Chapter THIRTY-TWO --> Fearless <--

12.3K 207 32
                                    

Dedication for mucah15! :)

================> Chapter THIRTY-TWO --> Fearless <--

[ Cassidy’s POV ]

 

 

     Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

     Mabilis ang pagpapatakbo ni Brye ng kotse nya. Umuulan sa labas. Ang malas naman. Sa lahat ng pagkakataon bakit ngayon pa umulan? Para bang... nalulungkot din ang langit sa nangyayari sa amin ngayon.

     Hindi ko alam, pero bigla nalang akong napahawak sa kwintas na nakasabit sa leeg ko.

     Yung teardrop necklace na binigay sa akin ni Den. Ramdam ko yung tibok ng puso ko. Hindi mapanatag ang kalooban ko. Ayos lang kaya si Den? Kamusta na siya? Kumain na kaya siya?

     Nagbuntung-hininga ako. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako.

     And I really hate crying.

     “Ah sh.t!”

     Napatingin ako kay Vex sa may backseat. “Bakit?”

     Sumandal siya at inilagay yung isang kamay sa ibabaw ng mga mata. Para bang frustrated sya.

     “Na-out ako! Bwiset na mga Zombie ‘to, mga bobo!” sabi niya. Napatingin ako sa Samsung phone nya at naka-display sa screen yung ‘Zombie Tsunami’.

 

 

     “Umayos ka nga,” sabi ko sa kanya. Para kasing hindi man lang nya iniisip yung seryosong sitwasyon namin ngayon.

     “Tsk.” Umayos sya ng upo at saka muling ginalaw yung cellphone nya. “Makapag-Candy Crush na nga lang.”

    “Vex!” Kumunot yung noo ko. Hindi ako makapaniwala sa taong ‘to.

     Napatingin siya sakin at medyo kumunot yung noo. “Bakit ba, Cass?” tanong nya.

     “Bakit?” Medyo natawa ako sa sinabi niya. “Alam mo ba yang ginagawa mo? Parang hindi ka man lang nag-aalala sa mga nangyayari. Lalo na kay Den!”

     “Nag-aalala ako.”

(G4S Book2): SHADOW LOVE [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon