Ikot La Salle: Having You

560 14 10
                                    

Dedicated to sayo kasi... hindi pa ko makakapag-update ng First Love Never Dies.... IM REALLY sorry... pero ita try ko.. wahhahah.. pasensya.. tamad akong OTOR :)))

Wahahahahahaha, ang last installment ng Ikot La Salle *bow*

wag babasahin kung di pa nababasa ang Ikot La Salle: Falling In Love at Ikot La Salle: Meeting You

Yes may natapos na ko.. woooooh... kampay!

Ikot La Salle: Having you!

Andito nanaman ako sa pick-up point ng Ikot La Salle, hinihintay nanaman siya..

I know, maaga pa ko para sa class ko, but what can I do, tinamaan talaga ako sa kanya eh.

After knowing na laging sa gate 3 siya dumadaan pagpapasok siya, lagi na kong nandito...

SHIT ang korni ko..

Si RHYAN VILLARDE nagkakaganito ng dahil sa babae!

UNBELIEVABLE!!

Araw-araw lagi kong tine-tyempuhan na magkasabay kami, minsan sabay kaming naglalakad, minsan sabay kaming sumasakay ng ikot La Salle.

Everyday may nalalaman akong bago about sa kanya,

Di ko akalain na nakilala ko na sya noon.

I mean seriously bat ko sya nakalimutan.

Niligtas ko daw siya noon, kaya naman kahit hindi pa niya alam ang glam ay kilala na niya ko.

Natawa nga ako ng sabihin niyang salamat daw sakin at nalaman niyang may organization pala na "GLAM" dito sa school.

Nag-thank you siya sakin ng sobra pagtapos niyang ikwento ang nangyari, honestly nahiya ako. Hindi ko kasi matandaan kung kailan iyon.

Ang sarap niyang kausap. No dull moments. Tsaka parang laging kumpleto araw ko pag nakakausap ko sya.

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng makasakay ko saya sa Ikot Lasalle, since then lagi ko na siyang sinasabayan.

Tinatawag na nga akong stalker ng tropa ko eh.

Pero magagawa ko.

IN LOVE ako eh.

Yep tinanggap ko na na biktima ako ng tinatawag nilang sakit na "love at first sight", tsss... though sabi ni Tricia ... nagblush ako.. SHIT!.. ano ko babae para magblush!! Sh!t talaga, ganito ko minsan pagkasama siya di ko mapigilang hindi magblush.. alam kong hindi manly, pero di ko mapigilan.. akala ko imposibleng kiligin ang mga lalake except pagkatapos umihi, pero heto ko ngayon kinikilig porket tinawag ko siya sa nickname niya... argh mabalik sa usapan.. sabi niya nga nagkita na kami noon... haist

Minsan nga tatlong beses ko syang hindi nasabayan dahil sa iisang dahilan tinanghali ako ng gising dahil may appearance ang GLAM, grabe ang epekto sakin non...

MUNTIK na kong mag-quit! Wahahahaha... Kung di lang sinabi sakin ni Tricia *blush* na natutuwa siya pagnagpeperform ang GLAM nagquit na ko.

Minsan sinasabayan ko syang umuwi... di ko magawang sabihing lagi na kaming sabay umuwi for 3 reasons...

Una – natotorpe ako

Pangalawa – Hindi kami sabay ng oras ng uwi mas maaga sya due to my club activities

Pangatlo – hindi ko masabing "this is my way of courting you" dahil natotorpe ako.. alam niya na kayang nanliligaw ako??

Haist... sa loob ng 2 mos. na yun nahingi ko rin no. niya.

❤ Short Stories Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon