8. Meet the Parents

11.7K 223 5
                                    

Dedicate this to luCherry27, thank you for reading and voting. 

 _________________________________________________

Kinakabahan siya habang papasok sila sasa bahay ng mga magulang ng  binata sa Australia. Tinawagan ito ng magulang na pumunta muna doon dahil sa na stroke ang ama nito at walang mag aasikaso sa negosyo ng ama na kasalukuyang may kinakaharap na problema. Isinama siya ng binata dahil  semestral break nila at nalulungkot siya dahil siya lang ang nasa Manila at wala ang mga kaibigan na madalas niyang kasama. Nasa Canada na si Joni dahil dinala ito  ng mga magulang pagkatapos itong marescue sa pagkakakidnap dito. Si Aludy naman ay nasa Cebu kung saan taga roon ang pamilya nito.

“A penny for your thought?” nakangiting tanong ni Dave sa kanya habang hawak ang isa niyang kamay.

Sinuklian niya ng isang matipid na ngiti. Simula ng nangyari sa kwarto niya noong makita sila ni Aludy ay naging mas sweet na sa kanya si Dave na ikinatuwa naman niya. “Kinakabahan lang ako ngayon ko pa lang kasi makakaharap ang pamilya mo.” Matagal na siya sa poder ni Dave pero ito pa lamang ang unang beses na kmakakaharap niya ang mga magulang  nito na sa Australia na talaga namalagi.

 Ito naman ang ngumiti sa kanya. “Just be yourself. Hindi naman sila nangangain ng tao” biro nito sa kanya. Magsasalita sana siya ng bumungad sa kanila ang isang may edad na babae at nasisiguro niya na ito ang ina ni Dave dahil sa mga larawan na nakita niya sa photo album na nasa bahay ng binata.

“Hijo, anak I missed you” sabi nito sabay bigay ng mahigpit na yakap. 

Dave hugged her back. "I missed you too mom."

Mamasa-masa naman ang kanyang mata sa nakitang eksena ng dalawa. She always thought how it would be like na mayakap din ang ina niya pero sigurado naman siyang hindi na yun mangyayari. Pinilig niya ang ulo upang alisin ang ganung isipin tungkol sa ina.

Bumaling naman ang atensiyon ng ginang sa kanya. “You must be Shyne. You are very  pretty hija just like your mom” sabi nito na nakapa-awang sa labi niya.

Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. “Po? Kilala niyo ang na..nanay ko?” tanong niya.

Umilap naman ang mga mata nito. “I.. I just assume it hija, ma...maganda ka kasi kaya n-naisip ko maganda din ang m-mommy mo” nauutal nitong sagot.

Dave sense the discomfort of the ladies talking about Shyne's mom. “Sa palagay ko kailangan na ni Shyne magpahinga, I’m sure pagod na siya sa biyahe.” putol na lamang niya sa usapan ng dalawa. Mukha namang nakahinga pareho ang dalawa sa sinabi niya.

“Mabuti pa nga magpahinga ka na. Halika ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo. I cooked my specialty plank grilled salmon and pepperberry beef  I’m sure you gonna love it” Magiliw na sabi ng ginang sa kanya na sinuklian niya ng matamis na ngiti.

Dinner time ng makilala niya ang ama ng binata at hindi tulad ni Dave ay mapag-biro ito at masayahin. Panay ang kwento nito nung mga kapanahunan nito at pati ang love story nito at ng asawa.

Dad, kulang nalang pati ang kwento nina lolo at lola ay ikuwento mo din kay Shyne” ani Dave

FREUNDE SERIES 1: All This Time (completed)Where stories live. Discover now