87

393 24 5
                                    

Napatigil ang lahat sa narinig.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Inis na tanong ni Minghao.

Tumingin si Solar dito, "Alam ko lahat kaya sana hayaan niyo akong ipaliwanag lahat nang 'to." Diin niyang sabi.

"Bakit mo 'to ginagawa?" Sabat ni Seokmin.

"Kasi gusto kong tamaan lahat nang pagkakamali ko." Mahinahong sagot ni Solar. "Gusto kong makabawi sa kapatid ko, kaya sana hayaan niyo ako."

Nagsitingan naman sila pagkatapos ay tumango rin sila. "Makikinig kami."

Ngumiti ng maliit si Solar.

**

"Bata palang kita ko na si Jeonghan noon, lagi na siyang may mga kasamang yaya dahil sa matinding karamdamang meron siya. Nung una hindi ako naniniwalang meron siyang sakit kasi hindi naman halata sa kanyang meron pero nang makita ko na madalas pumunta ang doktor sa bahay, doon ako naniwala." Pagpapaliwanag niya.

"Ang sakit niyang Ischemic Cardiomyopathy ay hindi isang biro. Malalang sakit na nakuha niya sa lolo niya. Akala ng parents niya, normal lang yung sakit niya."

"Napakabait ni Jeonghan. Ayos lang sa kanya na siya ang mas masaktan kaysa sa mga taong nasa paligid niya. Mas aakuin niya ang sakit para lang di na masaktan ang iba."

"Close kami mula noon. Aaminin kong nasira lang dahil sa panahong inakala kong inagaw niya kayo sakin at si Seungcheol."

"Alam kong alam niyo yun. Alam kong alam niyong ginamit ko lang si Eric. Alam kong alam niyong si Seungcheol talaga. Alam kong alam niyong pinagpalit ko kayo sa mga naging kaibigan kong akala ko tutulungan ako."

"Kaya ngayon gusto kong bumawi sa lahat ng pagkakamali ko. Tanggap ko na." Huling sabi niya at yumuko.

"Pero pwede namang gumaling siya sa sakit na yun diba?" Tanong ni Chan.

"Oo pero ayaw ni Jeonghan." Sabi ni Solar.

Nanlaki ang mata nila sa narinig. "B-bakit?"

"Dahil nung panahong nakipaghiwalay si Seungcheol sa kanya, panahong lalong lumala na at dapat ipapaopera na niya pero humindi siya." Sagot niya at nagsimula nang umiyak.

"A-ano?" Gulat na sabi ni Seungkwan.

"Nung panahong hinahanap mo siya at sinabi niyang wag siyang hanapin, ako ang kausap mo 'nun dahil na-admit ulit siya dahil sa kahirapang huminga." Sagot niya.

"Sinabi ko rin naman na mag pagamot siya pero ayaw niya." Sabay hagulgol niya.

"H-hindi n-niya n-na r-rin i-iniinom a-ang m-mga g-gamot n-niya." Dagdag niya pa.

Napaluha sila sa narinig.

Bigla namang tumayo si Seungcheol.

Napatingin si Minghao, "S-saan ka pupunta, h-hyung?" Tanong niya rito.

"Pupunta ako kay Jeonghan." Tanging sagot niya lang at iniwan sila.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi saming lahat kung kailan malala na ang sakit niya?" Tanong ni Jihoon. "Dahil lang gusto mong tamain lahat ng pagkakamali mo?"

"Bakit sa tingin mo ngayon ang tamang oras na sabihin 'to? Dahil nakokonsensya ka? O dahil gusto mo lang linisin ang paningin namin sayo ngayon?" Tumayo si Jihoon.

"J-jihoon..." Sabi lang ni Solar.

"Alam mo naman palang mapangib na pero ngayon mo lang sinabi. Bakit ka ba ganyan?" Tanong ni Jihoon.

Napayuko lang si Solar.

"May next story pa ba na dapat naming malaman? Para naman handa na kami. Para naman alam na namin kung anong mangyayari." Sabi ni Jihoon.

"O baka gusto mong may mangyari pa talagang masamang masama?" Tanong niya pa ulit.

"Ji, tama na." Awat ni Soonyoung. Napatingin naman si Jihoon rito. "Tama na. Wala na muna dapat mag aaway dahil si Jeonghan ang mas problema dito hindi yung kwento niya o siya."

"Ang dapat problemahin kung handa ba tayo sa mangyayari." Dagdag niya pa.

Napa-sigh nalang si Jihoon at ngumiti naman si Soonyoung sa kanya.

Maya maya pa ay nakarinig sila ng tunog na dahilan para mapatakbo sila papunta sa kwarto ni Jeonghan.

Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolWhere stories live. Discover now