𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝑫𝒆𝒂𝒍

209K 3.5K 154
                                    

𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓕𝓲𝓿𝓮 : 𝓣𝓱𝓮 𝓖𝓪𝓶𝓮 𝓪𝓷𝓭 𝓽𝓱𝓮 𝓓𝓮𝓪𝓵

“EVE, are you done?”

Calee asked her habang inaayos niya ang sariling buhok sa wall size mirror sa loob ng banyo nina Calee sa private den ng mga ito. Kinailangan niyang maligo dahil sa mga itlog sa kanyang buhok at katawan.

“Almost.” She replied shortly.

“If only Empress is here, that didn’t happened.” Si Vienice iyon. Nang malaman ang nangyari ay agad na sumunod ang mga ito.

“Where is she ba? Akala ko ba ay babalik na siya?” Tanong ni Dominique.

“She’s still busy with her resort businesses. But I do hope na bumalik na siya, Ruzell Reid will give us all a damn hell kapag hindi pa bumalik si Empress.” Sagot ni Calee.

“Who is she?” Eve asked paglabas nito ng banyo. She never heard that name before and it looks like this person is a big deal for them.

“Oh, she’s the owner of this school.”

“Akala ko ba ikaw ang may-ari nitong school?” She asked, confused.

“Nope. Ha-ha, inaangkin ko lang dahil sa pangalan. She’s the real owner of this school— pinsan namin, sampid lang kami actually. Ipinamana ng Daddy niya sa kaniya when they died. Ibinilin niya muna ang school sa akin while she’s away but since my stubborn twin came back again, sana bumalik na rin si siya. Hindi ko kayang supilin ang tigas ng ulo ng kambal ko! Gosh! He’s a handful!”

“Empress is the coolest yet scariest person I’ve ever met.” Sambit ni Vienice. “I hope nga na umuwi na siya! Para maprevent na kaagad whatever na masamang gawin sayo ng kambal ni CJ!”

“Empress? Isn’t she already in the Philippines?” Lahat napatingin kay Jeanicah sa sinabi nito.

“What?”

“Really!?”

“How did you know?” Sabay sabay na tanong ng tatlong babae. Tumaas naman ang isang kilay ni Jeanicah.

“I think I saw her somewhere. Saglit lang iyon kaya hindi ko rin sigurado kung siya nga ang nakita ko.” Ibinalik nito ang paningin sa nililinis na piano.

“OMG! Yes! CJ, call her now! Dali!”

“Oo nga! Bakit hindi siya nadaan dito? Bakit hindi niyo rin alam? Must be because she's surprising you two?”

“Oo na. Wait lang ha! Mas excited kayo sa akin ah? Pinsan niyo, pinsan niyo?”

Eve just watched the three na nagkakagulo. Tinapos na niya ang pag aayos and headed outside without saying goodbye to them.

“Are you heading for the cafeteria? I’ll come with you.” Bahagyang nagulat si Eve ng sumulpot sa tabi niya si Jeanicah. Nakasunod pala ito sa kaniya. She only nodded at her.

Tahimik lang silang naglalakad. Napansin ni Eve na mas tahimik talaga si Jeanicah unlike those three girls. Paano kaya nito natagalan ang tatlong maingay? Narating na nila ang cafeteria, paglingon niya sa kaniyang tabi ay wala na ang kasama. Napailing nalang si Eve. Parang multo lang ang babae.

The Mafia Heir (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon