2. Bakit ako??

576 6 1
                                    

sorry ngayon lang ako nakapag-upload! super busy talagang maging med tech. ipakabisa daw ba ang 3 pages ng  chemical formulas and their common names within one week??? Nagkanda buhol buhol na ang dila ko... XD

Anyways.. this is the new chap.. medyo minadali ko na :)) Enjoy!

_____________________________________________________________________________

“Ms. Lei at Mr. Kenneth.. kamusta na ang pinapagawa ko sa inyo?” tanong ni Ma’am Santiago pagkadating namin sa staff room.

“Ma’am, malapit na po kami makakuha ng proof… konting time nalang po, pwede na po natin ma-iderecho sa Prefect of Discipline..” sabi ko.

“Ahh good good. Kelan naman yang sinasabi mong konting time?” tanong ni ma’am

“Within a month siguro ma’am.. the trap is set” nakangiting sabi ni Ken.

“ahh that’s good. sabi ko na nga ba maasahan ko kayong dalawa eh. I’m glad that you two were the ones that I recommended to the principal. Bagay kayo sa positions nyo bilang IRO.  Sige, thank you and you may go.” dismiss nya samin.

Lumabas na kami sa staff room ni Ken.

IRO stands for Internal Relation Officers. Sounds cool right? Pero, in reality, it’s hell. Kami ni Ken ang bahala sa welfare ng bawat tao sa school. Kami ang nag-iinspect kung nasa right conduct pa ba ang mga prof. kami ang nag-iinvestigate sa mga complaints ng mga estudyante.

 Kami ang taga-tingin kung nararapat ba ang mga punishment ng mga prof sa students. Kami ang pinapapunta ng principal sa mga “undercover missions” kung saan hindi dapat malaman ng mga tao maliban sa mismong principal ang pinapa-imbestigahan.

 Kami ang pinupuntahan ng mga janitors para isumbong kung may nag-vandalism at kung sino ang salarin.

Oo. Kami na ang lahat. pati taga-investigate kung ano ang weaknesses ng mga terror na prof, kung totoo nga bang may lihim na pagtingin si Sir Rios kay Ma’am Castillo. Oops. joke lang yun. Syempre hindi kami nang-aabuse ng power na binigay samin.

So all in all, kami ni Ken ang nag-checheck kung ang relationship between the faculty, staff, students and admins are working harmonious. Pero internal nga. So walang nakakaalam na kami talaga ang IRO.

Which makes sense. Kasi since kami ang nag-checheck ng behaviours ng mga tao dito, dapat hindi nila malaman na kami yon so they won’t be on guard.. at makikita namin kung sino talaga sila.

“okay ka lang ba Lei? Parang tumahimik ka na ata,” komento ni Ken

“Huh? Ah oo okay lang. Iniisip ko lang kung bakit tayo napili as IRO. I mean, diba dati sinasabi nila na usually fourth year student and may hawak nun?”

“Because I’m handsome and you’re pretty!” sabi ni Ken.

psshh. sabi na nga ba eh. talagang kalokohan lang iniisip nitong mokong na to.

“Hoy! Magseryoso ka nga!” sabi ko.

“Haha kaw hasi masyado kang serious eh.. hmm siguro kasi playboy ako?” sabi nya.

“Huh? ano konek nun sa pagiging IRO?”

“Hayy ang bopols mo ngayon. Syempre, ang mga playboy, natural charmer yan.. Edi useful ako sa mga missions natin diba?”

“Hmm oo nga noh.. Eh teka. Bakit naman ako?”

“....”

“???”

“....”

“Huy!! Hindi ka na nakapagsalita dyan!”

“H-ha? uhhh... haha... may iniisip lang ako noh.. “

My Best Friend is a Playboy *on hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon