Remembering More (One Shot Short Story)

34 5 0
                                    

'Gusto kong makalimot.'

Alam ko maraming tao ang palaging nagsasabi ng mga katagang yan, araw-araw.

Mga taong gusto malimutan ang problema nila. Ang taong nanakit sa kanila. Ang mga taong nakakainis. Mga di kanais-nais na pangyayari. Mga ganun, maliliit na bagay.

Alam ko dahil ganyan din ako, dati.

"May Alzheimer's Disease ang anak niyo, Mr. at Mrs. Alonzo. Sorry po."

Nang marinig ko ang mga salitang yun galing sa bibig ng doktor, gumuho ang buong mundo ko.

Natulig ako na di ko na narinig ang biglaang paghagulgol ng mama ko. Namanhid ako na di ko na naramdaman ang pagyakap ng ama ko sa akin.

Bakit ako pa? Bata pa ako. Bakit?

Ang sabi ng doktor, minsan lang daw magkaroon ng ganitong sakit ang mga taong nasa edad ko.

Pero minalas talaga yata ako.

Mawawala lahat sa akin, mga simpleng bagay hanggang sa pinaka-iniingat ingatan ko.

Lahat-lahat. Makakalimutan ko.

Ang ang masakit dun, unti-unti ko itong makakaligtaan. Mawawala ang mga alaala ko kasama ng hangin.

-

Mahirap.

Napakahirap mapunta sa kinalalagyan kong sitwasyon ngayon. Gusto kong tumakas pero alam ko sa aking kaloob-looban na wala na akong magagawa pa. Ito na ang kapalarang nakatakdang tahakin ko.

Ang tangi ko na lang na magagawa ay alagaan ang mga alaala habang di pa ito nawawala.

Hindi rin madali ang pang-araw-araw ko na buhay. Pabago bago ang mood ko. Minsan madali akong mainis o magalit. Meron namang mga pagkakataon na bigla na lang ako nalulunkot kahit wala namang dapat ika-lungkot. May nga pagkakataon rin na nagiging mababaw ang kasiyahan ko, matatawa na lang ako bigla sa mga corny na joke ng kaklase ko.

Pakiramdam ko, hinay-hinay na akong nawawalan ng bait.

"Uy, Hans, may naghahanap s'yo."

Nagising ako sa pagmumuni-muni tungkol sa aking buhay ng marinig ko ang boses ng katabi kong si Mark.

Agad kong isinara ang maliit na notebook na palaging kong dala-dala. May nakasulat na 'HOY! GWAPONG LALAKI! BUKSAN MO AKO'T BASAHIN!' sa pabalat nito.

Nang mag-angat ako ng tingin, ang una kong nakita ay ang nakangiting mukha ni Hope.

Ibinalik ko naman ang ngiti niya sa akin.

Kung di lang dahil sa sakit ko, matagal ko na dapat siyang niligawan.

Isa lang naman akong normal na binata dati. Dati.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at pumunta sa pintuan ng classroom, wala pa rin ang instructor namin kaya libre kaming nakakapagliwaliw.

Nang makalapit na ako sa kanya ay may kinuha siya mula sa bag niya, isang makapal na folder, ang project ko sa Calculus.

"Ipinahahatid ng Mama mo nang mapadaan ako sa inyo kanina. Nakalimutan mo raw." nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

"Salamat," simple kong sagot sabay tango ko sa kanya at tumalikod na ako l.

Nakalimutan ko.

Di ko mapigilang isipin habang tinutungo ang aking upuan.

Normal lang para sa isang normal na tao ang makalimut minsan ng mga bagay bagay. Ngunit para sa akin, napakalaking bagay na nun dahil di ako normal pero di rin ako abnormal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remembering More (One Shot Short Story)Where stories live. Discover now