Ikot La Salle: Falling inlove

830 13 5
                                    

Hmmmm... So yeah wala akong maisip na karugtong nung mga kwento ko.. sooooo gumawa na lang ako ng short story...  Wala pa kong tulog -.- at di ako makatulog -.- tsssss...

Disclaimer: I'm not BRO. GUS! So obviously I don't own DLSU-D. Pagamit lang po nung place >.<... I'm begging you.. PLEASE... don't sue me :D

Other than the school I used, I owned almost everything... bwahahhahaha

PS. ung vid sa gilid ginawa yan sa La Salle Dasma >_< (Disclaimer: hindi po sa akin ang video na yan!!!)

Ikot La Salle: Falling inlove

Isa ka ba sa mga libo-libong estudyante ng De La Salle University- Dasmarinas??

Kasi kung OO..

Naranasan mo na bang maglakad na feeling mo ikaw si Johnny o kaya naman si Jenny ng Endless Love, dahil yung scenery habang naglalakad ka ay sobrang breathtaking, nagkalat ang magaganda at malalaking puno sa paligid ng school??

Naranasan mo na bang tumambay sa ilalim ng mga kubong nakakalat doon, kung saan malamig ang simoy ng hangin??

Ang maglakad at tignan ang mga different plants and animals sa Botanical Garden?

Ang makapag-ikot sa Museo De La Salle?

Eh ang sumakay ng Ikot La Salle??

 Ako nga pala si Rhyan Villarde... At ikukwento ko ngayon sa inyo ang isa sa mga pinaka-importanteng pangyayari sa buhay ko sa loob ng La Salle!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Pa-abot po"

"Bayad po"

"Makikisuyo lang po ng bayad"

Yan ang karaniwang eksena dito sa loob ng Ikot La Salle. Mga estudyanteng nakikisuyo para iabot ang kanilang mga bayad. Mga nag-unahang estudyante para makasakay. Lalo na pag mga late na.

Maaga ako ngayon. Hindi ko alam bat ang aga ko. Mamaya pang 10 ang klase ko, 8:30 palang.

Pero mabuti na rin yun. Dahil maaga ako nagising onti pa lang ang tao dito sa loob ng ikot. Nag-iintay pa ng mga pasahero.

Oo alam ko.. Tamad ako.. bat hindi ko pa lakarin eh 1 ½  hours pa bago magklase...

Bakit ba ayokong pawisan ako.. Sayang lang porma at kagwapuhan ko...

Hindi man sa pagmamayabang pero kasali yata ako sa "Glam". Isa sa mga Organizations dito sa school wherein the no. 1 rule is "only good looking creatures are allowed to join." Lol.

Damn.. antagal umalis ng ikot. nakaka-antok!

"Wait po, manong" tinig ng babae na halatang hinihingal na ang tumawag sa aking atensyon.

Umupo yung bagong sakay na babae sa tabi ko. Wala ng space eh, wala na syang choice.

Nalalanghap ko yung mabango niyang shampoo and soap.

Bagong paligo pa ata.. Hep! Hep! Di ako manyak.. naamoy ko lang!

Pinag-aralan ko ang itsura ng katabi ko.

Morena siya, Mejo chubby, at halatang studious dahil sobrang daming school stuff ang dala. Hindi ko makita ang face niya dahil natatakpan iyon ng super straight niyang buhok na parang hinihikayat ang sinuman na nakatingin dito na hawakan at haplusin ito. Mahilig pa ata siya sa color red dahil ang bag at wallet niya ay color red.

Pasmado pa ata si ate dahil nanginginig yung kamay niya habang kumukuha ng bayad..lol..

Dahil siguro sa nanginginig si ate at nagstart ng umandar yung jeep ay nalalaglag niya yung anim na pisong pamasahe nia.

❤ Short Stories Ko ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon