumaas ang boses ko kaya nagsitinginan ang mga malapit na tao sa akin. Napatingin na rin ang Tropang Budots dito. Nakiusap kasi ako sakanila na hayaan muna kami ni Violet na mag-usap.

"Pero Jin, pangako mo 'yun sa akin! Hindi ako nagboyfriend para sayo, pero ikaw, kinalimutan mo lahat! Lahat lahat!"

Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig niya at kitang-kita ko kung paano umagos ang luha sa mata niya. Biglang lumambot ang ekspresiyon ko, ayaw ko talagang may nakikitang babaeng umiiyak. At may pinagsamahan naman kami ni Violet.

"Sorry, Violet. Pero hindi ko naman inakala na hanggang ngayon panghahawakan mo parin 'yung pangako ko. May kasalanan ako kasi hindi ko matutupad 'yun."

Pinunasan niya ng marahas ang mga luha niya at galit na tumingin sa akin.

"Matutupad 'yun, sa ayaw o gusto mo. Kaya nga ako nandito e! Kasi pinapasundo ka na ng magulang mo pabalik sa Seoul! Magpapakasal na tayo!"

"Violet--"

"AT KUNG HINDI MO SASABIHIN KAY PINKY ANG BAGAY NA 'TO, AKO NA MISMO ANG SISIRA SA RELASYON NIYO!" sigaw niya habang dinuduro ako. Damang-dama ko 'yung galit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko namalayan, nakalabas na pala siya ng bar. Biglang lumapit sa akin si Jimin at tinapik ako sa balikat.

"Hyung, totoo ba 'yung narinig namin?"

Napabuntong-hininga ako at humarap sakanila. Unti-unti akong tumango at narinig ko ang pagkadismaya nila sa akin.

"Gaano katagal mo ng niloloko si Pinky?" tanong sa akin ni Namjoon. Napatingin ako sakanya.

"Hindi ko siya niloloko." matigas na sagot ko. Tumawa ng marahan si Namjoon.

"Hyung, ikakasal ka na, tapos hindi alam ng girlfriend mo. Hindi ba panloloko 'yun?"

"Sinabi ng hindi ko siya nilokoko e!"

Napatayo ako sa upuan ko, ganu'n din si Namjoon. Pero agad na pumagitna sa amin si Taehyung.

"Kumalma muna kayo."

Isa-isa niya kaming hinawakan sa balikat at pinaupo. Bumuntong-hininga ulit ako at nagsimula ng magsalita.

"Yung kasal, matagal ng plano 'yun. Elementary palang kami ay nakaplano na lahat. Pero ang bata ko pa, diba? Napakabata ko pa para sa ganu'ng bagay. Kaya bakit ako maniniwala? Yung promise na pakakasalan ko si Violet, hindi ko ginusto 'yun. Sapilitan ko lang na sinabi dahil birthday niya nu'n." paliwanag ko sakanila.

Wala naman talaga akong alam. Hindi ko alam na totoo pala lahat ng plano nila para sa amin ni Violet.

"Sinabi sa'kin ni eomma na 'wag daw akong mag-alala dahil bata pa ako. Kaya naisip ko na sinabi lang nilang ipapakasal nila kami ni Violet para lang matuwa siya sa birthday niya. Oo, gustong-gusto ako ni Violet na maging asawa. Sobrang mailap siya sa mga lalaki dahil ako lang ang gusto niya. Simula bata pa kami, tinuring ko na siyang nakababatang kapatid. Pero hindi kuya ang tingin niya sa akin."

Nakatingin lang sila sa akin habang nagsasalita ako. Huminga ako ng malalim at tumagay. Sobrang daming gumugulo sa isip ko ngayon.

"Kailan mo sasabihin kay Pinky?" tanong ni Hoseok. Tumagay ako ulit ng dalawang baso bago tumingin sakanya.

"Humahanap lang ako ng tiyempo. Pero sana, atin-atin muna 'to. Ako mismo ang magsasabi sakanya."

-

Lumalim na ang gabi at nagsisiuwian na ang Tropang Budots maliban sa akin.

"Hyung, uwi na ako. Kaya mo pa ba?"

Tinignan ko si Yoongi na ang pula na ng mukha at parang kailangan na ng pahinga kaya umoo na ako sakanya. Nakailang tagay na ako at lasang alak na din pati laway ko. Pero gusto ko pang uminom. Uminom para magkaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Pinky lahat.

Ipaglalaban ko si Pinky. Hindi ko siya bibitawan.

"Jin."

Lumingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ako ng nakita ko si Pinky sa harap ko. Medyo malabo na ang paningin ko pero kita ko parin ang maganda niyang mukha. Ang pink niyang buhok na gustong-gusto ko. Pero parang may mali sakanya. Labas kaluluwa ang suot niya ngayon at kitang-kita ko ang collarbones niya. Hindi naman ganito manamit si Pinky.

"Halika na. Uwi na tayo."

Hinawakan niya yung braso ko at inalalayan akong tumayo. Nagpahawak naman ako sakanya at nakita ko din na ang liit ng shorts niya. Biglang nag-init ang tenga ko. Hindi 'to pwede. Bakit ba ganito si Pinky ngayon?

Inalalayan niya lang ako hanggang sa makalabas kami at makapara ng taxi. Hilong-hilo na ako pero biglang nagising ang diwa ko ng hawakan ni Pinky ang isang hita ko.

"Malapit na tayo." bulong niya sa tenga ko. Lumingon ako sakanya at ngayon ko lang din napansin na sobrang pula ng labi niya. Hindi naman siya naglilipstick dati? Sobrang chapped nga ng lips niya e.

Binuksan niya yung pinto ng bahay at nagtaka ako kung bakit walang maingay. Ah, baka tulog na yung Tropa. Bigla niya akong pinasok sa isang kwarto at tinulak sa kama.

"Jin. Akin ka na ngayon."

Hindi ko alam pero nag-init ako sa sinabi niya. Kitang-kita ko kung paano niya hubarin ang pang-itaas niya kaya nakita ko ang maselang parte ng katawan niya. Pumikit ako dahil hindi 'to pwede. May respeto ako kay Pinky.

"Okay lang, Jin. Okay lang."

Pumatong siya sa akin at hinalikan ang labi ko. Ayaw ko man, may mangyayari mang hindi kanais-nais, hinalikan ko siya pabalik at binuhos ang lakas ko para pumaibabaw sakanya. Kinagat niya yung pang-ibabang labi ko kaya nabuhay ang dugo ko.

"Mali 'to, Pinky. Maling-mali. Mahal kita. Mahal na mahal. Kaya gagawin natin 'to, pagkatapos nating magsuot ng singsing sa isa't-isa. Pagkatapos kong hubarin ang belo mo. Pagkatapos kong sabihin ang pangako ko sa harap ng altar at pagkatapos kong halikan ang mga labi mo na may pangakong hindi kita iiwan, sa hirap man o ginhawa."

At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, nakatulog na ako.

♠♥♣♦

Kala niyo may BS ano. HAHAHAHA. Kaloka. Si Pinky ba talaga 'yon?! Ba't ang hot?! HAHAHAHA

Hotdog Ni JinWhere stories live. Discover now