Tomboy daw ako? - Ending

863 25 15
                                    

Kimberly's POV

"Ano kasi.. Kim.." kinakabahan ako sa sasabihin niya. Pero na-eexcite din ako at the same time, abnormal lang eh? ^_____^

Biglang pumasok sila Tita at Mela sa kwarto, ano ba yun, epal naman eh! Andun na eh! Haha.

Napaiwas ng tingin si Christian sa akin tapos ay ginulo niya ang buhok niya, haha. Kulet.

"Oh, good thing you're awake na!" sabi ni Tita tapos ay hinug niya si Christian.

"Aray ma! May pasa ako dyan." sabi ni Christian tapos ay lumayo siya ng kaunti sa Mama niya.

"Sus, sino bang may kasalanan ha?! Tsk tsk, naglalambing lang ako eh..." ang cute lang ni Tita, nakapout pa siya nun, ^____^

"Kim, hinahanap ka na pala ng mga kuya mo. Haha. Uwi ka daw muna." sabi ni Mela, nalungkot naman ako dun, ibig sabihin matagal tagal ko pang malalaman yung sasabihin ni Christian -____-

Napatingin ako sa kanya, ngumiti siya, "Okay lang."

"Sige po, Tita, Tito, una na po ako." sabi ko at ngumiti. Sumunod naman sa akin si Mela, nakangiti siya na parang baliw nung pagkalabas namin.

"So kailangan talagang nagpapaalam muna kay Ian? Anong meron sa inyo ha?!"

"Aish, ingay mo! Wala, walang nangyayari sa amin! Uuwi na ako, bye." tumakbo na ako palabas ng ospital, sigurado kasi akong magtatanong nanaman yung babaeng yun tungkol sa kung anu-ano.

Naglakad na lang ako pauwi sa bahay, malapit lang naman yun dun sa ospital at tsaka para tipid. Hehe.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Kuya Kaizer, hinarangan niya pa yung pinto bago ako tuluyang makapasok, "Anong problema mo Kuya? Tabi nga!"

"Wait lang! Wag ka munang papasok!" sabi niya tapos ay ngumiti pa. Ano nanamang trip 'to?

"Ano ba Kuya Kaze, papauwiin niyo ako dito tapos hindi niyo naman ako papapasukin?! Ano bang meron ha?!"

Pinilit kong sumilip pero hinarangan ako ng dambuhala kong kapatid. Sige, ako na maliit -_____-

May narinig nga lang akong nag-uusap, si Kuya Kenneth ata yun, tawa siya ng tawa tapos panay 'oo' siya at 'ayos yun'. Sino naman kaya yung kausap nun? -_____-

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon