CHAPTER 3

1K 7 2
                                    

CHAPTER 3

SLATER’s POV

Masama ba ako at doon ko siya pinatulog? Eh yun dapat ang kwarto ng katulong ko eh. Habang nag-iisip isip ako biglang may tumawag sa akin.

Kinabukasan. Nakita ko na lang na may nakahanda ng almusal para sa akin. Hindi kaya si Tin ang naghanda nito? Pati sa living room medyo malinis na din. Pinuntahan ko siya sa kwarto niya pero wala siya doon.

Nasaan na naman kaya ang babaeng iyon? Hinanap ko siya sa loob ng bahay pati na rin sa labas pero wala siya. Saan na  naman ba nagpunta iyon? Baka nagpunta na naman siya doon sa park. Bahala na nga siya sa buhay niya. Buti na lang wala akong trabaho ngayon at makakapagpahinga na ako.

1

2

3

4

5

6

7 hours na. Wala pa rin si Tin? Nasaan na ba kasi iyon? 3 pm na, hapon na.  -_-. Hinanap ko na lang uli siya. At oo! doon ko nanaman siya nakita, nakikipaglaro sa mga bata sa may park.

“Tin!”, tawag ko sa kanya. di ata ako narinig. “Tin”, tawag ko uli sa kanya. Hindi pa rin lumilingon. “Tin”, tinawag ko uli.

“Ate Tin, may tumatawag ata sa iyo?” sabi nung bata na kalaro niya. Buti pa itong batang ito narinig ako.

“Ha? Nasaan?”, tanong naman niya doon sa bata,

“Ayun oh” sabay turo sa akin.

“Ah si kuya Slater niyo yan. Sandali ha, lapitan ko lang”, sabi niya sa bata.

“uy si ate, sinusundo na ng boyfriend niya”, haha! boyfriend? ako? haha

“hindi ko siya boyfriend. Ikaw talaga, ang cute cute mo” sabay gulo sa buhok ng bata at pinuntahan na niya ako.

“Bakit?”, tanong niya sa akin.

“Anong bakit, anong ginagawa mo dito?”, tanong ko naman sa kanya.

“Hindi kasi ako nakapag-paalam sa kanila kahapon kaya bumalik ako at napasarap ata ang paglalaro namin. HAHA. sorry if nag-alala ka” paliwanag naman niya.

“Hahaha! Ako nag-aalala? No way. Magpaalam ka na sa kanila at may pupuntahan pa tayo.”, sabi ko naman sa kanya.

“Okay!”, tipid ding sumagot ha? lumelevel sa akin?

Nagpaalam na nga siya sa mga batang kalaro niya at nilapitan na niya ako. Sumakay na kami sa kotse ko.

“May mga damit ka pa ba?” tanong ko sa kanya.

“Ha?Wala eh. Nandun lahat sa bag ko na ninakaw”, paliwanag niya sa akin habang dumudungaw sa bintana ng kotse.

Hindi na ako sumagot at dumiresto na kami sa mall para bilhan siya ng mga damit niya.

Pumunta kami sa may department store, Penshoppe, Bench, Human at kung saan saan pa.

“Ang mamahal naman ng mga damit dito? Di ko ata maafford ito. Sa susunod na lang ako bibili di kasya itong pera ko e.”, sabi niya habang tinitignan ang mga pricetag ng mga damit.

“Pumili ka na ng mga damit diyan.”, sabi ko sa kanya.

“Pipili? Wala akong pera eh”, sabi naman niya.

“Ako na ang magbabayad”, dami pang angal di na lang pumili.

“Babayaran ko na lang kapag nagkaroon na ako ng pera. Pasensya ka na talaga ha”, sabi naman niya.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon