Chapter 23.2

3.7K 57 7
                                    

Continuation ito ng Chapter 23. Ehh kasi maiksi lang update ko di ba? Ngayon, Ito itry ko mahaba haba kesa sa past updates ko. Pero kasi di ko keri. Hahaha

Chapter 23 Part II.

Aleana's POV

Sa wakas nga pinayagan na din akoo ni Mama. Natalo ko din siya ng mga pangungulit ko. Pero ang sabi niya sa akin bahala daw ako kung anong mangyari sa akin. Alam ko nagtatampo siya sa akin pero kasi for good naman ito eh.

Magkasama nga pala kami ngayon nila Debby, Jackie, at Shiena. Nasabi ko na din sa kanila na babalik ako sa California.

Si Shiena at Debby baka bumalik nalang din daw. Eh kasi daw hindi naman masaya dito sa Pilipinas eh si Jackie ayun tahimik lang. Hindi ako kinakausap. Siguro nagtatampo kasi naman iiwan ko siya eh ayaw niya naman atang bumalik ng California eh.

Ngayon na lang pala kami nagkasama sama ulit. Kaya ngayon nandito kami sa Starbucks. Sinisipsip ang Caramel Frap. namin at sila naman mukhang malungkot.

Kinwento ko naman sakanila lahat ng nangyari. Nung kwinento ko naman yun biglang nagreact si Jackie. "Alam mo tanga mo friend! Yun naman pala eh. Gusto ka naman tinaboy mo pa." 

Nginitian ko lang ito at nagpatuloy pa din sa pagsasalita.

Napansin naman ng magkapatid na medyo uncomfortable yung feeling ko ngayon kaya inaya nila akong umuwi at iniwan lang namin si Jackie.

Naiinis ako kay Jackie. Akala ko pa naman sasabihin niya tama lang yung ginawa ko pero instead mas lalo niya pa akong parang sinisisi.

Ewan ko ba kung bestfriend pa ako nun o hindi na. Minsan hindi ko na dinn malaman. Bipolar ata yun eh. Hindi na din kasi kami nagkakausap nun pero base sa kwento ng magkapatid ay nagdadate daw ito at si Kevin.

Kaya naman pala eh. So kumakampi siya kayla Carlo? Hmpp! 

Nakuha ko na din ang ticket ko at ang alis ko ay next week. Hindi na ako pumapasok sa school. Kinukuha ko nalang yung requirements ko doon para mas mapadali na yung pag-alis ko. Pag natapos ko na 'to wala na kong proproblemahin.

Tuwing nagkikita kami ni Carlo sa school. Iniignore niya nga ako. Parang ang corny nga ng situation, Wala naman siguro siyang dahilan para magalit sa akin. Pero ganun nga ang nangyayari. Nakikita ko ito palagi kasama ang mga kaibigan niya sina Nate, Kevin, Alex at iba pa. Madami sila eh. Nakikita ko din sila palaging naglalaro ng basketball. Nakikita ko din si Precy na palaging nanood kay Nate since si Nate na ang boyfriend niya. Inamin niya ito sa akin. Si Nate na Captain Ball na best friend ni Carlo. 

Naglalakad ako nun pero laking gulat ko ng lumapit sa akin si Calla at yung dalawa niya pang kaibigan na si Jessa at Melissa. "What's with the text thingy huh?" Tinanong ako nito.

The Class Bratinella [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon