𝑩𝒆𝒔𝒕 𝑬𝒏𝒆𝒎𝒚 𝑵𝒖𝒎𝒃𝒆𝒓 𝑶𝒏𝒆

191K 3.4K 53
                                    

𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓕𝓸𝓾𝓻 : 𝓑𝓮𝓼𝓽 𝓔𝓷𝓮𝓶𝔂 𝓝𝓾𝓶𝓫𝓮𝓻 𝓞𝓷𝓮

CLAD IN a brilliant red dress, mahabang pulang buhok na kumikinang sa sinag ng araw at labi na parang uminom ng dugo– that’s definitely Queen.

Napabuntong hininga nalang siya pagkakita rito sa labas ng eskwelahan. Halos lahat ng dumaraan ay napapatingin sa gawi nito na prenteng nakaupo sa hood ng pulang sasakyan rin nito.

Kumaway ito sa kanyang direksyon ng makita siya. Nang makalapit ay hinalikan siya nito sa pisngi and for sure babakat roon ang lipstick nito. Pasimpleng pinunasan nya iyon.

"I saw that!" Sambit sa kanya ni Queen.

Ngumiti lang siya rito and asked, "Where to?"

Ngumuso ito, "Hindi ka pa kasi pwede sa mga bar at club so sa bahay nalang tayo. Isa pa, ayokong multuhin ng lolo mo dahil sa pagiging bad influence ko." at sinabayan iyon ng pagtawa ng malakas dahilan para makakuha ng attention sa paligid. Queen look at them, "Oh, attention. I love it!"

She sighed again. "Queen, let's go. You're attracting too much attention."

Ngumisi ito sa kanya, "Ano ka ba naman, Eugene. Syempre kung ganito ka ba naman ipinanganak na sobrang ganda, sobrang sexy at sobrang talino pa itatago ko ba? Iyong kanta nga ni DJ, para sa akin talaga ‘yon– nese eken ne eng lehet."

Hindi nalang siya umimik. Wala na siyang sinabi. Few minutes later ay narating nila ang isang malaking bahay na pagmamay-ari nina Queen.

She noticed that something has changed. Minsan kasi ay pumupunta sila ng lolo niya rito noong bata pa siya. "Pinalitan niyo ang pintura... I thought she was the one who decided for that color?" She asked patungkol sa pagbabago ng kulay ng bahay. May asul kasi ang ilang bahagi ng bahay na ngayon ay napalitan na ng matingkad na pula. Well, who picks red hue for their own house? Undoubtedly, it’s Queen.

Queen beeped her car in front of the iron gate, ilang segundo lang at unti-unti na itong sariling nagbukas. "Change has come, Eugene. I want red nga rin sana para sa gate but Dad was against it! Maroon nalang daw kasi parang gumagawa na raw ako ng sarili kong impyerno dahil demonyita naman na daw ako. Grabe siya sa akin, diba!?" Wika nito.

Eve laughed sa sinabi nito pero hindi na nagkomento. Pumasok na ang sasakyan nila sa loob, binuksan ni Queen ang windshield at kumaway sa security guard na naroon nakatayo sa loob ng guard house, may hawak itong remote na nakatutok sa gate.

"Good afternoon, mga binibini!" The guard greeted them.

"Kyah, kyah, andiyan pa ba ang ama ko?" Queen asked.

"Kanina pa ho umalis, mukhang may lakad."

"Lakad? Walang dalang sasakyan? Naku, pasko ang aabutin niya kapag nagkataon.”

"Ang ibig kong sabihin eh may pupuntahan yata siya."

"Yown!" Queen laughed. "Sige, salamat kyah! Pembarya?"

Tumawa lang ang security guard sa pinagsasabi ni Queen. Itinaas na nito ang bintana at tuloy tuloy na pumasok sa garage area.

"What the? Bakit nandito rin sila?" Biglang takang tanong niya pagkakita sa kanyang mga PSG na naroon sa paligid pagkababa nila ng sasakyan.

The Mafia Heir (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon