Prologue: The Beginning

1.5K 36 5
                                    

"Cj, meet your kinakapatid. Mikael Jay or Mj. Say good morning to him and be friendly."

"Good Morning, I am Christine Joy but you can call me Cj."

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko ang lalaking napaka baby face. Ang taba-taba ng pisngi niya. Tapos medyo mahaba ang buhok. Kumbaga kpop style. He's cute. Gusto ko siyang maging kaibigan.

Nginitian ko siya noong napadaan siya sa tapat ko pero hindi niya ako pinansin. Pumunta sila ni Mama sa balcony. Napatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti ako. Pero hindi naman ngumiti sa'kin. I pouted. He is so sungit.

"Dongsaeng, sino nginitian mo?" Tumingin ako sa tabi ko. Nakita ko si Madam Jung. Siya lang pala. "Tse! Ang tulis ng baba mo!" Dinilaan ko siya sakto naman na papalapit si Mj samin.

"Hi." Bati niya. He's so cute. Lalo na pag ngumingiti siya. "I am Mikael Jay Pimenova." Pakilala niya sa kanyang sarili.

"Christine Joy Lubiano siya naman si Summer Jung. Mag best friends kami." Pakilala ko naman at kay Madam Jung.

"Nice name. Our names rhymes Cj and Mj... Guess not bad." Bumaling ang atensyon niya kay Madam Jung at ngumiti siya. "I supposed you're a half korean, right?"

"Yes, I am. By the way nice meeting you." Sumingkit ang mga mata ni Mj nang ngumiti siya.
Di bale, crush ko naman siya.

"Mj bakit ka ganyan? What's wrong with you? I just confess my lihim na pagsinta sa'yo. We're not in high school anymore, college na tayo. Hindi mo pa rin ba ako crush? This is the nth time na nagconfess ako sa'yo and still there's no effect!"

Hindi pa rin ako pinagtutuonan ng pansin ni Mj. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng kanta. Galit na naman siya sa'kin dahil inaway lo ang lahag  na mga babaeng lumalapit sa kanya.

"Stay away from me, Cj."

"Sinasabi mo lang 'yan dahil inaway ko si Madam Jung. Ano bang meron kay Madam Jung? Oo, inaamin ko na mas maganda siya pero mas maganda 'yung ngiti ko. Ako 'yung laging nasa tabi mo!" I yelled. Nasa gitna siya ng pagsusulat ng bagong kanta.

"Go home. Your work is done. Hindi na kita P.A." Napapadyak ako. He can't do this to me. Pagkatapos niya akong bigyan ng motibo na magustuhan siya. Bagsak ang balikat akong umalos sa studio niya. I could feel my heart literally being ripped apart inside my chest.

When I got home. I sat on the floor, crying my heart out, feeling so bad for myself. Then again he broke my heart. Na-fall ako na walang assurance na sasaluin niya ako.

Mr. Pa-fall And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon