Chapter NINETEEN --> Twisted Moments Like These <--

15.3K 228 33
  • Dedicated kay PrincessXychieJuariz
                                    

Dedicated to Princess Xychie Juariz! :) Have a safe trip Princess. You'll be happy there I promise. :) We love you. :*

============> Chapter NINETEEN --> Twisted Moments Like These <--

[ Cassidy's POV ]

     Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Jace. At may kasama pa syang isang lalaki. Nakasandal sya sa pader, nakahalukipkip, katulad noong dinatnan ko sya sa may labas ng CR.

     Nagtititigan silang dalawa. Si Jace, nakita kong nakapamilog ang parehong kamay. Si Den naman walang mababakas na reaksyon sa mukha nya. As always, he's freakin' good at hiding his damn emotions.

     “A-Anong nangyayari dito?” singit ko sa mabigat na tensyong pumapalibot sa kanilang dalawa.

     Napatingin si Jace sakin, si Den naman tumingin sa ibang direksyon. “Ah wala Cassidy, kinausap ko lang yung EX mo,” idiniin ni Jace yung salitang ex.

     “Tungkol saan?”

     “Sinabi ko lang na layuan ka na nya.” Tumingin siya kay Den. “Kasi wala nang karapatan ang g*gong to sayo.”

     “Jace.” Parang may kakaiba sa tono ko, parang ibig kong sabihin na itigil na to ni Jace, na wag tawaging g*go si Den. Pero naiinis ako sa thought na to. Nakakainis lang talaga.

     Hinawakan ko nalang si Jace sa braso. Mabuti pang paglayuin ko nalang yung dalawang to. Ayoko naman ding masira yung party. “T-Tara. Dun nalang tayo.” Pero hindi natinag si Jace.

     Bigla akong kinabahan. Nanatili pa din syang nakatitig kay Den. Aw shucks! >__<

     Kaya naman pumunta na ko sa harapan ni Jace, tumingala sa kanya at sinubukan syang itulak palayo. “Jace ano ba, tara na dun please. Isipin mo naman yung party,” mahinang sabi ko sa kanya.

     Finally, tumingin na din siya sakin. Pero nagulat ako noong bigla nya kong yakapin. O///O

     “J-Jace!”

     Naramdaman ko yung hininga nya sa may bibig ko. “Fine. Let's go Princess.”

     Princess?

     Then inalis na nya yung pagkakayakap nya sakin at saka ako.... inakbayan?! O///O

(G4S Book2): SHADOW LOVE [fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon