9. The Deal

11.1K 249 3
                                    

4 years later 

 

 

Nasa loob siya ng  “SQUISITO” pangalan ng itinayong restaurant nilang magkakaibigan. Magkasosyo sila sa puhunan pero talagang si Aludy ang hands-on sa pagpapatakbo ng restaurant dahil ito ang nakatapos ng culinary arts sa kanila. Si Joni naman ay naki hati din sa puhunan yun nga lang kahit isang beses lang ay di pa ito nakadalaw sa naturang restaurant dahil magmula ng nakidnap ito at magtungong Canada ay di pa ito nakakabalik sa Pilipinas. Namimiss na niya ang kaibigan niya. At si Dave, ang kanyang fiancé, napangiti siya sa sarili ng maisip ang binata.

I missed you so much Dave, I’ts been four long years since the last time I saw you” anang isip niya at inalala ang huling pag-uusap nila ng binata.

FLASHBACK

 

Nasa veranda noon si Dave at nakatingala sa kalangitan  nang yakapin niya ito mula sa likuran at inihilig niya ang kanyang ulo sa malapad nitong likod.

I am going to miss your sweetness sabi nito sa mahinang boses na umabot pa din sa kanyang pandinig.

eh di lagi akong magiging sweet sayo araw-araw ikaw lang naman itong maarte kunyari ayaw gusto naman sabi niya.

Mahinang natawa  naman si Dave sa sinabi niya. Isa pa yan sa ma mimiss ko sayo.” Bumuntong hininga ito. “but you need to go back to Manila in the next few days. Malapit na ang enrolment mo seryosong sabi nito.

Napakunot noo naman siya. You mean i’m going alone? Aren’t you coming with me?” Kinakabahan niyang tanong.

He turned around and face her. I can’t. You know how busy I am here and dad is not yet fully recovered. Hindi niya pa kakayanin ang magpatakbo sa kumpanya niya especially now that it is facing a very serious problem” 

She swallowed her throat. “In that case hindi nalang ako babalik sa Manila. Dito nalang ako mag-aaral basta kasama kita. Ayaw kung malayo sayo." sabi niyang di namamalayang tumulo na pala ang kanyang luha. Hindi niya yata kakayaning magkakalayo sila ni Dave.  "mahal na mahal kita Dave. Alam mo naman yun di ba? I can’t live a life without you. Isipin pa lang niya na magkakalayo sila ni Dave ay pinira-piraso na ang puso niya.

He cupped her face at pinunasan ng mga daliri nito ang mga luhang umaagos mula sa kanyang mata. Pagkatapos ay niyakap siya nito at hinalikan sa noo Hindi puwede sweetheart. I had your ticket booked already." Binitawan siya nito at tiningnan sa mga mata. "Isa pa, I think it’s about time for you to learn how to manage our company. May mga pinagkakatiwalaan naman akong tao sa kumpanya but I would be very at peace pag andun ka.” sabi nito na humihingi ng pang-unawa sa mga mata. At kapag ganun si Dave ay alam niyang  hindi niya ito matatanggihan. 

Pero saglit pa ay nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito ng lubusang mag sink-in ang sinabi ng lalaki sa kanya. What?" She exclaimed. "You mean, I will work in the company while studying? Where’s the justice in that?" protesta niya sa lalaki.  "At isa  pa wala akong alam sa negosyo Dave. Alam mo naman yun mag-shopping lang ang alam ko she said while pouting her lips.  Pinipilit niyang mag pa-cute dito pero sa totoo lang ay kinakabahan siya sa gustong mangyari ng lalaki.

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon