Chapter 1

5.2K 36 4
                                    

CHAPTER 1

TIN’s POV

“Sa wakas nandito na din na rin ako! ang ganda-ganda talaga dito!”

Ako nga pala si Christine “Tin” Concepcion. Galing ako sa isang probinsya. First time ko dito. Di ko akalain na ganito dito. 22 years old na pala ako. Nagpunta kasi ako sa isang lugar na hindi masyadong pamilyar sa akin, nagpunta ako dito para maghanap ng trabaho at syempre sana palarin ako.

 “Teka, saan naman ako pupunta nito?”, waaa! nawawala na ako! hindi ko alam kung saan na ako pupunta nito. Nakakaloka. Nilapag ko yung mga dala kong gamit sa may gilid ng puno at bumili ako ng maiinom. Pero pagbalik ko wala na yung mga gamit ko at nakita kong tinatakbo na ng isang lalaki yung mga gamit ko.

“Hoy! Anong ginagawa mo sa mga gamit ko! Ibalik mo yan! Hoy! Bumalik ka dito”, hinabol ko yung lalaking kumuha ng mga gamit ko. >.<

“Bumalik ka dito sabi eh”, hinahabol ko pa rin yung lalaki na tumatawid na.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

May bumusina, at napasigaw ako hindi ko napansin na nandito na ako sa gitna ng kalsada.

Bumaba naman yung lalaking nasa kotse. Waaaaaaaa! Bakit ang gwapo niya.

“Hoy Miss! Hindi mo ba nakikita yung traffic lights! Kita mong green pa oh”, traffic lights? ay oo nga pala! stupid! >.< gwapo na sana eh antipatiko naman. Badtrip

“Sorry kasi may hinahabol akong lalaki! Kinuha kasi yung bag ko at mga dala kong gamit” sinabi ko na lang.

“The hell I care! Umalis ka  na dyan dahil nagmamadali ako” antipatiko talaga! Ang sarap lang patayin! Umalis na nga ako at hinahanap ko pa rin yung lalaking kumuha ng gamit ko. Maloloka ako! Bakit kasi dito pa ako nagpunta. Nang umalis na ako sa dadaanan nung lalaki agad agad naman niyang pinaandar yung kotse niya at umalis na.

“Saan ko naman hahanapin yung kumuha nung bag ko!” ay! oo pala pwede kong ireport sa police ang nangyari.

Nagpunta na ako sa police station.

“Hay naku miss, uso na ang nakawan ngayon dito sa Pilipinas kaya dapat ma-ingat ka sa mga gamit mo. Hindi mo dapat nilalapag yang mga gamit mo sa kung saan saan! At tsaka wala kaming magagawa dahil sa marami na rin kaming obligasyon, marami pinapagawa sa amin” sabi ni mamang pulis. Nakakaloka talaga! Pulis sila eh di obligasyon nila yun. Kayak o nga ni-report dito para magawan nila ng paraan pero sinermonan pa ako.

Umalis na lang ako at naglakad-lakad. At ang tanging dala ko na lang ay yung bagpack ko na may mga damit din pati ang wallet ko. Wala na yung mga gamit ko! Lalo na yung mga kailangan ko para sa pag-aaplyan ko trabaho.

 Lakad na lang ako ng lakad at di ko alam kung saan ako pupunta.

SLATER’s POV

“Hello! Yeah! Papunta na ako diyan! Hintayin mo na lang ako”, binaba ko na yung cellphone ko

I’m Slater Stanford and I’m 22 years old. CEO ako sa isang kilalang company ang Stanford Company. Sabi nila antipatiko daw ako at weakness ko daw ang girls pero I think hindi naman.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep! Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Bumusina ako kasi may babaeng tumatakbo at muntik ko ng masagasaan! Napasigaw siya at huminto siya sa gitna ng kalsada

Bumaba naman ako sa kotse ko para pagsabihan ang babaeng yun. Nagmamadali ako kung anu-ano kasi ang ginagawa.

“Hoy Miss! Hindi mo ba nakikita yung traffic lights! Kita mong green pa oh” badtrip na talaga ako. Nagmamadali ako tapos ganito pa ang nangyayari

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon