Chapter 7

871 8 4
                                    

Friday Morning tanghali na ko nagising dahil wala akong pasok sa camp, long weekend daw. Bumaba na ako para kumain.

"Tin, grabe ka hindi tumtigil phone mo sa pagring at pag-beep habang natutulog ka" ani ate wendy

"Ows? tignan ko nga..' pagkakuha ko ng phone ko puro text ng mga babae na hinihingi ang number ni slater, sila yung mga nameet ko sa party ni Paco.

Tinawagan ko si carlo. "Hello Carlo? Pwede bigay mo sakin number ni slater?" sabi ko over the phone

Umoo naman siya at sinulat ko ang number ni slater habang dinidikta niya..pagkatapos ay nag-thank you ako at binaba ko na ang phone.

"Sino naman si carlo?" tanong ni ate wendy

"Head counselor sa sports camp" sagot ko

"Gwapo? Type mo?" tanong na naman niya

"Gwapo ate..pang-artista. pero di ko type.. alam mo naman si kevin lang crush ko.. saka mas bagay sayo yun si carlo.. ka-age mo siya" sagot ko naman sa kanya

"Magtigil ka nga diyan..alam mo naman.." 

" Na umaasa ka pa kay lance?" tumaas ang kilay ko

"Hindi ah, bahala na siya sa buhay niya..bubuhayin ko ang baby ko mag-isa" defensive na sagot ni ate wendy

"Ay nako kumain na nga tayo" sabi ko sakanya habang sinesend ko ang number ni slater sa mga babaeng nagtetext sakin..

                                                              -----------------------------------------------------

*Dumaan ang weekend at finally monday na. Habang nagbbike ako sa loob ng campus papunta sa building ko, nabangga ko ang basurahan sa tabi ng puno.

"Okay ka lang tin?" lumapit si slater at tinignan kung may sugat ba ko

"Yeah okay lang ako, thanks"

"Kasalanan ng basurahan..haha" tumawa siya ng malakas

("cute naman nito tumawa, parang bata" naisip ko)

"So kamusta weekend mo?"  tanong ko sa kanya habang naglalakad kami

"Ayun buong weekend ako sa phone, pinamigay mo kasi number ko eh" sabi niya pero nakangiti pa rin siya

Nabitawan ko yung cellphone ko at sabay namin pinulot kaya naguntog ang ulo ko sa kanya

"Hala sorry" sabi ko sabay ni-rub ko ng noo niya, namumula kasi 

Ayun na naman yung mabangong amoy.. parang yung shirt niya. Na-self conscious ako sa ginagawa ko kaya umurong ako

"Anong sabon mo?" tanong ko

"Ha?" natatawa niyang tanong sakin

"Never mind"

Tumingin si slater sa likod ko tas sabi niya sa mahinang boses na parang naiinis "kaparehas nung sakanya "Macho Spring"

"Macho Spring?" ulit ko tapos tumalikod ako para tignan kung sino yung tinuturo niya

"Hi Tin" sigaw ni kevin na palapit sa amin ni slater

"Hi! Hi!" Natataranta kong sagot

"Hello!" bati ni slater sa kanya "I'm slater"

"Oh, right sorry! Slater this is kevin" pagpapakilala ko sa kanila

"Nice meeting you" ani kevin at nagkamay silang dalawa

Humarap si kevin sakin "So how are you tin?" 

"I'm great, masaya kasama yung mga kids sa camp. Counselor din si kevin dun" sabay turo ko kay slater

" Slater. He's kevin, I'm slater and you're tin okay?" natatawang pagko-correct ni slater sakin

Tinignan ko lang ng masama si slater at pinigilan na niya ang tawa niya 

"So tin, if mahihintay mo ko later baka pwede tayo manood ng movie? dito lang sa loob ng campus..may movie showing mamaya sa student center.....meet tayo dun mga 6 pm?" paanyaya ni kevin

"Sure! 6 pm.." sagot ko sa kanya

Pagkaalis ni kevin, hindi ko napigilan ang tuwa kaya niyakap ko si slater

Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon