Kabanata 51

1M 27.3K 8.9K
                                    

Kabanata 51

Kissing Clark

Niyakap ako ni Kira at ng ibang models. Pinilig ko ang ulo ko para ma alog ang iniisip.

"CONGRATS GIRLSSS!" Aniya sabay tawa ng pahisterya. "I'M SO PROUD! GRABE! NAGUSTUHAN NG ISANG BUSINESS MAN!"

Hindi ko na masundan ang mga nangyari. Yakapan at batian ang nangyari. Palinga linga ako sa sunod sunod na batian at ngitian sa pictures.

"Shots! Party!" Sigaw ni Hugo na isa ring agent at stylist.

"Thanks!" Tinanggap ko ang shots na binigay at agad nilagok.

Ilan pa ang natanggap ko sa kabuuan ng pag papapicture.

"Fuck you, Brandon!" Narinig kong sigaw ni Kira kay Brandon.

Tumawa si Brandon at umiling na lang.

May kabulastugan na naman sigurong ginawa. Nilagok ko ang isa pang inumin bago ako hinagisan ng robe at hinila ni Kira.

"Girl, bihis ka na." Bulong niya at dinala ako sa isang kwarto.

Maraming models na nagbibihis sa loob ng kwartong iyon. Busy din si Kira at lumabas agad. Nag madali ako sa pagbibihis dahil minamadali ako ng mga co models ko.

"Bilis, Chesca! Picture tayo!"

Hinablot ko lang yung shirt na nakuha ko. Malaki iyon nang isinoot ko. Papalitan ko na sana pero hinila na ako ng ibang models.

"Uy, teka lang, bihis lang ako." Sabi ko.

"Okay na yan!" Tinali ni Amy ang dulo ng tshirt para makita ang pusod at tiyan ko. "Ayan, sexy na!"

Napilitan akong ngumiti sa camera. Mabilis na ni click ang camera. Ngumisi ako at nagbatian kami ng mga models.

"Labas tayo!" Agad nila akong hinila.

Nagka picture kami kasama yung designers, yung businessman, sina Kira at Hugo. Iba't ibang pose at sa bawat pose ay nakakainom ako ng kung anu anong inumin. Tumatawa na lang kami lalo na pag gumagawa ng kabulastugan ang male models. Pinilig ko ang ulo ko at doon ko namalayan na medyo tipsy na ako. Ilang shot din kasi ang nainom ko.

"Bon fire!" Sigaw ni Amy sabay turo sa bonfire na ginawa ng mga male models malapit sa sea shore.

Naka pwesto na sila doon. May gitarang dala si Billy, may nilulutong barbecue si JV at ang ibang male models ay umiinom na. Naging maingay din ang labas ng hotel. Mukhang nag hire sila ng DJ.

"Kumain na muna kayo!" Anyaya ni Kira.

Magulong magulo na dahil sa after party. Ni hindi ko mahagilap si Hector. Kumain ako at san ay kumakain siya. Kaya nang bumalik ako doon sa may stage, nakita kong nandoon parin siya at kausap ang mga malalaking businessman. Kilala siguro ng pamilya niya? Well, kung ayaw niya akong bantayan ngayon ay magpaparty na lang ako ng todo.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon