Chapter 5

726 7 1
                                    

“What a revolting scene!” Kagyat na nabulabog ang dalawang tao sa living room nang walang seremonyang pumasok si Rose, Charice in tow.

“Yuck! I hate heterosexual love.” Dagdag pa ni Charice sa disgusted na tono. Isa ang pagpapanggap bilang lesbian sa mga favorite pastime ni Charice, para lang ilagay sa uncomfortable na sitwasyon ang mga tao sa paligid niya. Huling-huli nilang naghahalikan sina Brent at Anna Luise. “This room reeks of immorality!” Nagbabaga ang mga matang itinuon ni Rose kay Anna Luise at Brent.

“Anna Luise, hindi porke wala sila daddy ay gagawin na ninyong motel ang bahay na ito. Buti nalang pala umuwi ako kung hindi baka natulad na sa Sodom and Gommorah ang lugar na ito.”

“Stop it Rose. Wala kaming ginagawang masama!” iritang depensa ni Brent.

“Rose engaged na kami.” Paliwanag ni Anna Luise.

“And so?! Pwede na ninyong gawin iyan dito? Sheesh!”

Napatingin si Anna Luise sa mga dalang bagahe ni Rose.

“I’m staying here. Pinapa-renovate ko ang condo ko.” Dire-diretsong umakyat si Rose sa kanyang kwarto kabuntot si Charice.

“I hate that girl’s guts. Pero hindi bale, her happy days are numbered.” Sumalampak si Rose sa kanyang kama. Walang nagbago sa kwarto niya. Katulad pa rin noong iniwan niya. Pero iba na ngayon. Wala na si Nanay Isay. May kurot sa puso ni Rose. Nagdesisyon si Rose na umalis na sa bahay ng kanyang ama noong namatay si Nanay Isay. Wala ng dahilan pa para manatili siya doon dahil wala na ang kakampi niya. Ngayon bumalik siya tangan ang bagong kakampi – si Marcus. And this time hindi siya aalis na talunan.

***

Nagtataka si Anna Luise nang bumaba siya sa kumedor kina-umagahan. “Where are the maids?” Tanong niya kay Rose na mag-isang nag-aagahan.

“Oh, I think its high time for them to have a vacation.” Nagsalita muli si Rose nang makita niya ang tanong sa mga mata ni Anna Luise.

“Oh don’t worry sis, I brought my own staff.”

“Oh?”

“Yes. Oh here he is.” Nakita ni Anna Luise na pumasok ang isang lalaki sa kumedor. Nakasuot siya ng puting long-sleeved na shirt, itim na slacks, itim na sapatos. Naka itim na bowtie din ito at puting gloves, at nakasuot pa ng apron. Tumingin si Anna Luise sa mukha ng lalaki. Napansin ni Rose ang panlalaki ng mga mata ni Anna Luise. Natuwa siya. Kahit pala kay Anna Luise ay may impact si Marcus. Well she can’t blame Anna Luise.

“Marcus this is Anna Luise, my stepsister. Anna Luise this is Marcus, my all around-servant. Siya ang makakasama natin sa bahay na ito.”

“Are you sure? Mag-isa lang siya. Kaya ba niya?” Tanong ni Anna Luise.

In her sweetest voice Rose spoke “Of course my ignorant step-sister. Marcus is a highly trained servant. He worked in the palace of the Sultan of Brunei. Don’t under estimate him.”

“No, I’m not – “ hindi na itinuloy ni Anna Luise ang sasabihin niya kay Rose. Agad siyang bumaling kay Marcus, “I’m sorry.” Bow lang ang iginanti sa kanya ni Marcus.

Ngayong nakita na ni Marcus ang stepsister ni Rose ay naintindihan na niya kung bakit ganoon na lamang ang pagkainsecure ng kanyang Mistress Rose dito. Ngayong nasa isang kwarto sila ay natabunan ng kagandahan at presensya ni Anna Luise si Rose. Angelic ang kagandahan ni Anna Luise. Kasama pa ang maganda at nangungusap na mga mata nito na laging nakangiti at ang mga labi nitong nang-aanyaya. She had a positive air about her, she brought sunshine wherever she went. Nakaka halina rin para sa kalalakihan ang inosenteng mukha nito. Puno ng alindog ang katawan nito at napaka kinis ng maputing balat. Nakakadagdag sa appeal ni Anna Luise ang pagiging unconscious nito sa epekto niya sa kalalakihan. Parang nakikita na ni Marcus ang naging childhood at teenage life ni Rose, living with someone like Anna Luise.

The Witch with a Capital B and Her Unscrupulous Slave (COMPLETE)Where stories live. Discover now