5. Ang labo nila! >.<

432 6 1
                                    

hi!

wow ang tagal ko ng hindi na-uupdate ito. Alam nyo ba, nawala itong file na to? Hindi ko sya nakita for two-three months... iniisip ko pa nga kung paano ko na ipagpapatuloy.. Yun pala, ang kapatid ko ang may salarin! Haha!

Anyways. Share lang yun. Very short lang itong chapter na ito compared sa iba. One page! Nakakatanggap na kasi ako ng messages kung bakit ang tagal na daw. At dahil super mahal ko kayo, gumawa na ako out of the blue! :3

Sorry maikli lang, hindi na ko masyadong makapag-isip ng kakilig kasi may long quiz kami sa Analytical Chem bukas. Wish me luck :) #RandomShareUlit

Haha. Sana magustuhan nyo po ito! Salamat! Please comment, vote and add this to your RL :)

xoxo

Lady Knight

_____________________________________________________________________________

<Lei’s POV>

Dumerecho kami ni Ken sa classroom pagkagaling sa botanical garden. Pagdating namin, merong mga ngiti sa labi ng mga kaklase ko.

“What’s funny?” tanong ko kay Eliza.

Nakangiting umiling lang si Eliza.

“Anong nangari?” tanong ko kay Arianne nung dumaan sya.

“Ha? Bakit di mo itanong sa sarili mo?” tumawa siya.

Haaa?

Lumingon ako kay Ken na kasalukuyang nagtetext. Nakakunot ang noo nito.

“Ken—“

Pero bago ko pa natapos ang sasabihin ko, may bumukas ng pinto at sumigaw.

“HELLOOOOO!!”

Napatingin ako kay Rolf at Makoto.  Mas malaki  pa ang ngiti nila kesa sa iba.

Siguro sila ang may alam kung bakit nakangiti sila >.<

“Rolf, may nangyari ba? Bakit nakangiti ang lahat?”

“Oh? Siguro dahil may nakita silang ka-nais-nais. Katulad ko. May nakita akong ka-nais-nais KANINA.”

“Talaga? Ano naman yun?”

“Ken, sabihin ko ba?”  Tumingin si Rolf kaay Ken. Taas-baba ang kilay nya.

“Ha? Ano kinalaman ni Ken dyan?”

“Malaki. Sya lang naman ang—“

“Pre, bakit hindi na kayo nakaposas?”

Is it just me or talagang sinadya ni Ken na putulin ang sasabihin ni Rolf?

Pero TEKA.

Bakit nga ba hindi na sila nakaposas? Bakit kami nalang ni Ken ang hindi natanggalan?

“Ahh ito ba?” Tinaas ni Makoto ang kamay nya, na parang i-ne-emphasize pa na wala na ito sa posas.  “Dumating kanina si Sir. May emergency meeting daw. Baka hindi sya makabalik agad kaya pinakawalan na kami. Next time nalang daw yung reaction paper and stuff.”

“WHAT?” sabay namin sabi ni Ken.

“Uuuuyyyy, sabay sila...” tukso ni Rolf.

“Shut up Rolf. Nasaan na si Sir ngayon?” tanong ni Ken dito. Nakakunot na ang noo nito.

“Nasa puso ko, pre.” Tumawa pa ng malakas si Rolf.

“Sipain kaya kita dyan? Sumagot ka ng matino!”

“HAHAHA. Tingnan natin kung magagawa mo.”

“Ay nako  pre. Wala kang makukuhang matinong sagot dyan kay Rolf.” sabi ni Makoto sabay inakbayan si Rolf. “Alam mo naman ang gusto nya diba?” Sabay na tumaas-baba ang kilay ng mga ito.

“Bakit, ano ba ang gusto nyo?” Hindi ko natiis na itanong.

Nagkatinginan ang tatlo.

...

...

...

“Sige pre, sabihin ko na. Nasa faculty room lang si Sir ngayon. una na kami ha? Bye!” sabi ni Rolf. Hinatak nito bigla si Makoto at pumunta sila sa mga kabarkada nila.

“Weird...” ang sabi ko habang tinitingnan sila. Bakit ba ang weird kumilos ng mga kaklase ko ngayon? >.<

“Ehem.”  Tiningnan ko si Ken. “Well, let’s go?” Nakangiti nyanng tanong sakin.

“Saan?”

“Sa faculty room, of course. Gusto mo bang ganito tayo buong araw?” Amusement sparkled in his eyes. Tinuro pa nito ang posas na nag-lilink sa aming dalawa.

Naramdaman ko ang pag-init ng cheecks ko. Dang! Ayaw ko pa naman mag-blush. Matagal-tagal bago mawala ang pagkapula sa mga pisngi ko. >.<

“You’re blushing? You’re so cute, Lei,” sabi ni Ken. At tumatawa pa ang Hudas!

Pumihit na ako papunta sa pintuan para hindi na nya makita na mas lalo akong nag-blush dahil sa sinabi nya.

“Shut up and let’s go!” hinatak ko na sya. Baka kung ano pa ang masabi ko eh.  Katulad ng, sana nga ganito tayo buong araw.

My Best Friend is a Playboy *on hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon